Kabanata 28.
Pag katapos ko ibuhos ang sakit ng nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag iyak ay inayos ko ang akin sarili, buti na lang ang akala ni Alden at ng kanyang pamilya maliban sa kanyang Daddy ay naiyak ako dahil sa kwento ni Alden tungkol sa kanyang Mommy.
Mag alas- onse na din kami nakaalis sa bahay nila sa laguna, ayaw pa nga kami paalisin ng kanyang lola at duon na lang matulog sa kanila dahil masyado ng late para daw mag byahe kami munit tumotol ako dahil na din sa akin nararamdaman.
"You okay? Kanina ka pa'ng walang kibo Jan? " Tanong niya sakin.
Tinignan ko siya at pilit na ngumiti.
Kinuwa niya ang kamay ko na nasa akin hita at pinag siklop ito sa kanyang kanang kamay.
"Kanina ko pa napapansin simula ng bumalik ako tahimik ka na, dahil ba tumawag si Cindy?" Tanong niya ulit habang nakatingin sakin.
Ayaw ko sabihin sa kanya ang pinag usapan namin ng Daddy niya, Una masyado na ko'ng naging pabigat kay Alden simula ng nag hiwalay kami ng ex's boyfriend ko nasa tabi ko na siya hanggang sa maka move on ako anjan pa rin siya, hindi ko selfish para ipag kait ang kaligayahan niya.
"Okay lang ako, medyo napagod lang ako." Maikli ko'ng sagot.
Malakas siyang bumuntong hininga tila ba di naniniwala sa akin sinabi.
Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha, ang misteryoso niya'ng mga mata ay ngayon nagpapakita ng takot at pagkabahala, kunot din ang kanyang nuo at salubong ang mga kilay habang nag mamaneho, ngumit ganun man ang kanyang mukha ang gwapo pa rin niyang tignan."May pinag usapan lang kami ni Cindy tungkol sa negosyo kaya niya ako tinawagan." Bigla ulit ako'ng napatingin sa kanya ng bigla siyang ng salita.
Ngumiti siya sakin at staka nag patuloy sa pag sasalita. "Sinabi niya din sakin na baka umuwi siya ng Pilipinas, pero ang sabi ko wag na, ako na lang ang aayos."
Tila ba parang punyal na tumatarak sa akin buong katawan ang bawat kasinungalingan na kanyang sinasabi, siguro kung hanggang ngayon wala akong alam sa pagpapakasal nila siguro naniwala na ako sa kanya at binaliwala na lang ito.
"ahh. " Tangi kong sagot."Haiist.." Marahas niyang pag buga ng hangin.
Hindi ko siya pinansin at itinuon na lang ang pansin sa kalsada.
Hindi ko namlayan na nakatulog ako sa byahe, bigla akong napatingin ako sa kanya ng nakita ko ang isang pamilyar na daan papunta sa kanyang condo.
"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ko sa kanya.
"Mag uusap tayo kung anong problema." Sagot niya habang nakatuon pa rin sa kalsada.
"Iuwi muna ako, wala tayong dapat na pag usapan, pagod lang ako." Pag dadahilan ko.Ayoko siya makausap, para saan pa? Hindi ako selfish para pigilan ang kaligayahan niya, alam ko na darating ang araw na to, na papalayain ko siya at makakahanap siya ng iba
"Iuuwi din kita pag katapos natin mag usap." Simple niyang sabi staka niya niluko ang sasakyan papasok sa loob ng condominium building."May pasok pa ko bukas Alden, at anong pag uusapan natin? Dito nanatin siya pag usapan sa kotse habang hinahantid mo ko pauwi." Inis ko'ng sabi sa kanya .
Imbis na makinig ay itinigil niya ang kanyanh kotse sa parking lot staka bumaba ng sasakyan.
Pinag buksan niya ako ng pinto, tumingin lang ako sa kanya dahil ayaw ko'ng bumaba ng kanyang kotse."Baba ka ba jan o gusto mo buhatin pa kita paakyat ng unit ko?" Pag babanta niya sakin.
Patabog akong bumaba ng sasakyan niya at madaling ng lakad, narinig ko ang mahina niyang tawa sa aking naging reaction.
"Baba din pala, nagpapabebe pa." Mahina niyang sabi sa akin likuran.
Bumaling ako sa kanya at "Anong sabi mo?!" inis ko'ng tanong sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/93292881-288-k824500.jpg)
BINABASA MO ANG
To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)
ФанфикMagmamahal kapa Kaya ulit Kung sobra Kang masaktan ng iyong nakaraan?