Chapter 3

23 3 0
                                    

Chapter 3

Para Sa'yo

Maganda ang naging takbo ng araw ko ngayon hanggang pumasok ang teacher namin sa TLE or Technology Livelihood Economics at tila nag-iba ito.

For today, it's our last subject. Two hours ang subject na ito dahil para na itong Major Subject namin kumbaga sa High School. Pero ang kaibahan lang ay ang guro ang pipili kung saan kami ebi-base na skills ayun sa mga grades namin.

"For Electrical Courses, Abadiano, Alonzo, Bentura, Briol, Dela Torre, Dumagi, Galido, Griux, Tapdasan and Yu." Anunsyo ng aming guro.

Nalaglagan ako ng panga nang nasali ako sa Electrical. Anong alam ko diyan?

Pinagpatuloy naman ng aming guro ang pag-aanunsyo na hindi ko na masundan. Pero umayos bigla ako sa kinauupuan nang marinig ko ang apelido niya.

"For Cookery, Balingit, Binondo, Cañete, Cloma, Estrada, Floyd, Gariando, Ladesma, Manabat and Soledad."

Ngumuso ako. Nakaramdam ako ng inggit sa bagong kaibigan kong si Guada Soledad nang malamang magkasama sila ni Kerwin. At naiingit din ako kay Kerwin.. Kalalaki niyang tao at nasa Cookery siya. Dapat siya 'yung nasa Electrical e at hindi ako! Or pwedeng magkasama nalang kami para mas maganda.

May binigay namang topic ang aming guro. Sa grupo namin ay ang leader ay ang pinsan kong si Shane. Isa din sa mga rason na ayaw ko sa Electrical kasi kasama ko ang pinsan ko na kanina pang umaga ay mainit na ang ulo sa akin.

Magkalapit lang ang grupo namin nina Kerwin. Nakita ko namang nakangisi na ngayon si Guada na nakatingin sa akin. Lumapit siya sa akin at may binulong..

"Lipat ka sa grupo namin, Monique. Pwede mong e-inform si Ma'am. Sige na!" Aniya.

Kumunot ang noo ko sa kanya at walang naisagot.

Inilapit niya pa ulit ang bibig niya sa tenga ko.

"Makig-swap ka nalang para payagan ka." Bulong niya.

Ngumuso ako at sinulyapan ang guro naming busy sa kanyang table ngayon.

Tinulak pa ako ni Guada para makatayo na.

"Oo na." Utas ko at tumayo na para puntahan si Mrs. Galang.

"Saan ka pupunta, Monique?" Maarteng tanong ng aking pinsan.

"Anong pake mo ba!" Sumbat ni Guada na agad kong sinaway.

"I'm the leader so may pake ako!" Sagot naman ni Shane.

Umirap lang si Guada. At masamang tingin ang pinukol sa akin ng pinsan ko.

"May itatanong lang ako kay Ma'am." Paalam ko sa kanya, simple siyang tumango kaya linapitan ko agad ang guro namin.

"Excuse me, Miss Galang." Tikhim ko.

"Yes, Miss Abadiano?" Tiningnan niya ako at binaba ang kanyang salamin.

"Uh.. Gusto ko po sanang mag-transfer sa ibang grupo. Magpapa-swap po ako sa isang member sa kabilang grupo." Sabi ko.

Kumunot ang kanyang noo sa akin.

"Why do you want to transfer on the other group, Abadiano? I assigned you where your skills belong. So, mas maganda kung doon ka nalang, hindi ba?" Aniya.

Lumunok ako at hindi ko na alam kung anong isasagot ko kay Miss Galang.

"Pero Ma'am, mas maganda po kung ang pipiliin mo ay 'yung gusto mo at hindi po iyong pinipilit." Sagot ko, kahit walang katuturan ang sinabi ko at alam kung hindi matatanggap ng isang guro iyon.

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now