Kabanata 30.
Yakap yakap ko ang akin sarili habang pinapanuod ang hampas ng alon mula s akin beranda.
Ang alon na nagpakalma sa akin ng isang taon.
Ang hangin dagat na yumakap sa akin sa tuwing ako'y nalulungkot.
Minsan sumasagi sa isip ko na para akong isang alon na kahit malakas ang pagkakahampas Ay bumabalik pa din.
Parang ko kahit ilang beses pa ako masaktan ay babangon at babangon ako.
Hindi ganun kadali iwan ang mahal mo sa buhay lalo na ang lalaki minahal mo ng sobra, pero kailagan lalo na para sa ikakaligaya niya.
Nung gabing umalis ako sa condo niya ay agad ko'ng tinawagn si Sheena para sunduin ako, laking pasasalamat ko nasa malapit lang siya kaya mabilis niya akong napuntahan.
Hindi siya nag tanong pa, nung nakita niya ang akin ayos at umiiyak. Agad niya ako'ng dinala sa kanyang condo at duon ko ikuwento sa kanya ang lahat, Pag katapos nuon, labag man sa loob niya ay tinulugan niya ako makakuwa ng ticket papuntang Los.Angeles California. Tinawagan ko din ang akin parents gulat man at katulad ni Sheena na ayaw sa akin desisyon ay sinuportham pa rin nila ako. Agad nilang dinala ang akin gamit sa condo ni Sheena at kinabukasan din yun ay lumipad ako patungo ng ibang bansa.
Tandang tanda ko pa na ang daming miscalled at texts sakin ni Alden pero hindi ko yun pinansin sa halip dini activate ko lahat ng akin social media at pinatay ang cellphone.
Hindi ganun kadali ang mga naging unang linggo ko dito, bukod sa ako lang mag isa ay lagi kupang naiisip si Alden, wala yata ng araw na nag daan na hindi siya sumagi sa isip ko, kaya nag decide na din ako na mag hanap ng pag lilibangan pero hindi pa rin umobra, tila ba parang kung sana ako ma punta kahit simpleng bahay naalala ko siya.
Sa huli Hinayaan ko na lang at kahit masakit man ay tingap ko yun.Very month din ay dinadalaw ako ng parents ko minsan si Nanay o kaya si tatay ang nagpupunta dito pero sandali lang, wala silang na babae'ng it sakin tungkol kay Alden na pinag papasalamat ko, kahit ang akin best friend na si Sheena a sa tuwing ka tawagan ko siya ay hindi niya binabangit sa akin si Alden.
Wala akong balita sa kanya, Siguro ngayon kasal na siya kay Cindy at masaya na.
Atleast di ba nag worth it ang pag sa-sakripisyo ko.
"Mimi?" Isang maliit na boses mula sa akin likuran ang biglang nag pabalik sa akin sa realidad.
Napangiti ako ng nakita ko si Athena na akin likuran, walang stinelas at bagong gising.
"Gising na pala ang Baby Girl ko." Sabi ko sa kanya staka siya nilapitan at binigyan ng halik sa pisngi.
Nakangiti siya habang kinukusot pa ang kanyang mga mata gamit ang kanyang maliit na kamay.
"Mimi mi...milk.." Sabi niya habang panay pa rin ang kusot sa kanyang mata.
Sinuklay ko ang kanyang mahabang buhok gamit ang aking daliri, bakas na bakas sa kanyang mukha Ay buhok na bagong gising lang siya.
"Okay, pero kiss mo muna si mommy." Sabi ko sa kanya.
Tumingin siya sakin staka ngumuso at hinalikan ako sa pisngi.
"Aww.. Ang sweet naman ng baby girl ko." Pisil ko sa kanyang pisngi at staka ko siya binuhat para lumabas ng amin kwarto.
BINABASA MO ANG
To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)
FanfictionMagmamahal kapa Kaya ulit Kung sobra Kang masaktan ng iyong nakaraan?