Kabanata 9.

2.4K 97 0
                                    

Kabanata 9.

Kapag masaya ka talaga hindi mo namanalayan ang oras. Pag katapos namin mag usap ni Alden sa dagat habang pinapanuod ang papalubog na araw ay napag desisyunan namin na mag order na lang ng pagkain sa restaurant nila at sa tabing dagat na kami kakain habang pinapanuod ang buwan at mga bituin.

Nakaka tuwa man isip ay lagi kaming pinag kakamahal na mag kasintahan na dalawa, Minsan ay sinasakyan namin pero madalas ay ngini ngitian na lang namin dalawa.

"Ang ganda ganda talaga ng girlfriend mo iho." Sabi nung matanda na naka sabay namin mag lakad papunta sa hotel.

Nag katinginan kaming dalawa at natatawang umiling.

Sasagot na sana ko ng maunahan ako ni Alden.

"Kaya nga nga ayaw kunang pakawalan, baka ma punta pa sa iba tay." Sagot niya Kay tatay sabay akbay sakin.

I looked at him and he winked.

Siniko ko siya ng bahagya sa kanyang tagiliran dahil sa kanyang mga kalokohan.

"Wag muna talagang pakawalan iho, sayang ang lahi niyo pag nagka taon." Pahabol na dagdag ng matanda bago umalis ng tuluyan.

Narinig kong nagpipigil ng tawa si Alden, habang ako naman ay pulang pula sa hiya.

"Tara pakasalan na tayo baby, para di masayang labi natin." Sabi niya sakin.

"Pakasal ka mag isa mo." Sabi ko sa kanya sabay tangap ng kamay niya sa balikat.

Mabilis akong nag lakad papa layo sa kanya dahil ayaw kong makita niya ang akin mukha na kasing pula na ng kamatis.

Sa tuwing may ginagawa siya at sinasabi sakin na kakaiba ay tila ba nag bubunyi ang mga insekto sa akin tiyan sabayan pa ng nag huhurumintado kong puso.
Minsan iniisip ko baka hindi ko mamaya at mahimatay na lang ako bigla or worst mahalikan ko siya, Kaya mas gusto kulang tumakbo at takasan siya para di niya mapansin at malaman ang aking nararamdaman sa kanya.

Pag katapos namin kumain ay inihatid na niya ko sa akin suit para maka pag pahinga na, maaga kasi kaming tutulak pa maynila bukas.

Pag katapos ko mag ayos ng akin gamit ay huminga na ako sa kama.
Pag katapos ko basahin ang text ni Alden ay sinubukan kunang matulog pero bigo pa rin ako.

Kaya tumayo ako at nag punta sa teresa at pinanuod ang buwan at mga bituin.

Ang tahimik na asul na dagat ay nag niningning sa liwanag ng buwan na napapaligiran ng mga bituin na lalong nag papalabas ng kulay ng karagatan.

Mangha ko siyang tinignan kahit na masyadong malamig ang simoy ng tubig dagat.

Naka ngiti kung pinag masdan ang maganda ng tanawin sa labas ng teresa Habang pinipilit inaalala ang buong mag hapon namin adventure ni Alden.

Para tuloy akong high school na kinikilig tuwing nakikita si crush.
Wala naman akong maling nakikita sa pag kakaruon ng crush Kay Alden dahil normal lang naman na huminga sa kanya, basta alam ko kung hanggang saan lang ako.

Ang sarap lang mangarap na kahit may boyfriend ka iniisip mo Kapag nag mahal ka ulit Yung gusto mo katulad ni Alden.

Ang swerte lang ng magiging girlfriend ni Alden sa kanya.

Sana ako na lang.

Bahagya akong natawa sa iniiisip ko.

Sandali pa kong nag tumambay sa teresa at inaliw ang sarili sa kakaisip na para bang teenager bago ko naisipan matulog na.

Humihikab pa ko Habang nag order si Alden ng pag kain si Alden sa isang drive thru ng isang kilalang food chain, 4am kasi kasi mag simula mag byahe Pauli ng manila at halos dalawang oras na rin kaming nasa kalsada, Kaya napag isipan muna namin kumain na dalawa.

To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon