P17

1.9K 33 0
                                    

Andrew's POV

Sinundan ko sila sa 'date' nilang dalawa. Basta sinundan ko nalang. Gamit gamit ko bike ko para di masyadong halata.

Nung nakarating na sila sa destinasyon nila, dun sa may lake, bumaba agad ako ng nike ko at nagtago sa likod ng puno.
Baka mahanap nila ako, hindi pa naman gabi. Tanghali palang. Shortened classes kami ngayon.

Pinanood ko nalang yung mga ginawa nila. Ang creepy ko ba? Sabihin nyo lang ha? Titigil ko na yung ginagawa ko.

Linabas nila ang mga pagkain na dinala nila. Dalawang pake ng donuts at dalawang maliit na bote ng tubig.

Umupo nalang sila dyan.... ina-admire nila yung view ng lake.

Bigla nalang sila nag-usap at pinakinggan ko yun...

"Ashley." Tawag ni Michael kay Ashley.
"Hm." Sagot naman ni Ashley.
"May gusto ka ba kay Andrew?" Tanong ni Michael sa kanya. Nagulat ako sa tanong ni Michael. Sana meron ngang gusto si Ashley sakin.
"Uh...Oo."

Huh?

MAY GUSTO SAKIN SI ASHLEY!?!?

Malamang. Sino bang babae ang hindi magkakagusto sakin?

Gwapo kase ako. Kaya maraming babaeng nahuhulog sakin. Pati nga mga lalaki nagiging bakla na para sakin eh. Nahuhulog na rin sila sakin. Pero hindi ko naman sila sinasalo.

Pero pag si Ashley ang nahulog sakin, sasaluhin ko siya kase nga Mahal ko siya...

Patuloy kong pinakinggan yung pinag-uusapan nilang dalawa.

"Bakit mo naman natanong yun?" Tanong ni Ashley pabalik sa kanya.
"Kase... wala lang. Kelan ka pa nagkagusto sa kanya?"
"Noong bata pa kami."

So ibig sabihin, yung pagmamahal ko kay Ashley hindi one-sided love?

Pwede kami magkatuluyan?

Pwede kami magsama as lovers?

YES! SA WAKAS!

MALAPIT NA AKO MAGCONFESS SAYO ASHLEY! HINTAYIN MO LANG AKO.

Nakita kong bumangon silang dalawa at hinubad naman ni Michael tshirt niya. Don't tell me na.....

Ay hindi, magsiswimming raw sila. Ang green-minded ko talaga. Kahit keilan talaga.

Kita kong papatakbo si Ashley para magtago. Agad ko naman akong nagtago para di nila ako makita. Hindi nga talaga nila ako nakita kase nakita ko na...

BUHAT BUHAT NI MICHAEL SI ASHLEY PA BRIDAL-STYLE!

BRO BRO BRO BRO BRO! WEW!

Pumunta sila sa lake at nung sila'y palayo ng palayo, yung tubig ay palalim ng palalim.
Tumigil sila sa gitna ng lake at hanggang dibidib na toh ni Michael. Buhat buhat niya parin si Ashley. Nakatingin parin sila sa isa't-isa.

Maya-maya, LUMUBOG SILANG DALAWA!

HALA! BAKA MALUNOD SILA! KAILAN KO SILA ILIGTAS!

Papunta na sana ako dun sa lake ng biglang nakita ko sila na bumangon na sa tubig at kitang-kita ko na NAGKISS SILA!

Nung nakita ko yun, yung puso ko parang nabasag. Nararamdaman ko yung pagtulo ng luha ko sa mga mata ko.

When they both pulled away, I quickly rode on my bike and drive away from home.
.
.
.
.
.
.
Nasasaktan ako ngayon. Walang tigil yung pag-iyak ko dito sa loob ng kwarto ko. Patuloy-tuloy lang yung pagbuhos ng luha ko.

Why?

Why is life so unfair?

Bakit kami pinaglalaruan ng tadhana?

Nung naisip ko ulit yung dalawang yun naghahalikan, lalo akong napaiyak.

Sabihin niyo man na isa akong bakla at isang mahina na tao, mali kayo.

Dahil di niyo alam kung ano nararamdaman ko ngayon.

Ang sakit talaga dahil may mahal kang tao and he/she will end up with you're bestfriend.

Sa ngayung gabing yun, lumabas ako ng bahay at pumunta sa isang bar. Inom lang ako ng inom hanggang sa mawala na yung sakit na nararamdaman ko.
.
.
.
Lasing na lasing na ako. Nahihilo na ako. Di na ako makapag-isip ng diretso. Tinignan ko lang yung mga taong pasayaw sayaw dyan. Nakaupo lang ako dito sa couch ng bar habang umiinom.

Biglang may lumapit sa akin na babae. At first, hindi ko marecognize mukha niya. Nung palapit ng palapit, nakita ko na kung sino. Si Sophia.

"Uy Andrew! Ano nangyari sayo?! You look horrible! Patay tayo diyan, sino mag-uuwi sayo!" Sabi niya at umupo sa tabi ko. Linagay niya yung isang arm ko sa balikat niya at naglakad siya.

"Yiessh! Ang bigat mo! Taba mo kasi eh." Reklamo niya.
"Hindi yan taba, muscles ko yan. Gusto mo ba makita? Hahaha~"

Sinampal naman niya yung mukha ko ng mahina at patuloy na binuhat niya ako paalis ng bar.

"Oh Sophia, sino kasama m-ANDREW!?" Tinignan ko kung sino yung nagsalita, si Joseph.

"Ano tatayo ka lang diyan? Tulungan mo nga ako!"

Agad naman tinulungan ni Joseph si Sophia na buhatin ako.

Pagkatapos nila ako buhatin, linagay nila ako sa kotse nila.

"Ano nangyari sayo? Ba't ka naman nagpakalasing?" Tanong sakin ni Joseph. Ngumiti na lang ako sa kanya. Wala akong kontrol sa sarili ko kaya hindi ko alam yung nangyayari ngayon.

"Hmm~ Bakit ganun? Sabi ni Ashley Mahal raw niya ako? PERO BAKIT NIYA HINALIKAN SI MICHAEL! BAKIT BAKIT BAKIT!" Pinalo-palo ko yung upuan habang pinipigilan nila ako.

"Anong ibig mong sabihin?!? Si Ashley at Michael, naghalikan?" Tanong sakin ni Joseph, si Sophia nakatingin lang siya mula sa likod. Nakikinig sa usapan.

"OO! MAHAL MO NA NGA ANG ISANG TAO TAPOS YUNG BESTFRIEND MO PA ANG AAGAW! LIFE IS SO UNFAIR!" Sigaw ko sabay pagtulo ng luha ko.

"Sorry,Hindi namin masosolve problems mo. Mag-usap nalang kayo ni Ashley. Matitindihan ka naman nyun. Kailangan mo magpahinga, bro. Hahatid muna kita sa bahay niyo." Sabi sakin ulit ni Joseph at nagdrive paalis ng bar.

Magcoconfess pa ba ako kay Ashley?

Kaibigan ko pa ba si Michael?

Kung magiging silang dalawa man, dapat maging masaya ako. Pipilitin ko maging masaya dahil masaya ang taong mahal ko. Kahit masakit, pilitin ko paren maging masaya para sa kanilang dalawa.

Habang nasa pag-iisip ako. Nagising ako sa sigaw ni Sophia.

"JOSEPH! MAY KOTSE!"

"HOLY SHI-"

*CRASH*

That's when everything went black.

[✔️]Meeting Her AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon