Sequel

2.6K 43 2
                                    

6 years later...

Maraming nangyari sa aming magkakaibigan. Lalo na kaming dalawa ni Andrew.

Si Sophia at Joseph, ganun parin. Magbf at gf paren sila. Si Ishie at James, together na.
Si Michael at Jennie, together na din.

Naglalakad ako papunta dun sa restaurant na sabi ni Andrew. Isa siyang fancy restaurant. Date namin ngayon.

Nakapag-graduate na rin kami ng college at yung pinili kong course ay yung Business Management. Yun rin yung pinili ni Andrew dahil papalit na siya sa tatay niya, isang CEO ng company. Ako naman rin, papalit rin sa tatay ko.

Hindi pa naman ako magiging CEO ng company ng tatay ko dahil, kaya panaman ni Papa. Pag hindi na niya kaya, ako na yung papalit.

24 years old na ako ngayon. Si Andrew ay 26. Naging mature na yung mga itsura namin. Pero maganda at gwapo panaman kaming dalawa dahil yun yung totoo.

Nandito na ako sa restaurant na sinabi ni Andrew. Walang tao. Kaya nagtataka ako kung dito ba talaga kami magkikita o hindi.

Bigla kong napansin ang mga rose petals sa lapag. At may nakita akong waitress na sinasabi niyang,
"This way po Ma'm."

Sinundan ko nalang yung rose petals hanggang sa nakatayo na ako sa isang pinto na may nakasulat na 'Destiny'.

Alam kong plinano toh ni Andrew. Basta pag may word na destiny, siya na yun eh.

Pumasok ako sa loob at sinarado yung pinto. Nakita ko si Andrew, naka tuxedo. May hawak na bouqet of flowers at naglakad papunta sakin. Shiet ang gwapo niya.
Meron ring table sa likod niya, yung pagkain namin nandun.

Ngumiti siya sakin at binigay sakin yung mga bulaklak.

"My wifey, upo na tayo at kakain na." Sabi niya at ngumiti nalang ako sa mga pinagagagawa niya.

Umupo kami at nagsimula na akong kumain. May romantic music pa ha? Fancy!
-
Pagkatapos ko kumain, tinignan lang ako ni Andrew. Sa totoo lang, kinikilig ako ngayon sa mga pinagagagawa niya.

Bigla siyang lumuhod ng isang tuhod at hinawakan isang kamay ko. Magpropropose pa siya?

"Ashley, my destiny, my wifey and my first love, ilang years na. Parang kahapon, highschool lang tayo. Cute ka pa noon at ang bata mo pa noon. Pero ngayon, you've grown to become a strong, confident, beautiful young lady. Alam mo naman na mahal kita. I will stay with you forever and love you for eternity. Gusto ko, tumapak na tayo sa next step of relationship."

Nanlaki yung mata ko yung nakita kong may linabas siya na maliit na kahon at binuksan ito.

Halos mapatalon na ako sa nakita ko. Isang singsing na sobrang ganda.

"Hindi ako magaling sa confessions lalo na sa pag-propose pero ginawa ko na yung best ko. I love you Ashley. Will you marry me?"

Yumuko ako at tumango. Tumutulo na yung luha ko dahil masaya ako. Sinuot niya yung singsing sa daliri ko at yinakap ko siya ng mahigpit. Yinakap niya naman ako pabalik.

I pulled away and wiped my tears.

"Huwag kang nang umiyak."
"Tears of joy kase toh."

Natawa naman si Andrew sa sinabi ko at pinunasan niya yung luha ng mata ko.
Once again, hinalikan niya labi ko.

Mahal na mahal ko talaga tong taong ito.

I love you forever Andrew.
I love you forever, Ashley

The End

A/N: THANK YOU SO MUCH FOR APPRECIATING AND VOTING FOR THIS BOOK. SANA NAMAN PO NAGUSTUHAN NIYO.

SA WAKAS, NATAPOS KO NA RIN.
Peace out!

-🐻

[✔️]Meeting Her AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon