Chapter 1

15 3 0
                                    

Chapter 1

Love At First Sight

"Wow! Classmate tayo this year, Shane. Exited na ako." Masaya kong tugon sa pinsan ko nang nasa iisang classroom na kami.

Napangiwi naman siya sa harap ko at agad akong tinalikuran papunta sa mga kaibigan niya na parang may binubulong.

Hindi na lang ako umimik, ganyan na naman talaga ang ugali ni Shane. Parang hindi ako kinikilala bilang isang pinsan at kung ano ang dahilan ay wala akong ideya.

Ngayon lang kaming third year highschool magkaklase ni Shane dahil palagi siyang nasa Class A. At ako naman ay mas naiangat ang IQ ko at nalipat sa Class A, samantalang last year ay nasa Class C pa ako.

Umupo nalang ako sa may bakanteng upuan sa unahan at maghihintay nalang sa first subject para sa araw na ito.

Kung ayaw niya akong pansinin, pababayaan ko na lang siya. Sabay rin naman kami uuwi mamaya dahil iisa lang ang bahay namin ni Shane.

Sa amin tumitira sina Aunte at Shane, dahil kahihiwalay lang ng mga magulang niya kaya nakikitira muna sila sa amin ngayon.

"Tss. Ayoko talaga sa babaeng 'yan."

Nabigla naman ako nang may biglang nagsalita sa gilid ko. Napatitig ako sa kanya.

Kaklase ko rin siya, maganda siya at mahaba ang buhok niyang nakatali. Sa galawan niya ay mukha siyang medyo boyish.

Napansin naman niya ang pagtitig ko sa mukha niya kaya bigla siyang ngumiti.

"Ako nga pala si Guada.."

Ngumiti na lang din ako, may kaibigan na agad ako sa first day of school ko!

"I'm Monique Abadiano." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya at tinanggap naman niya ito.

"Galing ka sa ibang section?" Agad niyang tanong sa akin na sinagot ko ng isang tango.

"Hmm.. Kaya pala hindi mo alam ang ugali ni Shane." Aniya.

Kumunot ang noo ko, "Ha?"

"Yung ugali niya, nakita mo kanina? Hindi ka niya pinansin, diba?"

Nakanguso ako, "Kilala ko naman siya. Mag-pinsan kami."

Nakita kung paano nalaglag ang panga ni Guada at nagulat sa sinabi ko.

"S-Sorry." Nag-iwas siya ng tingin.

Tumawa ako ng mahina.

"Okay lang 'yun. Sanay naman na ako dun e." Sagot ko sa kanya at dahilan kung bakit nakuha ko ulit ang atensyon niya.

"Hindi ko talaga aakalaing mag-pinsan kayo. Magka-iba kayo ng ugali." Komento niya na ginantihan ko nalang ng ngiti at hindi na nagsalita pa.

Ilang sandali pa, pumasok na ang first subject teacher namin. Ang Math Teacher at adviser namin.

Dahil first day of school ay hindi muna siya nag lecture. Syempre, hindi mawawala ang Getting-To-Know-Each-Other. At dahil ay transferee ako sa Class nila ay ako agad ang pina-una ng guro.

Nakangiti kong hinarap ang mga kaklase ko. Nakita ko kung paano umirap sa akin si Shane at ganoon din ang mga kaibigan niya. Bumuntong-hininga ako. Ano ba kasing problema niya sa akin?

"Go, Monique!" Napalingon agad ako sa simpleng cheer ni Guada.

Bumalik agad sa akin ang confident na nawala kanina nang irapan ako ng pinsan ko.

"Hi. Good Morning. My name is Monique Kora Abadiano. I'm 15 years old. I came from Class C last year. I did-"

Bigla akong napahinto sa pagsasalita nang may biglang pumasok sa classroom.

Sa pagpasok niya ay nakuha niya agad ang atensyon ko. Hindi lang ata ako, kundi pati rin ng mga kaklase ko. Tila may mundong nahinto nang pumasok siya sa classroom na ito.

"Mr. Cañete, first day of school and you're late." Saway sa kanya ng guro namin na siya lang ata ang hindi napahinto ang mundo sa pagpasok niya.

Nagkibit-balikat lang ang tinawag ni Sir Salazar na si Cañete na parang wala lang itong narinig galing sa adviser namin.

Tiningnan ako ni Sir, "Thank you, Ms. Abadiano. You may now take your seat." Aniya na agad kong sinunod.

"So, dahil late ka Mr. Cañete. Come here in front and introduce yourself." Full of authority in his voice.

Napalingon ako sa likurang bahagi kung saan siya umupo kanina.

Tumayo naman si Cañete at papunta na sa harapan.

Hindi ko siya masisi, sa mukha niyang sobrang gwapo ay talagang mapapahinto ka sa ginagawa mo pag dumaan ito sa harap mo.

Shit! Bakit ganito itong iniisip ko?

Nasa harapan na si Cañete, nakahalukipkip.

Ngayong nakaharap na sa akin ang mukha niya ay masasabi ko talagang gwapo nga siya!

Matangkad na lalaki si Cañete. Nakaka-gwapo ang height ng isang ito.

Magulo ang buhok niya pero hindi iyon naka-antala para pumanget siya. Sa katuyan ay mas lalung dumepina ang maganda niya mukha. Ang mga kilay niya ay makapal na mas bumagay sa mga magaganda niyang mga mata. Matangos ang kanyang ilong at bumaba ang mga mata ko sa mga labi niya.

Napalunok ako..

"Good Morning, I'm Kerwin Clyde Cañete, 16 years old. Thank you."

Halos mawalan ako ng hininga nang bigkasin niya ang mga salitang iyon. Ang nasa isip ko lang ay ang mga labi niyang gumagalaw habang siya ay nagsasalita.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, ano ba naman itong iniisip ko? Ang bata ko pa para sumagi iyon sa utak ko. Bigla namang uminit ang pisngi ko. Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko, ang init nga!

"Ayokong may late sa klase ko. My statement is not only for Mr. Cañete but also for the class. Okay? So, continue.. Introduce yourself.." Turo ng adviser namin sa katabi ko.

Tumayo naman agad si Guada at nagpakilala. Sumunod naman ang iba ko pang mga kaklase na hindi ko na masundan ang mga pagpapakilala nila dahil ukopado ang isip ko, at ang dahilan nito ay walang iba.. Si Cañete..

Wala sa isip ko ay lumingon ako sa likuran kung saan siya nakaupo. At sa paglingon ko ay namilog ang mga mata ko, nagtama ang aming mga mata.

Agad kong binalik ang atensyon ko sa harapan.

Hindi ko alam pero parang biglang kumabog ang puso ko at parang may naliliparan sa sikmura ko.

Hindi ko maintindihan, wala naman akong sakit sa puso at lalu na't kumain ako kaninang umaga kaya malabong magkaganito ang nararamdaman ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago bumalik ang mga mata ko sa likuran at puta! Nakatingin pa rin siya sa akin.

"Hindi ko na makakalma ang sarili ko." Mahinang usal ko sa sarili.

"Ha? Ano?"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Guada, narinig niya ba ang sinabi ko?

Nakita ko kung paano umangat ang kanyang labi, "Nahahalata ko na ah, kanina ka pa lingon ng lingon doon sa likod. Na love at first sight ka ba kay Kerwin?"

Mas lalung nagwala ang puso ko sa sinabi niya at mas lalu pa atang uminit ang pisngi ko.

"Di ah!" Tanggi ko sa sinabi niya.

Mas lalu lang lumawak ang ngisi niya. "Na love at first sight ka sa gagung iyon."

Nalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi. Si Kerwin, gagu?

"Ha?"

Umiling lang siya at tumawa, "Joke lang."

Bumuga ako ng mainit na hininga. Akala kung ano na?

Pero tama ba si Guada? Na-love at first sight ba ako kay Kerwin Cañete?

To be continued..

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now