Kabanata 4.
Nung gabing Yung hirap akong makatulog dahil sa kakaisip sa mga sinabi ni Sheena at Alden tungkol kay Juancho.
Kahit anong Pilit ko sa aking sarili na wag Isipin ang mga bagay na di makakabuti sa amin dalawa wala pa rin akong nagawa.
Ang pag dudahan ang iyong kasintahan ay hindi maganda sa isang relasyon.
I trust him.
Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko tila ba pinapanatag ko ang akin sarili.
Tama nga siguro si Sheena dapat kausapin kuna si juancho tungkol dito para mapanataga na din ang kalooban ko.
Sa huli di ko namalayan na nakatulugan kuna ang pag iisip.
Kinabukasan ay hirap na hirap akong bumangon, pinilit kuna Lang bumangon dahil Marami akong tatapusin sa opisina.
Agad akong bumangon at naligo, mabilis lang akong naligo dahil wala na kong oras mag muni muni pa.
Pag katapos ko maligo agad akong mamili ng akin susuotin para sa araw na ito.
Plaid wrap mini skirt and white chiffon sleeveless top. Naglagay din ako ng unting make up at lip tint, inilugay ko lang ang akin buhok dahil late na talaga ako, nang nakuntento na ko sa ayos ko agad kong sinuot ang akin black pump.Bago ako umalis ng bahay biglang tumunog ang akin cellphone isang text ang natangap ko galing Kay juancho.
Juancho.
Babe, Paki sabi kay Sheena di ako makaka pasok ngayon, nagpapasama kasi si mama sakin. Sunduin na lang kita mamaya. Love you.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago siya replayan.
Me.
Okay! Sabihin kuna lang sa kanya. Mag Ingat kayo.Pag katapos ko mag reply ay agad akong umalis ng bahay.
Sa buong byahe ko papuntang opisina wala akong ginawa kundi mag isip, sinabihan kuna rin siya kanina sa text na kailagan namin mag usap, at agad naman siyang pumayag.
Pag karating ko sa opisina dumaan muna ako Kay Sheena para sabihin na hindi makaka pasok si Juancho.
"Sure kana na Mama niya sasamahan niya?" Pag bibiro niya sakin.
"Joke lang bes." Pahabol niya ng nakita niya na masama ang tingin ko sa kanya.
"Jan kana nga, Marami pa kong gagawin." Paalam ko sa kanya.
Pag dating ko sa aking opisina ay agad kong inumpisahan ang akin trabaho, halos late na rin kaming naka pag lunch ni Sheena dahil hindi ko namalayan ang oras.
Ayoko pa sana'ng kumain kundi lang ako pinilit ni Sheena.
Sino ba naman kasi ang makakain kung panay ang kakaisip ko sa boyfriend ko, at sa mga sasabihin ko sa kanya, pakiramdam ko nga sa sobrang kakaisip busog na busog na ko.Tahimik kaming kumain ni Sheena, hindi niya ko kinukulit Baka kasi ma bigwasan ko lang siya.
Gento ba talaga ang mag mahal? Akala ko pag nag mahal ka ang tanging iisipin mulang ay yung date niyo, kung anong ire-regalo mo sa kanya at yung masasayang bagay.
Di pala.
Di pala lahat pero masasaya lang ang iisipin mo kasi darating ka sa point na mag iisip ka din kung anong ginagawa niya ngyon, kung sino kasama niya at higit sa lahat kung totoo ba ang sinasabi niya.
Once nabahiran na ang relasyon niyong dalawa ng pag dududa, para ka ng malulunod sa mga negatibong bagay.
Pagod akong yumuko sa akin lamesa.
BINABASA MO ANG
To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)
FanficMagmamahal kapa Kaya ulit Kung sobra Kang masaktan ng iyong nakaraan?