kabanata 32.

2.3K 85 2
                                    

Kabanata 32.

Mabilis lumipas ang mga araw at sa lunes ay babalik na ako ng trabaho, ito naman kase si Sheena talagang minadali ang akin pag balik sa opisina dahil kailagan daw niya ng katulong.

Narinig ko ang walang pasencya niya na pag buga ng hangin sa kabilang linya. "Sige na bes, ang dami kasing paper works at kailagan ko ng tulong mo." Pangungulit niya sa akin.

Natawa lang ako sa kanya.

"Please..." Pag mamakaawa niya sa telepeno sa akin.

Kaya sa huli ay napapayag din niya ako, mahirap man mawalay sa anak ko na sa loob ng isang taon ay lagi kami mag kasama kung saan man ako mag punta tapos ngayon ay kailagan ko na siyang iwan dito sa bahay para mag trabaho.

Marahan ko'ng sinuklay ang kanyang buhoy habang nag lalaro siya sa kama sa amin kwarto, paalis kasi kami ngayon buong pamilya para mag dinner sa labas, kailagan daw namin I celebrate ang pag babalik ko sa trabaho, ang sabi ko wag na kaso makulit talaga si tatay.

"Tay, hindi na kailagan kahit dito na lang tayo sa bahay." Sabi ko Kay tatay habang kumakain kami nung nakaraan gabi.

Tumingin siya Kay athena na busy pag laruan ang plastic na kutsara na nasa kanyang harapan bago nag salita. "Anak, hindi lang naman to, celebration ng pag babalik mo ng trabaho, alam mo naman na once a month ginagawa natin to, at ito ang unang pag kakataon na makakasama ka namin at ang apo pag katapos ng isang taon."

Ngumiti ako at tumango tama din naman kase si tatay kaya di na ako naki pag talo pa.

"Mi.... Mi... " Munting sabi ni athena pag katapos ko siyang suklayan.

"What is it baby?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Tumayo siya sa kama at nilalaro ang kanyang ruffle dress tila Ba sinasabi niya na maganda ang kanyang suot na damit.

"Ang ganda ganda naman ng prinsesa namin. Kiss nga si mimi."

Lumuhod siya sabay "Mwuaaahhhh."

"I love u, baby." Sabi ko sa kanya pag katapos niya akong halikan.

Naging maayos ang amin dinner sa isang kilalang hotel sa bgc. Katulad ng dati ay kundi negosyo ang usapan ay tungkol sa pag aaral o trabaho naman.

Lumingon sa akin sa akin si Nanay at "Sa bahay kana muna umuwi meng, bukas kana tumuloy sa condo sa bgc para makasama mo pa si athena." Sabi ni Nanay.

Kung kanina pilit kong winawaksi sa isip ko yung bagay na yan, pero ngayon sinabi na ni nanay ay parang isang kidlat na tumama sa akin.

Bukas ay babalik na ako sa condo namin ni Dean n hindi kasama si athena dahil walang mag aalaga sa kanya, atleast sa bulacan andun si Pepe at matti na makakalaro niya. Sabi naman nila nanay na isasama nila si Athena at Matti pag luluwas sila ng manila para mabisita ako kaya kahit papaano ay gumaang ang loob ko.

May video call naman din kaso ang hirap ng pakiramdam na makikita mo lang siya thru screen at hindi mahahalikan at mayayakap.

Mahimbing na natutulog si athena sa akin tabi habang hinihimas ko ang kanyang malambot na buhok.

Hindi kupa rin maiwasan malungkot pero kailagan ko'ng mag trabaho at iwan siya para din sa kinabukasan niya.

Oa man pakingan na para bang isa akong ofw na mangingibang bansa at iiwan ang pamilya ng ilang taon para mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

Bumalik tuloy yung araw ng iniwan ko si Alden.

Napailing na lang ako sa akin naisip.

Dahil s takot na baga mag tuloy tuloy nanaman ang akin nasa isip ay na pag pasyahan ko ng matulog.

To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon