Kabanata 38.
Mabilis talaga ang pag lipas ng araw lalo na pag masaya ka, sa mga nag daan mga araw at linggo ay madaming nangyare.
Nasabi ko sa aking pamilya na nag ka ayos na kami ni Alden, nung una andun ang pag aalala sa kanilang mukha nung ikinu kwento ko sa kanila kung Paano kami nag kita at nag kabalikan muli. Unti unti ay nakita ko ang kapanatagan sa kanilang mga mukha.
Hinawakan ako ni nanay sa akin kamay. "Masaya ako na masaya ka Anak, staka ayoko rin naman lumaki ang ako ko na walang kinikilalang ama." Naka ngiti sabi ni nanay.
"Sa amin ng tatay mo, okay lang kahit hindi makilala ni Athena ang Ama niya, andito naman mga kapatid mong lalaki at ang tatay mo para tumayong ama niya pero iba pa rin ka pag kilalang niya ang totoo niyang ama."
Halos maubo ako sa sinabi ni nanay, Paano ba naman kasi hanggang ngayon isang linggo na lang mag iisaang tao na ang Anak namin ni Alden Hindi ko pa na sasabi sa kanya ang tungkol sa Anak namin.
"Bakit ganyan ang mukha mo menggay?"
"Nasabi mo na ba kay Alden ang tungkol sa Anak niyo?" Biglang tanong ni nanay.
Umiling ako.
"What?! Inuna mo pag lalandi mo kesa sabihin yung tungkol sa Anak niyo?"
"Jusko, teddy! Kausapin mo nga to'ng Anak mo!" Nawawala niyang pasencya na sabi.
Tumingin sa akin si tatay at umiling.
"Nag usap na din kayong dalawa at nagka balikat pero di mo sinabi ang tungkol sa apo ko, anong gusto mong mangyari menggay itago si Athena at mag feeling dalawa ba at binata kayo ni Alden?!"
"Baka ma buntis kana Lahat ulit di mo pa rin na sasabi ang tungkol sa Anak mo!"
"Nay!" Sigaw ko sa kanya, Paano ba naman kasi hindi mabigilan ang pag sa salita niya at nag isterikal na.
"Mary, huminahon ka nga muna." Sabi ni tatay sa kanya.
"Menggay, Bakit nga ba hindi mo ba na sasabi kay Alden?"
"Tay, Hindi kasi ako maka tiempo, sa tuwing nag lalakas ako ng loob na sabihin sa kanya lagi na lang nauudlot, kung di kinakabahan ako o may biglang emergency siya." Paliwanag ko.
Totoo naman kasi, nung nag tangka ako sabihin sa kanya biglang may tumawag sa kanya at natagalan yun hanggang hindi kuna nasabi.
Minsan talaga kinakabahan ako yung tipong sasabihin kuna kaso biglang uurong yung dila ko.
"Wag mong hintay in na mag isang taon si Athena bago mo sabihin, maawa ka sa mag ama, lalo na kay Alden." Sabi Nanay.
Napairap lang ako sa isip ko, ano pa nga ba hanggang ngayon paborito pa rin niya si Alden.
Walang ginawa si Nanay kung di ipaalala ang tungkol dun hanggang nakakuwa na ako ng manila.
Ganun din ang reaction ni Sheena nung sinabi ko sa kanya nuon na okay na kami ni Alden, siempre bilang Sheena na sobrang OA at stismosa halos maubos ang oras namin dalawa sa trabaho dahil lang gusto niya I kwento ko ang buong detalye sa kanya.
"Anong Sabi niya nung nalaman niya na may anak na kayo!?" Excited niyang tanong.
Yumuko lang ako.
Ganun ba talaga yun, Pag katapos ko mag kwento ng pag kakaayos namin ni Alden, ang follow up question eh, yung tungkol sa Anak namin. Kung nasabi kuna ba o anong reaction niya.
"No..no..no.." Parang tanga niyang reaction.
"Wag mo'ng sabihin hindi mo pa nasasabi?"
Gaya ng sagot ko kay Nanay ay umiling lang ako.
BINABASA MO ANG
To Love Again (MAICHARD Fan-Fiction) (Completed)
FanfictionMagmamahal kapa Kaya ulit Kung sobra Kang masaktan ng iyong nakaraan?