P13

2.2K 28 2
                                    

Ashley's POV

"Okay class, please read chapter 4 and-

*Riiinngggg riiiiiinnggggggg*

.......okay, recess time."

Hay salamat, tapos na yung lesson. Ang boring pero marami naman akong natutunan.

Lumabas na yung mga estudyante sa classroom. Hindi naman lahat. Si Andrew inaayos pa yung gamit nya at ako rin.
Try ko nga sya tanungin na pwede ba kami mag sabay sa cafeteria. Parang ang awkward kase namin sa isa't-isa eh.

Habang inaayos ko yung gamit ko, nakitang kong lumapit sakin si Michael. Ano nanaman kailangan nito?

"Ashley, sabay tayo sa cafeteria." Yaya nya sakin.
"You mean sabay 'ikaw at ako' sa cafeteria. Walang tayo."
"Pssh! Okay lang yan. Sa huli, magiging tayo rin." Ano pinagsasabi nito? Pinapakilig lang ba nya ako?
"Tumigil ka na nga dyan. Halika na."

Inakbayan ako ni Michael pero hinayaan ko nalang sya.

Papunta na kami sa cafeteria na bigla kong natandaan na tatanungin ko si Andrew kung pwede ba syang sumabay samin. Kaya bumalik ulit ako ng classroom para tanungin si Andrew. Iniwan ko lang mag-isa muna dun si Michael habang tinatawag pangalan ko.
"Ashley! San ka pupunta!?" Sigaw ni Michael.
"Wait ka lang dyan! Hintayin mo muna ako!"
Tsaka ayun, tumakbo na ako pabalik sa loob sa classroom.

Ineexpect kong inaayos nya gamit nya at mag-isa lang sya dun.

Pero sana, hindi na ako bumalik. Sana hindi na. Gustong-gusto na ng luha ko lumabas pero pinigilan ko nalang.

Nakita ko na may babaeng nakayakap sa kanya. Hinalikan pa nya si Andrew sa labi. Parang nagustuhan yata ni Andrew. At yung babaeng yun ay yung tinawagan nya kagabi. Yung sinabihan nyang 'I love you'.

Ang sakit! Parang may kutsilyo na sumaksak sa puso ko!

Nakita kong napatingin sakin si Andrew at nanlaki ang mata. Inalis ko nalang tingin ko sakanya at tumakbo papaalis.

Umalis na lang ako dun at pinigilan yung mga luha kong tumulo. Bumalik ako kay Michael at ngumiti. Yung pinaka maganda kong ngiti. Alam kong peke pero di naman ibig sabihin na plinaplastikan ko si Michael. Di lang ako mahilig maglabas ng malungkot na emosyon.

Nginitian ako pabalik ni Michael at pumunta kaming dalawa sa cafeteria.

Bumili na kami ng pagkain namin at pagkatapos ay umupo kaming dalawa sa table. Sa pinaka-gilid. Nakita kong nakaupo sila Ishie at James dun sa pinaka-gitna. Naghaharutan. Yiiee~ bagay na bagay silang dalawa kaso puro away lang naman.

Kumain nalang kami ni Michael ng tahimik. Pero nawala yung katahimikan yung nagsalita sya.

"Ba't ka bumalik kanina?" Tanong sakin ni Michael.
"Ano kasi eh? Umm..... Tatanungin ko sana si Andrew na kung pwede ba sya sumabay satin. Simula kase nung kagabi, parang naging awkward na kami sa isa't isa."
"Pano mo naman nasabi yun?" Tanong ulit ni Michael sabay kagat sa burger nya.
"Pagtumitingin na kami sa isa't isa, inaalis namin agad yung tingin namin eh."

"Ahh okay. Ano ginagawa nya dun kanina sa classroom?"

Sasagutin ko pa ba yan? Ayoko lang matandaan yung nangyari kanina.

"Uhh.... Nag-aano sya... nag-"
Di ko natuloy salita ko kase may narinig kaming boses ng babae. Ang lakas at ang pabebe pa.

"Hi B*tches!"
Tumingin kaming dalawa ni Michael kung saan nanggaling ang boses at nakita ko yung babae kanina. Yung yinayakap at hinahalikan si Andrew. Bakit yung boses nya boses daga?
Tsaka nakahawak pa sya sa braso ni Andrew. Nakasuot sya ng damit ng pang slut. Kitang-kita yung mga bola nya. Ang laki. Ang ikli pa ng palda nya.
Ano sya? Nasa bar?

[✔️]Meeting Her AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon