Chapter 4

12 3 1
                                    

Chapter 4

Vote

Matamlay akong pumasok sa school sa sumunod na araw. Paano ba naman kasi, sa boung oras ng pag-uwi namin ni Shane kahapon ay puno ang kwento niya tungkol kay Kerwin. Hanggang sa breakfast ay puro papuri ang iginawad niya kay Kerwin.

Nakakabanas! Pero tumahimik nalang ako. Siguro nga gusto ni Kerwin si Shane, sabihan ba naman siyang 'Para sa'yo 'to'

Tamad akong umupo sa armchair ko. Maaga pa at kokonti pa lang ang mga estudyante ngayon.

Dahil maaga pa naman ay inilabas ko muna ang assignment kong hindi ko natapos kagabi, kaiisip sa nangyari sa araw na 'yun.

Ilang sandali pa ay dumadami na ang pumasok sa classroom. Hindi ko na lang pinansin 'yun at tinapos nalang ang assignment ko.

Pero nagulat ako nang may biglang naglagay ng sterilized milk sa harap ko.

Napaangat ako ng ulo at halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

It's Kerwin.. He is smiling.. Damn! Bakit ang gwapo niya?

"Hinanap kita pagtapos ng game kahapon. Ang aga mong umuwi. Para sa'yo pa naman 'yung last shot ko." Aniya na nakangiti.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nagwawala na ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"H-Ha? Para s-sa akin 'yun?" Nauutal kong tanong.

Napakamot siya sa likod ng kanyang leeg.. Pumula pa ang kanyang pisngi.

Is he blushing? Cute!

"Uhm.. Yup." Sagot niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, pinipigilan ang ngiting lalabas na..

"Hi, Monique.."

Nawala ang atensyon ko kay Kerwin nang may tumulak sa kanya para palitan siya sa harap ko.

Nakita kong kumunot ang noo ni Kerwin, kumunot na rin ang noo ko sa ginawa ni Robi.

"Good Morning, Monique. Nag-breakfast ka na?" Tanong sa akin ni Robi, isa ito sa mga kaibigan ni Kerwin at varsity din ito.

"Uhmm-"

Hindi ako nakasagot dahil si Kerwin agad ang nagsalita.

"Robi.. Bro.." Tawag niya.

"Bakit dude? Nakikipagkaibigan lang naman ako kay Monique. I'm just asking her if nag-breakfast na ba siya kasi kung wala pa ay ete-treat ko siya." Lintaya ni Robi.

Umiling naman si Kerwin, "Tapos nang mag-breakfast si Monique kaya nga dinalhan ko siya niyan!" May diin pagkakasabi ni Kerwin sabay turo sa sterilized milk na binigay niya sa akin.

Tumawa naman si Robi sa naging sagot ni Kerwin at nagtaas siya ng kamay na parang suko na siya.

"Okay bro." Ngisi niya at tinalikuran na kami.

Bumuntong-hininga si Kerwin at tumingin sa akin.

"Tapos ka nang kumain? Kung hindi pa, treat na kita.." Aniya.

Ngumiti ako, nakakataba sa puso ang sinabi niya. Parang ayaw niya akong sumabay mag breakfast kay Robi. Nagseselos kaya siya?

"I'm fine. Tapos na akong kumain." Sagot ko.

Tumango siya at sinulyapan ang binigay niya sa aking sterilized milk.

"Inumin mo 'yan para sumigla ka na. Ang tamlay mo ngayon." Kinurot niya ang pisngi ko at saka ako tinalikuran.

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now