Chapter 9

9 2 0
                                    

Chapter 9

In a Relationship

Nauna akong umuwi kay Shane. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng aking Aunte ng mga katanungan.

"Nasaan si Shane? Hindi na naman kayo nagkasabay'ng umuwing dalawa?" Anito.

"She need to finish something, kaya nauna ako." I replied lazily.

Tumango na lamang siya at nilagpasan ko agad ang aking Tiyahin.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Nakakapagod.. At the same time, I feel lousy. Para ko na ring naamin kay Kerwin na nagseselos nga ako! Bakit ba kasi hindi ko man lang na preno ang bibig ko kanina?

I closed my eyes.. Pero agad ring napamulat nang ang mukha ni Kerwin ang nakita ko.

Gusto ko na ba siya? Pero nakakainis siya! At ang dahilan kung bakit naiinis ako ay wala akong ideya!

Ilang sandali pa akong nakatunganga sa kisame nang katukin ng kapatid ko ang aking kwarto.

"Bakit Gerard?" Sigaw ko sa labas.

"May naghahanap sa'yo sa baba. Kaibigan mo raw." Sigaw niya rin pabalik sa akin.

Napabangon ako at tiningnan ang table clock ko and it says it's already 6 o'clock in the evening.

Pinagbuksan ko ang aking kapatid na ngayong tamad na nakatingin sa akin. Sout ang kanyang soccer uniform at backpack sa likod.

"Sino daw?" Tanong ko.

"I dunno." At agad akong tinalikuran.

Napatsk ako at bumaba nalang. Wala namang tao sa living room. Sina Aunte at Manang ay busy siguro sa kusina.

Lumabas ako nang bahay at nakarinig ng makina ng isang motor. Namilog ang mga mata ko nang marealize na may tao sa labas.

Tinakbo ko ang aming gate at nakita kong nakatungangang nakatayo si Kerwin. Umayos siya sa pagkatayo nang makita ako. Tumikhim ako.

"What are you doing, here?" I asked, coldly.

Pinatay niya muna ang makina ng motor at lumapit agad sa akin.

"Monique.." Mapupungay ang kanyang mga mata.

Gusto ko nang malunod. Ano ba Kerwin? Anong ginagawa mo dito?

"Sorry." Lumambot ang kanyang boses.

Napalunok ako, para saan naman iyan?

"Bakit?"

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at inabot niya ang aking kamay. Damn it!

Pinisil niya ang kamay ko sa malambot niyang mga kamay.

"Alam kong nagalit ka sa akin. And I just want you to know that I'm not flirting with your cousin or anyone. Wala akong girlfriend Monique, but I like someone.. Someone that's mad at me right now.." Seryoso niyang sinabi.

Gusto nang sumabog ang aking puso. At sino na naman ba ang tintukoy niya? Kung ako man iyan ay baka mahimatay ako.

"W-What do you mean?" Patay malisya kong tanong.

"If you're mad because I'm close with your cousin then I'll stay away from her." Nakatitig siya sa akin nang sinabi iyon. "But please tell me, kung nagselos ka ba kanina?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umiling..

"Okay, if you say so." Aniya.

Hindi ko na siya sinagot. Tumahimik na rin siya. Pilit ko munang kinakalma ang aking sarili at tumikhim muli. Sumulyap siya sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now