Kabanata 27.
Magka hawak kamay kami ni Alden na pumasok sa loob ng kanilang bahay, na nakatulong dahil tila ba parang hinihigop ng kanyang kamay ang kaba na akin nararamdaman.
Lalong nag relax ang akin katawan ng makita ang disenyo papasok. Pag pasok mo pa lang kasi sa gate nila nakikita mo na ang mga puno sa kanilang bakuran, may hardin din sila na meron nag gagandahan bulaklak, bago ka maka punta sa kanilang main door at ay sasalubungin ka ng napaka gandang pasio na may Duyan na gawa sa rattan at ganun din ang mga upuan at coffee table nito. Sa bandang kanan din sa tabi ng pinto ay sasalubong sayo ang rebulto ni Jesus.
Talaga ngang napaka ganda ng napili niyang lokasyon para patayuan niya ng kanyang dream house.Naisip ko tuloy dito rin ako titira pag nagkatuluyan kami.
Kinilig ako sa sarili kong kalokohan.
"Ready?" Nakatingin na tanong sakin ni Alden.
Nag pakawala ako ng isang buntong hininga sabay tumingin sa kanya at tumango bilang pag sagot.
Pinisil niya ang ang akin kamay at staka binuksan ang pintuan.
Pag pasok pa lang sa bahay ay lalo kang mamangha dahil kung anong kinaganda sa labas ganun din sa loob, napaka maaliwalas ng kulay ng kanilang bahay. Kulay krema ang kulay na lalo pang umaaliwalas dahil sa magandang chandelier at ilaw nito.
Pag pasok mo pa lang ng bahay ay makikita muna sa bandang kanan bahagi ng bahay ang dinning area nila at sa kaliwa naman ang sala at hagdan patungo sa pangalawang palapag, ang isa pang bagay na nakapukaw sa akin atensyon ang mga naglalakihan iron man collection niya na nasa bawat sulok ng kanilang bahay.Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"Seriously Alden? Ayaw mo kay iron man." Nakakaloko ko'ng sabi."Meron pa sa taas niyan." Natatawa niyang sagot.
"Andito ka na pala hija." Napatingin ako sa isang di gaanong katandaan na babae na kakalabas lang galing yata sa kusina nila.
"Magandang Gabi Lola, Sorry medyo na late kami traffic po kasi. " Pag hingi ng paumanhin ni Alden sa tinawag niyang Lola.
Lumapit siya dito at nag mano.
"okay lang hijo. "
"La, ito nga po pala si Maine. " Pakilala niya sakin.Nahihiya along lumapit at nag mano.
"Magandang gabi po." Pag bati ko sa kanyang Lola.
"Magandang gabi din apo. " Anya.
Nagulat ako ng bigla niya ako'ng yakapin. Tumingin ako kay alden at binigyan niya ako ng ngiti, kaya niyakap ko din si Lola pabalik."Oh, andito na pala kayo Den. " Gulat na sabi ng isang Babae.
Bigla ako napantingin sa pwesto kung saan lumabas ang Lola ni Alden
Medyo kayumangi ang kanyang kulay, matangos ang ilong at lagpas balikat ang kanyang buhok.
Lumapiy si Alden sa kanya at binigyan siya ng halik sa pisngi at yakap."Oo, April halos kararating lang din namin. " Sabi ni Alden sa kanya.
"Oo nga pala. Maine, ito nga pala pinsan ko si April. April si Maine nga pala." Pag papakilala samin ni Alden.
Lumapit ako sa kanya at aambang makikipag shake hands sana ako ng bigla niya akong niyakap.
"Finally na meet na din kita, ito kasi si Alden panay ang kwento niya tungkol sayo pag tumatawag ako sa kanya. "Natutuwa niyang sabi.
Binigyan ko ng nagtatanong na tingin ang lalako na nasa akin gilid na ngayon ay ubod na ng pula ang tenga."Uyyy.. Ate wala kaya akong binabangit sayo. "Depensa niya sa sarili.
"Sige na umupo na kayo, pababa na ang Daddy mo at yung dalawa mo'ng kapatid." Sabi ng kanyang Lola.
Bago pa ko makaupo Ay may biglang lumabas sa kwarto ang isang medyo may edad na babae at may tulak tulak sa wheelchair ito yata ang kanyag lolo.
Pag katapos ako ipakilla sa kanyang lolo ay naupo na kami sa hapag.
Nag simula mag kwento ang kanyang Lola tungkol kay Alden noon bata pa siya, pa minsan minsan tumatawa ako o kaya sumasagot din.
BINABASA MO ANG
To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)
FanfictionMagmamahal kapa Kaya ulit Kung sobra Kang masaktan ng iyong nakaraan?