Prologue

21 4 0
                                    

Prologue

"Sigurado ka na ba na kaya mo siyang harapin ngayon?" Nag-alalang tanong ng Ate Freya ko. "I mean, sila?" Dagdag pa niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti.

"Yeah, Ate. Matagal na iyon. Wala naman akong pinagsisihan noon. So, it's really fine with me." Sagot ko kay Ate Freya na ngayon ay isinukbit na ang shoulder bag sa kanyang balikat dahil papasok na rin siya sa trabaho.

Kontento naman siya sa naging sagot ko kaya tumango siya.

"Oh siya, aalis na rin ako. Gisingin mo si Gerard at may practice daw iyon sa soccer." Sabi niya nang nasa hamba na siya ng pintuan.

"Okay."

Maiiwan ako dito sa Condo dahil day-off ko ngayon. Ayoko sanang mag day-off today kaso pinilit ako ng Ate ko na magpahinga muna sa araw na 'to at siya muna ang haharap sa mga clients namin.

Isa akong Event Specialist, ako mismo ang gumaganap sa mga events tulad ng birthdays, christening, formal parties, concerts at higit sa lahat weddings. The same with my Ate Freya.

Kami na ang nagpatuloy sa tinaguyod na maliit na kompanya ng aming Ina noon bago siya lumisan sa mundong ito na ngayon ay isa na sa mga successful company ng industriya.

Napahugot ako ng hininga, sumagi na naman sa isipan ko ang mga nangyari noon na parang kahapon lang naganap ang isang bangungot para sa aming magkakapatid, ayoko nang balikan ang mga alaalang iyon. Masakit, isang masakit at malungkot na alaala.

Bumuntong-hininga ulit ako at in-on ang flatscreen TV na nasa harap ko dito sa living room.

Nalaglag ang panga ko nang pagbukas palang ng TV ay siya na agad ang nakita ko. Napasinghap ako at pinilig ang ulo ko.

Matagal na iyon, Monique. Matagal na kayong wala. Matagal na kayong nagkalimutan.

Napapikit ako sa mga iniisip ko. Kahit anong kumbinsi sa sarili kong matagal na kaming tapos at wala na ay hindi ko pa rin siya mawala sa sistema ko.

Bumabalik at bumalik pa rin sa isipan ko ang mga alaalang matagal ko nang kinalimutan.

At hindi ko maiwasang tumutulo na pala ang mga luha ko.

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now