Chapter 5

13 3 0
                                    

Chapter 5

Deserve

"Hi Muse." Ngisi ng mga kaklase kong lalaki nang matapos ang klase namin.

Sinimangutan ko lang sila at hindi nalang iyon pinansin. Tinukso naman ako ni Guada na ikinangisi ko nalang.

"Malapit na ang Acquaintance Party. Kailangan mo nang maghanda." Mapilyang ngisi niya sa harap ko.

Umirap ako, "Wag ka nga! Nakakahiya!"

Kinurot naman niya ang tagiliran ko, "Asus! Nahiya ka pa! Alam mo, Monique, kailangan niyo na talagang mag-exchange ng number ni Kerwin."

Kumunot ang noo ko sa kanya, "Huwag nalang. Nakakahiya."

"Wag ka nang mahiya. Ako nalang ang didiskarte." Magarbo niyang sinabi.

"Wag nalang kasi. Pwede naman kaming mag-usap sa school." Sagot ko.

"Tsk! Ako na ang bahala kasi!" Utas niya.

Hindi nalang ako umimik at pinabayaan nalang siya sa gusto niya.

"Oh, andiyan na ang sundo mo." Turo ni Guada sa SUV namin.

Tumango ako sa kanya, "Yeah, so ano? Sabay ka nalang sa amin? Epapa-drop nalang kita sa inyo." Sabi ko.

Umiling naman siya, "Susunduin ako ni Mama ngayon."

"Okay, mauna na ako. Bye." Ngiti ko saka kaway sa kanya. Kumaway na rin siya sa akin.

Nang pumasok ako sa kotse ay walang Shane ang nasa front seat.

"Manong, si Shane?" Tanong ko kay Manong Jon nang nagsimula na siyang mag-drive.

"Mamaya pa daw po siya uuwi, Ma'am. May gagawin pa raw siya sa school." Sagot niya sa akin.

"Ano daw?" Kunot noo kong tanong kay Manong.

"Wala naman po siyang sinabi, Ma'am." Sagot niyang hindi ako kontento kaya tinext ko agad si Guada.

Ako:
Still in school?

Ilang sandali pa ay agad siyang nagreply.

Guada:
Yeah, why?

Nagtipa naman ako ng reply para sa kanya.

Ako:
Si Shane ay nasa school pa daw. Bakit kaya?

Guada:
Are you asking me ko kung anong ginagawa ng pinsan mo sa school?

Hindi pa nga ako nakakareply sa kanya ay nakatanggap ulit ako ng text galing sa kanya.

Guada:
Pay me first. Hahahaha

Tumawa ako ng mahina sa naging reply niya.

Ako:
Baliw. Wag nalang!

Hindi ko pa nga nase-send ang reply ko para kay Guada ay nagvibrate ang phone ko at may nagpop-up ng isang message galing sa isang Unknown Number.

Kumunot ang noo ko at sinend ko muna ang text para kay Guada bago ko binuksan ang bagong dating na text message.

Unknown Number:
Hi Monique, si Kerwin 'to :)

Agad akong napatakip sa bibig ko. Namimilipit na sa kilig.

Tinawagan ko kaagad si Guada na ilang rings palang ay sinagot niya agad.

"Hello?" Aniya sa kabilang linya.

Sinalubong ko siya sa isang tili. Nabigla naman si Manong sa pagbiglang tili ko. Ngumisi ako at humingi ng sorry kay Manong.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo?"

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now