Ashley's POV
*Riiiiiinnnnggggggg Riiiinnnnggggggggg*
Nagising ako dahil sa pinaka maingay kong alarm. Naalala ko nga pala ngayon ay hanggang 12:00 yung uwian.
Yes! Excited na ako! Kaso lang, di ko alam kung ano gagawin ko pagdating sa bahay. Eh! Mayamaya ko na i-problema yan. Iniistress ko lang sarili ko.
Bumangon na ako sa kama at ginawa ko na yung mga dapat kong gawin. Kumain,maligo, magtoothbrush at magsuklay.
Kinakabahan na ako makipag-usap kay Andrew kase nung nangyari kahapon.
Sana di sya galit sakin.
Isinuot ko ay normal na lang na damit. Yellow Tshirt at jeans. Nag sneakers na ako.
Ordinary na muna ako ngayon.
Lumabas na ako ng bahay at linock yung pinto ng bahay ko.
Ako lang mag-isa papasok. Nagtataka ba kayo kung nasaan si Joseph at si Sophia? Nag-aaral sila sa ibang school, sa malayo. Di ko alam. Basta malayo.
Naalala ko nga pala. Yung kausap ni Andrew na babae. Sino ba yun?
Ate ba nya yun? Hinde, wala syang Ate. Only child lang sya. Or maybe, baka pinsan nya? No no no, sabi raw nya sakin noong bata pa kame, di raw sya nagsasabi ng 'I love you' sa pinsan nya.
Baka naman mommy nya? Nope, kilala ko mommy nya. Nandun sa England kasama Papa nya, nagwowork.
Haysss! Baka nga girlfriend nya. Ano na ba gagawin koooo!? Kailangan ko mag-move on nyan. Mahirap mag-move on bes. M. A. H. I. R. A. P.
Except kung hindi mo mahal yung tao.
Nagseselos ba ako? Oo, onti.
Pero wala akong karapatan maselos. Kase, di naman ako sa kanya. Di naman sya akin. Di ko naman sya boyfriend at higit sa lahat WALANG KAMI.
Sakit noh?
Tapos pag nagconfess ka, mafre-friendzone bigla. Ouch!
Alam ko tingin lang sakin ni Andrew ay isang matalik na kaibigan. Wala ng iba pa.
Ano ba gagawin ko!? Syempre wala!
Arghh! Bahala na!
Andrew's POV
Sino ba yung gusto ni Ashley!? Si Joseph ba?!
Sana hindi.
Kase pangako ko sa sarili ko noong bata pa ako ay magpapakasal ako kay Ashley.
Gusto ko sya noong bata pa. Nagkacrush ako sa kanya noon. Pero yung patagal ng patagal, lalo dumadami ang pagkagusto ko sa kanya.
Sabihin ko na..... Mahal ko sya....
Oo tama, mahal ko sya.
Kaya kung sinong lalaki ang nagkagusto sa kanya ay aagawin ko.
Pero kung si Ashley naman nagkagusto sa ibang lalaki, pakakawalan ko sya.
Ganun ko sya ka mahal.
Pero mahirap talaga eh, yung pakakawalan mo yung taong mahal mo? Mahirap talaga.
Asa ka ng asa na magiging kayo. Pero sa huli, palpak lang pala yung mangyayari.
Swerte yung mga tao na naging sila. Masaya na sila ngayon. Magkasama na sila forever.
Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa Forever.
Alam nyo na kung bakit. Kase nga wala naman talaga.
Pero kung naging kami ni Ashley, at nagmahalan kami habang buhay. Masaya na ako nun.
Depende kung hanggang kailan mo mahal yung tao.
Tama na nga yan Andrew! Dami kong iniisip. Wala naman kwenta.
Ay nandito nga pala ako sa loob ng classroom, nakaupo habang hinihintay namin adviser namin.
Ine-expect kong makita yung adviser sa pinto pero nakita kong dumating ay ang iisang anghel, si Ashley Dela Cruz.
Nagkatinginan kami pero inalis ko agad tingin sa kanya.
Umupo na sya sa upuan nya at kumuha sya ng libro sa bag nya. Nagbasa.
Mahilig yan magbasa eh. Lalo na yung mga teenfictions, oo mahilig yan.
Di ko napansin na naktitig ako sa kanya kaya inalis ko nalang ulit tingin ko sa kanya yung nagkatinginan yung mga mata namin.
Maya-maya, nandyan na yung mga estudyante ay mga kaibigan ko. Nagtakbuhan sa loob ng classroom. Dumating na rin yung adviser namin at nagsimula magturo.
BINABASA MO ANG
[✔️]Meeting Her Again
Genç Kurgu[Highest rank: #138 in tagalog, #92 in jungri, #91 in bangtanvelvet] "Pag naka balik ka na, Magiging tayo na ba?"