Chapter 2

24 3 1
                                    

Chapter 2

Breakfast

"Saan ka pala uuwi?" Tanong ni Guada nang palabas na kami ng school.

"Sa Greenwood Residence." Sagot ko kay Guada na tila nalaglagan ata ng panga nang sagutin ko ang tanong niya.

"Bakit?" Tanong ko nang hindi pa rin siya nagsasalita.

"W-Wala. Sige ha, una na ako. Kita nalang tayo bukas." Nagmamadali siyang umalis at kumaway-kaway pa habang palayo sa akin.

Kumaway na lang din ako sa palayong Guada. Ang weird naman nang naging reaksyon niya kanina.

Naghintay muna ako sa sundo namin ni Shane sa labas ng school, may waiting shed doon kaya doon ko naisipang hintayin ang sundo.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagtipa ng text para kay Manong Jon, na siyang sundo namin na agad namang nag reply na parating na daw.

Nagtipa ulit ako ng panibagong mensahe para kay Shane.

Ako:
Nasaan ka na? Nandito na ako sa labas. Parating na si Manong.

Hindi na ako mag-eexpect na magre-reply pa sa akin si Shane. Lagi naman siyang snob pagdating sa akin. Ewan ko ba sa kanya! Wala naman akong ginagawang masama.

Ilang sandali kong paghihintay kay Manong ay wala pa ring Shane ang lumabas. Nasaan na kaya 'yun? Medyo dumudilim na at linalamok na ako dito.

Bigla akong napatayo nang makitang palabas si Kerwin ng school, mag-isa lang siya. Sukbit ng kaliwang balikat ang itim niyang Jansport bag.

Kumalabog na naman ang puso ko. Hindi na ata normal ang pagtibok ng puso ko. Nakakainis!

Tiningnan ko si Kerwin na palapit na sa direksyon ko. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at patingin-tingin sa daan para maibsan ang nakakawindang na pakiramdam.

"Sinong hinihintay mo?"

Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses niya. Sa pandinig ko ay para itong magandang nota ng isang kanta.

Hoy, Monique! Tumigil ka nga!

Napaangat ako ng tingin sa magandang mukha ni Kerwin. Matangkad nga talaga siya, nasa dibdib niya lang ako.

"Ah.. 'Y-Yung pi-pi.. pinsan ko." Diyos ko! Para akong natataranta sa harapan niya.

Ngumuso siya at tiningnan ako sabay lipad ng mga mata niya sa daan.

"Magga-gabi na ah. Wala pa ang sundo niyo?" Kaswal niyang tanong sa akin.

"Ah.. Wala pa eh." Pakalma kong sagot sa kanya.

"Si Shane ba ang pinsan mo? Malapit na 'yung matapos. Nasa library kasi siya kasama ang mga kaibigan niya." Aniya.

Bigla akong namangha nang malaman niya ang konting detalye ng buhay ko. Nakakalobo sa puso.

Tumango ako at ngumiti, "Oo, siya nga. Uhm.. Matagal pa ba siya doon?"

"Hindi ko alam e," Sagot niya.

Tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay bigla kaming natahimik.

"Ah.. Kaka-transfer mo lang sa Class A diba?" Basag niya sa katahimikan naming dalawa.

Napatingin ako sa kanya, "Oo."

"Ikaw si Monique?" Kaswal niya pa rin itong naitanong sa akin.

Mas lalung nagtatalon ang puso ko. Alam niya ang pangalan ko. Alam niyang ako si Monique! Kilala niya ako! Hahaha!

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now