P24 (Ending)

3K 23 0
                                    

Dismissal....

Sabay kami ni Andrew lumabas ng school. Sakit sa ilong ng kaka-english nung dalawa. Pero marunong naman ako mag-english. Hindi lang ako masyadong sanay. Kase pag nag eenglish ako, may halong tagalog.

"Ashley, date tayo." Sabi ni Andrew. Pumayag nalang ako since gusto ko rin magspend ng time sa kanya.

Sumakay kami ng kotse niya at umalis na kaming school. Ewan ko ba kung saan kami pupunta.

"Andrew, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ako si Andrew." Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tumingin ako sa kanya habang nagdridrive siya.
"Andrew pangalan mo ulul." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Kailangan may nickname ka sakin. Babygirl tawag ko sayo. Tapos ang tawagin mo nalang sakin ay 'Daddy'."

Ano daw?

"Baliw ka ba? Ba't ko tatawagin sayo yun? Hindi naman kita tatay. Kung gusto mo Kuya nalang tawag ko sayo. Dino-daughterzone mo ako ah." Inalis ko tingin ko sa kanya at tumingin nalang ulit sa bintana. Narinig ko nalang siyang tumatawa.

"Haha! Ang inosente mo. Sige iba nalang. Umm.... tawagin ko nalang sayo ay 'wifey', Tapos tawag mo sakin ay 'hubby'. Okay? Para cute."

Napatingin ulit ako sa kanya at napangiti.

"Hindi pa naman tayo mag-asawa ah."
"Kung gusto mo, pakasalan na kita bukas, para maging mag-asawa na tayo. Tapos gagawa tayo ng Ashley junior at Andrew Junior. Tapos gagawa pa tayo-"
"Blah blah blah! Tumigil ka nga muna." Namumula ako sa mga sinabi niya.

Tumawa nalang siya sa reaksyon ko at binalik yung tingin sa daan.

"Basta yun nalang yung tawagan natin. Para malaman nila na sa akin ka."

Napangiti naman ako sa mga sinabi niya. Kinikilig ako mga beshie! Gusto ko tumili sa kilig pero di ko magawa. Tulungan niyo ako. Yieeeeeee!
.
.
.
.
.
Maya-maya, nagstop yung kotse niya sa-AMUSEMENT PARK! YAY!
Bumaba ako ng kotse at yinakap siya habang talon ng talon. Hindi ko naakalang ang haba pala ng biyahe namin kase gabi na eh.

Bigla kong napansin.

"OMG! HINDI NA AKO NAKAKAPUNTA DITO! HETO YUNG AMUSEMENT PARK NA PINUPUNTAHAN NATIN NOONG BATA PA TAYO! OMG OMG!"
"Oo heto yun. Kumalma ka lang." Tumawa siya reaksyon ko at inakbayan niya ako papunta dun sa entrance.

Maraming rides. Gusto ko na sumakay dun sa roller coaster. Parang ang saya! Mahilig kami ni Andrew sumakay sa mga roller coaster noong bata pa kami.

"Saan mo gusto sumakay, my wifey?" Once again, kinilig ako sa nickname na binigay niya sakin. Tama na! Ayoko ng kiligin. Kaya siya naman yung papakiligin ko. Sana naman kiligin rin siya.

"Hubby, my love, sakay tayo sa roller coaster. Yang mataas na yan." Sabi ko sa kanya. Napangisi ako yung nakita kong namumula siya.

Yass! Napakilig ko na rin siya.

Pumunta kami dun sa roller coaster. Since, hindi naman mahaba yung pila dahil maraming takot sumakay, hindi kami matagal tumayo dun sa pila.

Maya-maya, kami na yung sasakay. Umupo kami sa pinaka-unahan para masaya.

"Wifey, hawakan mo lang yung kamay ko, pagtakot ka." Sabi niya.
"Kahit hindi naman ako takot, hahawakan ko pa rin naman kamay mo eh."
"That's my girl."

Hinawakan ko kamay niya at biglang umandar ng dahan-dahan yung roller coaster.
Pataas ng pataas at naramadaman ko yung excited at kaba. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay ni Andrew at ganun rin yung ginawa niya.

Ilang segundo, nandito na kami sa taas, dahan-dahan..... at biglang bumagsak.

"WOOOOOHHHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! YEEEEEEEAAAAAHHHHHHHHHHHH" Sigaw namin ni Andrew. Naririnig ko ring sumisigaw yung mga tao sa likod.

"BEST DAY EVER!"

*********************************************************************************

Natapos na kami sumakay sa Roller coaster. Hay, parang nalulula pa rin ako. Umupo kami ni Andrew sa bench at nagpahinga. Hiniga ko yung ulo ko sa balikat niya at yinakap siya. Tinignan lang namin yung mga tao na padaan-daan sa paligid.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong niya. Tumingala ako para makita mukha niya. Ngumiti ako at hinalikan yung labi niya. Lalo siyang napangiti.

"Oo." Sabi ko at tumayo ako para bumili ng pagkain. Gutom na ako eh.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang inakbayan ako.
"Bibili ako ng snacks natin. Ako na magbabayad. Besides, gutom na ako eh."
"Bili tayo ng burger diyan oh sa burger shop."
"Sige."

Lumapit kami dun sa burger shop at inorder namin yung cheeseburger. Pagkatapos namin bilhin, binayaran ko naman at umupo kami sa bench na inuupuan namin kanina.

Kinain namin yung burger namin ng tahimik.
-
Pagkatapos namin kainin yung burger, tinapon namin sa basurahan yung wrapper at naglakad, who knows where.

"Saan naman gusto mo?" Tanong niya sakin. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng rides. Isa lang ang nakakuha ng mata ko.

"Ferris wheel nalang." Sabi ko sa kanya. At pumunta kami dun sa Ferris wheel.
Walang masyadong taong nakapila. Parang tatlong tao lang nakapila. Kami ni Andrew yung pang-apat.
Nung kami na yung turn. Sumakay kami dun sa Ferris wheel. Sinarado ni Manong yung pinto at mabagal na umandar pataas yung ferris wheel.

"Ashley, malapit na magstart yung fireworks." Sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko at tinignan namin yung view sa ibaba. Ang ganda ng view. Pero linulula ako kasi ang taas.

Bigla nalang tumigil yung Ferris Wheel. Nagtaka ako lalo. Ano nangyayari?
Hinawakan ko ng mahigpit kamay ni Andrew at tumingin sa kanya. Nakatingin rin siya sa akin at ngumiti.

May naririnig akong mga taong nagsisigawan sa baba at nagbibilang sila.

"....10."

"Andrew, ano nangyayari?"

"...9.."

"Hindi ko alam."

"...8..."

"Kinakabahan ako. Ba't nakatigil yung ferris wheel."

"...7.."

"Shh... kalma ka lang Ashley."

"..6..."

"Paano ako kakalma!?! Baka bigla nalang mahulog 'to."

"..5."

"Shhh... don't worry nandito ako. Ililigtas kita."

"..4..."

"Ano ka? Si Superman?" Asar ko sa kanya pero hinahawakan niya ang dalawang kamay ko ng mahigpit.

"...3...."

"Superman, Batman, IronMan.... kahit sino pang hero yan, hindi ka nila maliligtas. Ako lang. Kung mahulog ka man, palagi kitang sasaluhin basta mailigtas lang kita sa kapahamakan. Dahil akin ka lang."
r
"....2.."

Shet... this moment is getting intense.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang ilinapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Malapit na rin magdikit ang labi namin.

"Basta ang tandaan mo, I will always be the man who will capture your heart. I'll always be there for you. Kung iniwan man kita, babalik at babalik pa rin ako para lang makasama ka. I love you forever, Wifey." He said while moving his face closer.

"I love you too hubby."

"....1...."

Hinalikan niya na ako habang may mga naririnig akong fireworks na pumuputok at mga taong mga nagsisigiwan dahil sa saya. Nandito kami sa pinakatuktok ng Ferriswheel.

I love you, my Andrew!

[✔️]Meeting Her AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon