Chapter Eight

6.4K 117 0
                                    


" O,  matulog kana ha,  " malambing na wika ni Hazel Matapos kumutan si Noel.

" Sarah!  " biglang humawak ang kamay nito sa braso niya.

" bakit?  "

" I love you. " malamlam ang mga matang tinitigan siya nito.

Napalunok si Hazel.

" I love you too. "

" prove it. "

" P-paano?  "

" Kiss me. "

Napangiti si Hazel,  madali na para sa kanya na gawin iyon ngayon. Nasanay na siyang tumugon sa mga halik ng binata.

" sure,  " bahagya siyang dumukwang palapit dito upang maglapat ang mga labi nila.

" Sarah,  I love you!  "  mapusok ang naging sumunod na kilos ng binata,  kumabig sa kanyang batok ang isang kamay nito,  pagkuwa'y humapit ang isa pang braso sa kanyang beywang.

" N-Noel!  " naniin ang mga palad niya sa dibdib nito upang huwag tuluyang mapadagan dito.

" I love you and I miss you. "  pero patuloy ito sa pagkabig sa kanya palapit.

" ano ka ba?  A-anong I miss you?  Lagi  naman akong nasa tabi mo ah?  "

" I miss you....  Noong una ay inakala kong hindi ko na uli ito mararamdaman, pero kapag ganitong magkalapit tayo,  kapag yakap kita,  sigurado ako,  Kaya ko. " nagsimulang humaplos ang palad nito sa likuran niya.

" K-kaya mo ang ano?  " nagtatakang tanong ni Hazel pero ang masuyong haplos nito sa kanyang likod ay tila may inihahatid na mensahe kung ano ang nais nitong tukuyin.

" I can make love to you...  " anas nito sa may punong-taenga niya.

" Noel....!!   " na shock parin siya nang sambitin nito ang bagay na naisip niya.

" Yes.... Just like the good old days,  " may pilyong ngiti sa mga labi ni Noel habang nakatitig sa mukha niya.

Napalunok nalang si Hazel,  agad niyang naunawaan na ang Ibig nitong sabihin.

Sa bagay,  sa deskripsyon na ibinigay sa kanya ni Shaira  kung anong klaseng babae si Sarah,  posible talagang may nangyari na sa kanila ni Noel.

" Hon...  Can I make love with you?  " malambing na usal ng binata.

" Noel... P-paano? " inosenteng tanong ni Hazel. Namumula ang kanyang pisngi. Damang dama niya ang nabubuhay na mga sensasyon at kiliti sa kanyang kaibuturan dahil sa mapanudyong galaw ng mga daliri nito sa bahaging iyon ng kanyang katawan.

May isang bahagi ng kanyang utak ang nag uudyok na patigilin na ito,  na tumakbo na siya palayo rito... Pero hindi Niya magawa.

Nang salubungin ng mga labi nito ang mga labi niya,  hindi na siya lalo nakapalag. Maging ang pagiging mapangahas ng mga palad ng binata sa kanyang katawan ay hindi na niya magawang kontrolin. Hanggang sa Unti Unti ng mahubad ang kanilang mga saplot sa Buong katawan.

And then,  they finally had an awesome night nang mapag isa na ang kanilang mga katawan. Ngunit sa pagkakataong iyon,  ay may lihim na naramdaman at napansing kakaiba si Noel kay Hazel nang gabing ma angkin niya ang pagka babae nito.

Masaya si Hazel ng gabing iyon nang may mangyari sa kanila ni Noel..  Wala siyang pinagsisihan nang ibigay niya ang kanyang sarili dito,  Coz she realize now how much she loves Him...  Yes,  she loves him at matagal na niya itong naramdaman habang tumatagal na nakakasama niya ang binata.

She wants him to be happy,  to live a normal life again.

She collapsed on top of him. Hindi niya nakayanan ang hirap,  sakit at pagod. Hindi na niya namalayan ang masuyong haplos ni Noel sa mahaba niyang buhok at mahigpit siyang niyakap.

Sarah....  Ikaw ba yan?  Pero bakit??  Bakit may kakaiba sayo???  Like,  this is your first time? 




***************


Kayhirap mag hintay ng resulta habang nag aalala,  iyon ang napatunayan nina Shaira at Hazel habang nakasilip sa munting bintana ng OR.

" Tita Shaira,  magtatagumpay Kaya ang operasyon sa kanya?  " Mayamaya ay sambit sa mga labi ni Hazel.

" Ipanalangin natin yan,  Hija. "

Napaupo si Hazel,  at nagsimula na siyang manalangin nang taimtim.

Diyos ko,  huwag po sanang mabigo ang operasyon. Gusto kong maging maligaya si Noel,  ang maibalik siya sa dati. At mangyayari lang iyon kapag gumaling na siya. Alam ko,  kakayanin na niya ang makabalik sa normal na buhay kahit wala ako sa tabi niya kapag nakakalakad na siya. At pangako po, kapag nakalakad na siya,  Kahit hindi ko na tanggapin ang karagdagang bayad sa pagpapanggap ko.

Bumukas ang pinto ng OR. Mula roon ay lumabas ang Doktor na umopera kay Noel.

" Dok!  " halos sabay pang napahakbang sina Shaira at Hazel palapit dito.

" K-kumusta po ang anak ko? "

" He's doing fine. Hindi nangyari ang kinatatakutan ko na Baka bumigay siya sa sandali ng operasyon. Anyway,  natutulog siya. Malalaman lang natin ang resulta ng operasyon pagkaraan ng isa o dalawang araw. "

Napakapit si Hazel sa kamay ni Shaira upang doon humugot ng lakas.

Ang ginang naman ay humigpit din ang hawak sa kamay niya. Ang asawa nitong si Alfie ay halos hindi rin makapagsalita maliban sa kuyumin ang kamao.

She is an IMPOSTOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon