Kabanata 39.
"Mag usap tayo."
Hindi ko alam kung papayag ba akong makipag usap sa kanya o dito lang ako sa tabi ni Athena para maipag paliban muna namin ang pag uusap.
Munit bigo akong magawa iyon dahil sa kanyang masama ng tingin sa akin na kung hindi ako pumayag makipag usap sa kanya ay kakaladkarin niya ako, in short pumayag man ako o hindi ay mag uusap kami.
Hinawakan ko sa pisngi ang akin Anak na ngayon ay ni lalaro ang akin takas na buhok.
"Baby, dun ka muna kay Pepe, mag uusap lang kami." Sabi ko sa kanya.
Aalalayan ko na sana siyang mag lakad papunta kung asan si Pepe ng bigla siyang gargahin ni Alden.
"Mi..mi?" Bakassa mukha ng Anak namin ang pag tataka.
Pero agad din nawala yun ng inabot ni Alden ang kanyang manika na laruan."Munchkin, mag uusap muna kami ng Mimi mo saglit, tapos babalikan ka namin." Sabi sa kanya ni Alden habang hinihimas nito ang kanyang mahabang buhok.
Kahit kinakabahan ay di ko maiwasan mangiti dahil sa nakikita ko sa mag ama, lalo na sa mga mata ni Alden na puno ng puno ng adorasyon sa kanyang Anak.
Nakikita mo din sa kanyang mga mata na pinipigilan niyang umiyak, tila ba kahit hindi ko kumpirmahin sa kanya na Anak niya si Athena ay alam niya ito base pa lang sa mga kanyang tingin sa bata.
Lukso ng dugo.
Kaya din siguro mabilis niyang napasama sa kanya si Athena. Bukod din sa lukso ng dugo ay kapansin pa nsi din ang pagkakahawig nilang mag ama, nakuwan ni Athena ang kulay ng ama, Pati na rin ang ilong at mga mata nito.
Nag lakad si Alden papunta kay Pepe at bago ibigay si Athena sa kanya ay hinalikan niya muna ito sa noo ng matagal.
Pag katapos nito ay inabot niya na ang bata at agad naman ito kinuwa ni Pepe.Kahit namumuo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata ay tinignan niya pa din ako ng masama at staka nag lakad papunta kung nasaan ang kanyang opisina.
Nag aalinlangan man ay sumunod pa rin ako sa kanya.
Binuksan niya ang pinto para sa akin at ng naka pasok na ako ay staka niya ito Sinara at isinadal ako sa pinto.
Naalala ko tuloy nung nag usap kami dito nuon gento rin ang ayos ko."Bakit?!" Napapikit ako ng bigla niyang hampasin ang pintuan.
"Bakit di mo sinabi sakin ang tungkol sa bata?" Bakas sa kanyang boses ang galit.
Marahan akong dumilat at tumingin sa kanya.
"So...Sorry." Tangi ko'ng nasabi sa kanya.
"Sorry?! Kung di pa nag punta si Pepe sa restaurant para hintay is ka, Hindi ko malalaman ang tungkol sa Anak natin!"
"Sasabihin ko naman sana sayo nuon, pagkatapos natin mag kaayos, kaso kung di ka busy ay lagi naman ako nawawalan ng lakas ng loob sabihin sa..."
"Sana sinabi mo na sakin nuon pa man simula ng nalaman mo'ng buntis ka!!" Hindi ko na tapos ang paliwanag ko ng nag salita siya.
"Ang tanga ko, kaya pala mataba ka nung pinuntahan kita sa California, buntis kana pala nuon." Bahagyang niyang tawa.
"Hi..Hindi ko rin na..naman alam na mag bu..Bubunga yung nangyari sa atin Alden nung gabing yun, staka ayaw kitang guluhin pa sa pag aakala ko na kasal kana." Hindi ko maiwasan gumaralgal ang akin boses dahil sa akin halong halong nararamdaman, halos pini pigilan kuna lang ang akin luha na tumulo.
"Natakot din kasi ako na kapag sinabi ko sayo ang tungkol sa Anak natin ay......" Hindi kuna napigilan ang akin luha ng bumagsak sa akin mga mata.
Halos bumalik sa akin lahat ng alala nung nalaman kong buntis ako, at ang mga tanong sa akin sarili.
Naalala ko Ilang beses na lagay sa alanganin ang pag bubuntis ko dahil sa sobrang stressed at pag iisip kung kaya ko bang buhayin ang bata na ako lang at kung sasabihin kuba kay Alden ang tungkol sa pag dadalang tao ko.
BINABASA MO ANG
To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)
FanficMagmamahal kapa Kaya ulit Kung sobra Kang masaktan ng iyong nakaraan?