Andrew's POV
"Ah sige pare! Mamaya nalang!"
At ayun, umalis na si Michael. Kay ano naman raw sya makikisama, kay Ishie.
Di nalang ba makisama sakin.
Ay sorry! Ako nga pala si Andrew Garcia. Isa sa mga playboy sa school. Well, sabihin nyo na Isang International Playboy. Kase, di naman ako yung playboy na mang-sisira ng puso. Pampakilig lang.
Haha! Sa bagay. Pinanganak naman akong gwapo eh. Useful rin tong kagwapuhan ko.
Mahilig ako mag flirt sa mga babae, pero di na yung the second level. Alam nyo yun?
Di ko rin alam yun eh, basta sabi lang raw sakin ni Michael na huwag nalang muna pumunta sa second level. Eh, pano naman ako makakapunta dun? Di ko naman alam?
Hayaan ko na nga lang.
At tsaka di pa ako nakakahalik ng babae. Kase itong labi na ito ay sinesave ko sa babaeng mahal ko. Kaso lang umalis na sya. Nasa Daegu para mag-aaral ng kolehiyo.
Miss ko na sya eh. Childhood friend ko sya. PERO, Di nya alam na may gusto ako sakanya.
Siya rin ba? May gusto sakin?
Ano ba yan Andrew! Huwag mo na nga tanungin yan. Halatang wala eh.
Tingnan ko lang sa tamang panahon.
Tapos natatandaan ko na binibigyan nya ako noon ng letter. Ang ganda ng hand writing nya.
Paalis na ako sa school. Kase uwian na. Tapos excited na rin ako umuwi kase tumawag sakin yung nanay ng childhood friend ko na uuwi na raw sya. At tsaka bibisitahin raw ako.
Ashley's POV
"Ashley, pagkadating mo sa bahay, magpalit ka ng damit mo-"
"Ma, alam ko na. Pero pwede ba po pagkadating ko sa bahay, huwag na muna ako magbihis. Bibisitahin ko muna si Andrew." Sabi ko sa nanay ko.
"Pero naka-uniform ka parin pagkapunta dun."
"Okay lang po yun ma. Basta maibisita ko sya."
Tumango naman si Mama at yinakap ako.
"Mag-ingat ka anak ko." Sabi ni Mama at sumakay na akong tren para bumalik dun sa hometown ko.
Kumaway sakin si Mama sa labas at kumaway rin ako.
Ako nga pala si Ashley Dela Cruz. Isang magandang innocenteng babae. Magna-19 na ako. Malapit na birthday ko eh.
Tsaka uuwi na ako sa hometown ko. Dun na ulit ako mag-aaral. Miss ko narin yung dati kong kaibigan. Si Andrew.
May konting kagustuhan ako sa kanya eh. Kaso lang di nya pa alam.
Pero malalaman ko rin yan.
Heto na pauwi na ako. Paandar na yung tren.
Vote and Comment❤️
BINABASA MO ANG
[✔️]Meeting Her Again
Teen Fiction[Highest rank: #138 in tagalog, #92 in jungri, #91 in bangtanvelvet] "Pag naka balik ka na, Magiging tayo na ba?"