Aking Ina

16 0 0
                                    

Nung ako'y nabuo sayong sinapupunan
Tila ika'y may kabang nararamdaman,
Tila hindi pa handang ako'y iyong isilang,
Pagkat ika'y di pa handang maging Ina sa murang edad pa lamang.

Ngunit nakakatuwang isipin,
Nang marinig ko ang tinig mong tuwang tuwa sakin,
Bawat haplos mo sa iyong tiyan nagdudulot ng kiliti sa akin
Tila ba sa bawat pagpadyak ko'y gusto mo na akong iluwal at kargahin.

Dumating na ang araw na ako'y iyong isilang,
Ako'y binigyan mo ng napakagandang pangalan.
Mga ngiti sa labi mo'y kitang kita kahit kinabukasan
Bawat pag-iyak ko'y ako'y iyong ihehele para tumahan

Ngayon ako'y may isip na't mayron ng nalalaman
Ang tanging gusto maglambing upang atensyo'y sakin lang.
Nakakatuwa pagkat di ka nagsawang ako'y bilihan,
Bilihan ng mga laruan na mababaw saking kaligayahan.

Ngayon ako'y nakakapag-aral na
Tanging gusto'y gawin lahat ng makakaya para masuklian ka, Ina.
Hindi ko maiwasang magkamali paminsan minsan,
Ngunit handa parin akong gumawa ng paraan.

Ikaw ang Ina kong nagdala sakin sa loob ng siyam na buwan,
Di nakakalimot magbigay ng pang-araw-araw na pangangailangan
Handang magpagod upang kami'y matustusan,
Kaya naman sa paglaki ko'y hayaan ako naman ang makaranas nyan.

Mahal kita, O aking Ina,
Ang laki ng pasasalamat dahil nariyan ka
Nariyan ang Inang handa laging sumuporta
Kaya sana'y hayaan akong ibalik ang lahat kahit ika'y matanda na

Hidden PoetriesWhere stories live. Discover now