Dismissal....
Heto na!
Yung date ko kay Michael!Uwian na kasi eh at kakalabas ko lang ng klasroom.
Kung tatanungin niyo lang kung nasaan si Andrew. Sabihin ko na, kasama naman niya ang 'girlfriend' niya.
Pagkatapos kase ng klase, agad agad na ako umalis. Ayoko syang makasama. Ayokong makita na may babaeng nakakapit sa braso niya.
Papunta na ako sa labas ng gate ng school ng biglang akong may naramdaman na may humawak sa braso ko.
Pagkatingin ko kung sino, gusto ko na agad umiwas."Ashley, pwede ka ba mamaya?" Tanong ni Andrew.
"Bakit?"
"Umm.... Punta ka sa bahay ko mamaya, mag-usap tayo."
Ano naman yung pag-uusapan namin. Tungkol ba yan dun sa impaktang yun?
"U-uh sorry Andrew, May pupuntahan pa ako mamaya eh." He tilted his head in confusion.
"Saan ka pupunta mamaya?"
"Sa Nonya." Mas Lalo na siya naguguluhan sa sagot ko.
"San na naman yun?"
"As in none of ya business."Iniwan ko nalang siya dun na nalilito. Alam ko! Alam ko! Ang corny ng joke ko kase walang tumawa.
Patuloy nalang ang pagpunta ko sa labas ng gate kase hihintayin ko si Michael paglabas."BOO!"
"AY TIPAKLONG- ANO BANAMAN MICHAEL!"Nakita kong tawa siya ng tawa na parang Hyena na kinikiliti. Ha. Ha. Ha. Nakakatawa. Sarap mong patayin grabe!
"Bwiset ka talaga Michael! Pag ginawa mo ulit yun, lagot ka sakin." Sinamaan ko siya ng tingin. Lalo ulit siyang natawa at pinisil yung pisngi ko.
"Ang cute mo! Sige di ko na gagawin yun. Ang cute mo kase eh." Tinanggal ko yung mga kamay nya na nakapisil sa pisngi ko.
"I know I'm cute. Huwag mo lang pisilin pisngi ko. Ang sakit!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad papalayo.
"Can't help it, sorry not sorry." Sinundan naman niya ako at inakbayan."Start na ba natin yung date?" Tanong niya habang nakangiti at naka-akbay yung isang kamay niya sakin.
"Ok." Sagot ko habang naglakad kami papuntang motor niya. Yes, may motor siya.TSAKA HUWAG NA HUWAG NIYONG IISIPING KAWASAKI YAN! PATAY KAYO SAKIN!
Mamahalin na motor nga ang meron siya. Di ko napansin na nakanganga ako dito habang naririnig ko naman na tumatawa si Michael.
"Hindi natin titingnan yan para makadating sa destination natin. Sasakay tayo dyan at papaandarin."
"Walang tayo."
"Magkakaroon rin yan."
"Tsk."Si Michael ang unang sumakay ng motor at sinuot helmet niya kase siya yung magdridrive.
Binigyan niya ako ng helmet at sinuot ko naman ito. Pagkatapos, sumakay ako sa motor nya. Sa likod.
Kinuha nya yung dalawa kong kamay at binalot niya ito sa bewang niya. Parang yinayakap ko na siya sa likod.Emeged~ keleg keleg nemen si eke.
"Humawak ka lang sakin. Di kita bibitawan at hindi kita papakawalan."
"Hugot ba yun?"
"Mhm, pwedeng oo. Pwedeng hindi. Kase sa totoo, di talaga kita bibitawan para di ka mawala sakin."Omg! Kinikilig ako! KELEG SI MEH! Namumula na ako ngayon dahil sa kilig. Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya.
"Ready?" Tanong ni Michael.
"Ready na ako." Sabi ko sakanya.Sinimulan niya yung engine ng motor at pinandar niya toh.
Sa totoo lang, first time ko lang makasakay ng motor dahil palagi na sinasakyan ko ay kotse.
Lalong naging maghigpit yung paghawak ko sa bewang ni Michael nung bumilis ang takbo ng motor niya.
Naririnig ko naman tumatawa si Michael, napangiti nalang ako."Natatakot ka ba?" Tanong niya habang nakingiti. Alam niyo kung pano ko nalaman na nakangiti siya? Kita ko sa side mirror.
"Oo. First time ko lang sumakay dito. Nakakatakot."Di nalang umimik si Michael at patuloy siya nagdrive.
-
May-maya, nandito na kami sa destinasyon namin. Pano ko nalaman? Kase tinigil ni Michael yung motor.Bumaba ako ng motor at tinanggal helmet ko. Ginawa rin nya yun at hinawakan lang helmet niya.
Tinignan ko ang paligid ko at nagtaka. Bakit dito? Dito ba date natin?
"Oh bakit nawala yung ngiti mo?" Tanong sakin ni Michael. Tumingin ako sa kanya at lalo akong nagtaka.
"Ba't tayo nandito?" Tanong ko sakanya. Di nalang siya umimik.
"Huy! Bakit nandito tayo sa gas station?"
"Malamang magpapagasulina. Ang slow mo."Tinignan ko yung motor niya at may nakita akong lalaking naka red na uniform. Linalagyan niya yung motor ni Michael ng oil.
"Ah okay. Akala ko dito tayo magdadate." Tumingin siya sakin.
"Ay buti lang nasabi mo na yung 'TAYO'."Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin lang siya sakin at nakangiti. Di nalang ako umimik at sinuot ulit helmet ko. Ayun din yung ginawa niya dahil tapos na maglagay yung lalaki ng gasolina sa motor.
Sumakay ulit kaming dalawa sa motor. Ganun parin ang pwesto. Nakayakap pa rin ako sa likod niya at nagpatuloy yung biyahe.
Malayo ba yung pupuntahan namin?
-
Andrew's POVNung lumayo sakin si Ashley. Susundan ko sana siya pero may nakauna na sakin. Si Michael.
Tinignan ko lang yung dalawa. Tawa ng tawa si Michael dahil ginulat niya si Ashley. Habang si Ashley naman ay nakasimangot at masama yung tingin kay Michael.
Nakinig nalang ako sa pinag-uusapan nila.
"Bwiset ka talaga Michael! Pag ginawa mo ulit yun, lagot ka sakin."
"Ang cute mo! Sige di ko na gagawin yun. Ang cute mo kase eh."Nung sinabi yun ni Michael kay Ashley, di ko napapansin na umiinit na ako sa galit.
Marami pa silang nausapan na nagpagalit lang sakin. Pero kinontrol ko lang yung galit ko.
Nakita kong nag-walk out si Ashley at sinundan naman ito ni Michael. Inakbayan pa nya toh!?!
Sinundan ko lang sila, nasa likod nila ako pero malayo para di nila ako mapansin.
Kahit naman nasa malapit ako, di parin nya ako papansinin eh.
Naririnig ko yung pag-uusap nila at pinakinggan ko nalang yun.
"Start na natin yung date."
WHAT.THE.FUCK......ANONG DATE!?
"Ok."
OK? OK? OK? OK!?!?!
PUMAYAG SI ASHLEY!!!!?????????
AT TSAKA BAKIT!?
BAKIT SA BESTFRIEND KO PA ANG DAPAT AKO MAGALIT!?!?!?!?!
URGHH! FUCK THIS SHIT!
BINABASA MO ANG
[✔️]Meeting Her Again
Teen Fiction[Highest rank: #138 in tagalog, #92 in jungri, #91 in bangtanvelvet] "Pag naka balik ka na, Magiging tayo na ba?"