Kabanata 16

2.2K 92 2
                                    

Kabanata 16.

Wala akong ginawa kundi umiyak, dahil sa sakit ng akin nararamdaman, lalo na kapag iniisip ko na nasa iisang kwarto lang sila magkayakap, yung mga bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya ay yung babae'ng yun ang nag bibigay.

I feel worthless bilang isang girlfriend na hindi kaya ibigay yung bagay na yun, dahil hindi pa talaga ako handa.

Buong gabi akong gising at walang ginawa kundi umiyak at I stalked siya sa kanyang Instagram na panay ang post niya ng Pictures nila magka kaibigan na masaya ng masaya sa vacation, lalo pang nagpa durog sakin ng nakita ko ang IG story ng isa niyang kaibigan na naka tagged sa mga uploaded photos nila.

Nasa isang bar sila sa island at masaya ng nag pa-party at nahagip ng video si Juancho at yung babae na nag hahalikan, halos maibato ko ang akin cellphone sa galit at sakit.

Nasa point na ko ng buhay ko na gusto kulang tapusin ng Lahat ng to at makipag break Kay Juancho pero hindi ko alam kung kaya ko. Sabi ko sa sarili ko malaman ko na niloloko niya ko ay makikipag hiwalay ako, pero madali lang pala sabihin yun pero ma hirap gawin dahil nang hihinayang din ako sa pinag samahan namin dalawa.

Ganun Siguro talaga pag nag mahal ka nagpapakatanga ka Kahit alam mo na Mali ang ginawa niya, Kahit sinasabi ng isip mo na tigilan mo na ayaw mo pa rin, na susunod pa rin ang puso mo.

Gusto ko siyang kausapin pero baka panibagong kasinungaligan nanaman ang sabihin niya sakin pero ayoko mag sisi sa huli.

Db ang tanga ko.

Buong gabi kong sinusubkan matulog, para nakalimutan man lang ang sakit na nararamdaman ko pero ayaw ako dalawin ng antok parang gusto din niya ipadama sakin ang katangahan ko.

Dahil halos dalawang araw akong walang tulog ay masama ng masama ang pakiramdam ko kinaumagahan tila ba pati buong katawan ko apektado sa pagiging heart broken ko.

Kahit hirap gumalaw ay pinilit kupa rin tawagan si Sheena para maka pag paalam na hindi ako makakapasok ngayon.

Ilang ring pa lang ay sinagot na niya ang akin tawag.

"Hello, bessy.." masigla niyang bungad.

"He..hello Sheena.." Paos kong sabi.

Pumikit ako ng mariin pag katapos ng akin sinabi dahil masakit din ang akin lalamunan.

"Bessy, okay ka lang ba? Mukhang masama pakiramdam mo, wag kana muna pumasok ngayon mag pahinga kanya muna."Anya na may halong pag aalala na tono.

"S.. salamat Sheena...." Sabi ko sa kanya
"Okay lang ako Sheena, medyo masama lang pakiramdam ko, pahinga lang siguro to." Dagdag kupang sabi.

Minsan talaga kahit hindi ka okay kailagan mo pa rin paniwalain ang sarili mo na okay ka lang Kahit deep inside nasasaktan kama.

"Ayan nagkakasakit kana kakaisip mo jan sa jowa mong manloloko, habang Ikaw may sakit siya andun sa isla nagpapakasaya!" Galit niyang sabi.

Gusto ko sa ang sumagot pero mas pinili ko na manahimik na lang ng hindi na bumaba pa ang usapan.

"Siege na bessy, mag pahinga ka, puuntahan na lang kita na, mamaya sa inyo, pagaling ka." Sabi niya pa.

"Okay, salamat." Sabi ko.

Nanginginig akong ibinaba ang akin cellphone at pinilit bumangon para maka kain ng breakfast pero ang buong katawan ko ay ayaw makasama sakin dahil sa tuwing mag a-attempt akong umupo sa kama ay sumasakit ang katawan ko.

Kaya tinawagan kuna lang si Nanay para padalan ako ng breakfast at gamit sa akin kwarto.

Lumipas ang buong maghapon ay wala akong ginawa kundi matulog, Ito na yata ang araw na kumpleto kong tulog kaya medjo naging okay na din ang pakiramdam ko, except sa puso kong sugatan na hanggang ngayon masakit pa rin.

To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon