Andrew's POV
Umalis ako sa kwarto ko at bumaba papuntang salas.
Nakita ko yung buong barkada, nanonood sila ng tv pero si Ishie naman ay tulog. Hinanap ko agad si Ashley pero wala sya. Huh? San na yun?
"San na si Ashley?" Tanong ko sakanila. Di nila ako pinansin.
Pfft! Mga snobber.
"Hoy! San si Ashley!?" Tanong ko sakanila na may kaunting lakas yung boses. Isang tao nalang ang tumingin at ayun si James.
"Sshhh! Ang ingay mo! Baka magising si Ishie my bebelabs." Sabi ni James.
"Ingay? Bakit ang lakas ng tv nyo?" Tanong ko naman sa kanila. Rinig hanggang sa kwarto ko yung tv at sigurado na ring rinig na yan sa labas. Tapos ako pa sasabihan ng ingay.
"Kase di namin marinig. Simple lang." Sagot ni James habang bumalik ang tingin sa tv.
Tinanong ko ulit. Ayaw kase ako sagutin ng maayos eh.
"Nasaan nga si Ashley!?"
Sinagot naman nya ulit ako "Nasa earth, gumagalaw."
Pilosopo talaga tong lalakeng toh kahit kailan.
"Nasaan nga!?" Naiinis na ako sa kakatanong. Para akong sirang plaka dito na ewan.
"Umuwi na! Oh happy ka na? Edi beri gud!" Sambat naman ito ni Michael.
Siya lang mag-isa umuwi? Ba't di sya nagpaalam sakin? Alam ko pag-uuwi na yun o aalis ng bahay nagpapaalam yun eh.
Baka, nakalimutan nyang magpaalam.
Mali mali! Di nya nakakalimutan yun. Baka may problema lang sya o nagmamadali lang.
Hinde! Kahit nagmamadali yun pag-uwi, nagpapaalam yun.
Baka naman may problema sya.Ano ba yun?
"Andrew." May narinig akong tumawag sakin na boses habang nag-iisip ako. Alam ko na, na kay Joseph yun. Kase ang baba ng boses eh.
"Oh bakit?" Tanong ko sakanya. Nakitingin rin sakin si Sophia.
"Uwi na kami. Next time nalang, bye!" Sabi nya at tumayo na yung dalawa at lumabas na ng pinto ng bahay.
Ang natitira nalang dito ay yung tatlong butiki.
Isang tulog na Prinsesa nang mga basahan at dalawang kapre na nanood ng tv. Parang binabantayan na rin.
Hinde ko naman sila mapapaalis dito kase minsan dito naman sila natutulog eh.
Kaya hinayaan ko nalang sila.
Umakyat ako ng kwarto at pinikit mata ko. Hanggang sa makatulog na ako.
Ashley's POV
I can't believe this! Whyyyy!?
May girlfriend na sya!?!? Bakit di ko pa alam yun!?
Di nya kase sinasabi sakin eh! Urrrggghhh!
Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakaupo habang iniisip yung nangyari kanina. Binabad trip na ako!
May gusto na nga ako sa kanya eh! Sinabi ko na dun sa game na 'Truth or Dare' para may clue sya o mahalata na may gusto ako sa kanya eh.
Bakit parang pagkasabi ko nyun, nagalit sya? Wala ba syang may gusto sakin?
Ang tanga ko talaga! Syempre may girlfriend na sya! Hayyyssssss!
May pa 'I love you I love you' pa! Bwiset yang 'I love you' na yan!
May pa baby baby pa, eh ang laki laki na!
Ano ba yan!? Dapat di ko nalang sya nagustuhan eh! Kase alam ko na pwede kami paglaruan ng tadhana.
Habang iniisip ko yung mga toh, nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
[✔️]Meeting Her Again
Jugendliteratur[Highest rank: #138 in tagalog, #92 in jungri, #91 in bangtanvelvet] "Pag naka balik ka na, Magiging tayo na ba?"