Chapter 6

19 3 3
                                    

Chapter 6

Pwede ba?

"Okay, listen class. I would like to announce you that next next week is our Acquaintance Party. So, kailangan nating paghandaan ang foods for that party, song and yells, presentation, and to our Mr. and Miss Acquaintance." Anunsyo ng aming adviser nang dumating ang bernes.

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko sa naging anunsyo ni Sir Corolla. Ako naman ay hindi makasabay dahil sa kaba para sa darating na Acquaintance Party. Sa boung buhay ko sa High School ngayon lang ako sasabak sa ganitong kompetisyon. Mostly ang sinasalihan ko ay 'yung volleyball or long tennis.

"Ang theme ng acquaintance party will be 'Denims and Diamonds'." Siwalat ni Sir na siyang nakabuo ng bulong-bulongan sa loob ng classroom.

Naipahayag naman ni Sir Corolla ang lahat ng detalye at preparasyon para sa darating na Acquaintance Party.

Ang totoo ay hindi ko na masundan ang mga sinasabi ni Sir Corolla. Lutang ako and at the same time ay kabado.. Kabado sa darating na Party, lalu na't siya ang kapartner ko.

Nang matapos ang klase namin kay Mr. Corolla ay naramdaman kong buma-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng palda ko. Kinapa ko naman ito at nakita kong may isang text message si Kerwin doon.

Nanginig ang kamay ko habang binubuksan ang text galing sa kanya.

Kerwin:
Hi. You okay? Done breakfast?

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Tumatalon na ang puso ko dahil sa kaba na nadarama!

Nagtipa naman ako ng reply para sa kanya..

Ako:
Hello. Tapos na akong kumain. Ikaw?

Simple akong lumingon sa likuran ko nang ma-isend ko sa kanya ang text ko. Nakita kong tumayo siya at palapit sa akin. Mas domoble lang ata ang kaba ko nang kinalabit ako ni Guada.

"Yung Prince Charming mo, palapit na." Ngisi niya.

Hindi ako makangisi sa kanya. Kaya nilingon ko ang Kerwin na nakatayo na at palapit na nga sa amin.

"Kerwin?" Napahinto si Kerwin nang tawagin siya ni Shane.

Narinig kong napa-tsk si Guada sa gilid ko, "Nu bayan! Epal naman 'tong si Wicked Witch!" She murmured.

Pinabayaan ko nalang iyon at nakayuko lang dahil sa kabigoan.

"May tatapusin pa tayo para sa report natin mamaya." Rinig kong sinabi ni Shane.

Narinig kong tumikhim si Kerwin, "Mamaya nalang. May gagawin pa ako, e."

"Ano naman iyon?" Iritadong tanong ni Shane kay Kerwin.

Tumawa ng mahina si Kerwin, "Kakain lang kami ni Monique sa cafeteria."

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi niya. Kinurot naman ako ni Guada dahil sa kakiligan niya.

"Napahiya pa ata si Shane. Tumayo ka na, sabihin mong gutom ka ha?" Bulong niya sa akin na hindi ko makuha dahil parang nakalutang ako sa sinabi ni Kerwin.

Lumapit naman si Kerwin sa desk ko at may nakaplaster na ngiti sa kanyang mukha.

"I think hindi ka pa nagbreakfast. Tara." Aniya.

Napakagat ako sa labi ko. Tinulak naman agad ako ni Guada na siyang dahilan kung bakit agad ako napatayo.

"Kanina pa 'yan gutom." Panunuya ni Guada.

Masamang tingin ang pinukol ko sa kanya. Ngumisi lang siya at parang hindi nagsisi sa sinabi niya.

"Uh.. B-Baka may tatapusin pa kayo?" Nahihiyang tanong ko lalu na't nakasubaybay sa amin ang grupo nina Shane.

Ngumiti naman si Kerwin sa akin, "That report can wait. So, tara na."

Nilingon ko muna si Guada na ngayon at tumango-tango na parang timang.

"Okay." At nauna ako sa kanyang lumabas sa classroom, nakasunod naman sa akin ang tahimik na si Kerwin.

Nang malapit na kami sa Cafeteria ay halos mapaigtid ako nang hinablot ni Kerwin ang braso ko.

"Hey, Monique.." Seryoso ang kanyang mukha.

"H-huh?"

"Galit ka ba sa akin, dahil hindi ako seryoso sa pag-aaral ko?"

Nagulat ako sa naging tanong niya.

"Huwag kang mag-alala, malapit nang matapos 'yung report ko para mamaya." Aniya na parang takot sa pwede kong sabihin sa kanya.

Hindi ako kumibo. Nabigla talaga ako sa mga pahiwatig niya.

"Monique?" Pukaw niya sa akin.

"Ha? Uhm.. Hindi naman ako galit." Hilaw akong ngumisi dahil sa mga mananap na nagwawala na sa tiyan ko.

"T-Talaga?" May pag-alinlangan niya pa itong natanong sa akin.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti para masigurado siyang hindi naman ako galit dahil mas inuna ang pagpunta namin sa Cafeteria keysa tapusin nila iyon ni Shane. Alam kong ang sama kong mag-isip, pero kinikilig ako sa isiping mas inuuna niya ako keysa sa pinsan kong si Shane.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya nang pumila na siya para maka-order.

Umiling ako, ang totoo ay hindi naman ako gutom at umalis ako ng bahay na nakakain na ng agahan.

"Busog ako." Sagot ko.

Nanliit ang mga mata niya sa akin.

"Kumain ka. Para magkalaman ka naman." Aniya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ano ba ang ibig niyang sabihing para magkalaman ako? Payat na ba talaga ako, para sabihin niya iyon?

Pero walang ano-anu'y pumila na rin ako. Hindi ko alam kung ang mga salita ba ni Kerwin ang nag-udyok sa aking pumila at mag-order ng pagkain.

Pero sa huli ay ang in-order ko lang ay burger at softdrink.

Nanliit na naman ang mga mata ni Kerwin sa akin. Iyong order naman niya ay pang-agahan talaga. May in-order pa siyang sterilized milk na agad niyang inabot sa akin.

"Mabubusog ka na niyan?" Tanong niya na hindi ako tinitingnan.

Tumango ako at sapat na para malaman niya ang sagot ko.

Tumikhim siya.

"Bakit?" Tanong ko.

Inangat niya ang ulo niya sa akin at nakatitig siya sa mga mata ko.

"Hindi naman mastustansya 'yang in-order mo." Nahihimig ko ang irita sa kanyang boses.

"Ah. Eh.. Busog kasi ako." Sagot ko.

"Oh sige.. Kumain ka nalang." Aniya at sumubo na rin siya.

Ilang sandali pa ay binalot na kami ng katahimikan.

"Monique.." Tawag niya na siyang nakabasag sa katahimikan namin.

"Hmm." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ganyan ba ang gusto mong kainin?" Tanong niya na nagpataka sa akin.

"Uh.. M-Minsan.." Nag-aalinlangang sagot ko sa kanya.

"Gusto mong kumain niyan bukas?" Tanong niya na hindi pa rin ako tinitingnan.

Napakurap ako sa naging tanong niya, sasagot na sana ako nang nagsalita ulit siya at nag-angat na ng tingin sa akin.

"Gusto ko sanang lumabas tayo bukas? P-Pwede ba?"

Napalunok ako at nagwala na ang mga paru-paro sa aking tiyan.

To be continued..

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now