" So, Handa ka na ba? " nakangiting wika ni Shaira, pero mukhang ninenerbyos din ito.
" Opo, " napapalunok na wika ni Hazel.
" Good! " pagkuwa'y humarap na ang ginang sa saradong pinto ng silid ni Noel at tatlong beses na kumatok.
Walang sagot mula sa loob.
" Hijo, it's Mom. Papasok ako ha? " malambing na wika ni Shaira. Pagkuwa'y pinihit na nito ang seradura at itinulak ang dahon ng pinto pabukas.
Bahagyang napakubli si Hazel sa likuran nito dahil bigla na naman siyang natakot na sumilip sa loob ng silid na iyon.
" hijo, good morning. Gising ka na pala. "
Wika ni Shaira nang makitang nakaupo na sa wheel chair si Noel at nakatanaw sa bintana at naka talikod sa gawi nila. Bahagyang nilingon ng babae si Hazel at kinambatan na sumunod sa paghakbang nito papasok." Ayokong kumain, Mom. " walang kasing-lamig ang tinig na wika ni Noel.
Nanuot sa pandinig ni Hazel ang tinig na iyon ng binata at tila may kung anong humaplos sa kanyang puso.
Napaka lungkot ng Boses ni Noel, parang nanggagaling sa ilalim ng lupa, parang punong puno ng depresyon.
" ah, hindi naman kita pipiliting kumain, hijo, may kasama lang ako na Gusto ka raw makita. "
Lalong kumabog ang dibdib ni Hazel sa sobrang nerbyos.
This is it! Ngayon na, wala ng atrasan.
" Ayokong makipag usap kahit kanino. "
" N-Noel.... " anas sa mga labi ng dalaga, gamit ang tinig na pilit niyang pinag-aralan.
Bahagyang natigilan si Noel, mula sa pagkakadungaw sa bintana ay dahan dahan itong lumingon sa gawi nila.
" Sarah... " mahina ngunit malinaw nitong bigkas sa pangalang iyon habang titig na titig sa kanyang mukha.
" Oo. " Lalong naramdaman ni Hazel na wala na talagang atrasan, kailangan na niyang umarte nang husto. " Patawarin mo ako, hindi ko naman gustong iwan ka, " wika sa nanginginig na tinig habang humahakbang palapit dito, nagsimulang gumitaw ang ilang butil na luha sa kanyang mga mata. Nanlalambot ang kanyang tuhod, parang Gusto niyang mapaupo, mapaluhod.
" Sarah.... Akala ko. " pero hindi naman nito magawang ituloy ang nais sabihin, habang nakatitig sa kanya at ang mga matang bahagyang nananalim kanina ay unti-unting naging Malamlam.
" I'm sorry, " sa wakas ay nakarating siya sa harap nito. " Hindi ko sinasadya. "
Unti Unti siyang napaluhod at hinawakan ang kamay nito ng nanlalamig niyang kamay. She stared at his handsome face.
" H-hindi ko gustong iwan ka, natakot lang ako sa responsibilidad na maaari kong pasanin sakaling manatili ako sa tabi mo sa kalagayan mong yan. Peeo nang malayo ako sayo, saka ko na realize kung gaano kita kamahal, please forgive me. " Aniya habang ang kanyang kalooban ay tila parin dumadagundong sa nerbyos.
Sakali kasing maging marahas si Noel, Baka sampalin siya o suntukin dahil sa galit nito kay Sarah, siguradong hindi siya makakatayo agad at makakalayo rito dahil nanghihina ang kanyang mga tuhod.
" Noel... Sampalin mo ako kung Gusto mo, saktan, murahin, dahil minsan akong naging mahina. But pls, huwag mo akong itaboy palayo sayo. Hindi ko na kakayanin. "
Kagaya ng turo sa kanya, mahigpit niyakap ang binata, iyon ay kahit ilang na ilang siya. Kahit minsan ay wala pang lalaking nakayakap sa kanya.
" Sarah... " nagsimula namang kumilos ang mga kamay ni Noel, humaplos ang palad nito sa mahabang buhok ng dalaga.
Napalunok si Hazel ng maramdaman ang haplos na iyon. Sa kabila ng lahat, kay init pala ng palad ni Noel, nakaka ilang, nakakataranta. Pero sinikap niyang huwag ipahalata ang nadarama.
" Noel, please hug me. " lalo siyang nagsusumiksik sa dibdib nito.
" Oh, Sarah, I miss you honey, I miss you! "
Hinigpitan ni Noel ang yakap sa kanya at hinalik-halikan pa ang kanyang buhok.Kaysuyo nang haplos ni Noel sa kanyang buhok, kay init din ng dibdib nito, nakakapagtakang ang nililindol niyang kalooban dahil sa takot na Baka mabuko nito ay Unti Unti nang naglalaho.
" I miss you too, Noel. I'm really sorry, pls forgive me. "
" Yes, pinapatawad na kita. "
" talaga? " bahagya siyang nagtaas ng mukha upang hagilapin ang mga mata nito.
" Yes Honey, Gosh! I miss you so much! "
Walang babalang sinakop nito ang kanyang mga labi.At iyon ang labis na bumigla kay Hazel. Hindi niya inaasahan na sa unang pagtatagpo pa lang nila ay malalasap na niya ang mainit na halik ng lalaking ito.
Although nabigyan na siya ng babala ni Shaira na sakaling Patawarin siya ni Noel ay ihanda na niya ang sarili na magkakaroon sila ng mga intimate moments ng binata.
Gusto niyang tumutol sa ginawa ni Noel peeo kapag ginawa niya iyon ay mahahalata siya nito na hindi siya si Sarah. Tiyak na mabubuko agad ang kanyang pagpapanggap.
Sa huli ay ipinasya ni Hazel na tiisin ang pagka ilang. Ipinikit nalang niya ang mga mata at pinablangko ang utak para huwag umiral ang mga dipensa niya sa katawan.
Napatikhim naman si Shaira na nanatili lang nakatayo Malapit sa pinto. Saka Lang tila natauhan si Noel at agad na inihinto ang paghalik sa dalaga.
" Ma.. "
Ngumiti si Shaira at humakbang palapit sa kanila.
" Ah, hijo, hindi pa nag bi-breakfast si Sarah, Baka Gusto mong sabayan siya? "
" Ho? " ilang sandaling natigilan si Noel.
" Ah, oo nga, gutom na ako, Kain na muna tayo, " malambing na yaya ni Hazel dito.
" Akong mag papakain sayo, I will prepare your meal. "" talaga? "
" Oo, Gusto kong makabawi sa mga pagkukulang ko. "
" sige. " sa wakas ay wika ni Noel. Pero hindi ito nag abalang Bitiwan ang kamay ng inakalang si Sarah kahit nang itulak na niya ang wheel chair nito.
Lihim na nakahinga nang maluwag si Shaira dahil mukhang effective ang Plano nito. Ngayon lang nakita ng ginang ang anak na may kislap ang mga mata. Dati animo wala ng buhay ang mga mata nitong nakatitig lang lagi sa kawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/141849561-288-k23271.jpg)
BINABASA MO ANG
She is an IMPOSTOR
RomanceMagiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magiging reaksyon kung ang mismong gagayahin niya ay ang kanyang sariling repleksyon?