Chapter 7

17 3 4
                                    

Chapter 7

With Her

Napatalon ako nang magvibrate ang cellphone ko. Agad ko namang dinungaw ito para malaman kung sino ang nag text.

Napalunok ako nang malamang si Kerwin pala iyon.

Kerwin:
Are you ready? I'm on my way.

Halos atakihin ako sa puso ko sa naging text niya. Nagtipa naman ako ng reply para sa kanya.

Ako:
Alright :)

Nagawa ko pang mag smiley emoticon kahit kinakabahan na!

Kahapon ay nagulantang ako sa anyaya ni Kerwin. Wala ako sa sarili nang tumango ako sa kanya at pumayag sa kanyang anyaya.

Maaga akong nagising ngayon, usually kasi gumigising ako pag sabado ay alas diez na ng umaga pero ngayon ay gumising ako ng maaga para sa first date namin, pero date na ba talaga ito?

Halos dalawang oras akong naghanda para sa araw na ito. Tinulungan pa ako ni Ate Freya para ayusin ng kaonti ang buhok ko, nilagyan niya din ako ng kaonting make-up. Simpleng baby pink dress ang sout ko ngayon at sout ko pa ang doll shoes na binili pa ni Papa sa France noon.

Nakarinig akong may nag doorbell. Namilog ang mata ko at tumili ang ate kong si Freya.

"Okay, act normal Monique. You're so pretty baby." Aniya na nakangisi.

Ngumisi pa rin ako kahit kinakabahan na.

"Okay, Ate."

Nang makababa ako ay may nag doorbell ulit. Tumayo naman si Shane galing sa kauupo na nanunuod ng TV at lalabas na sana para pagbuksan ang nag doorbell.

"No, Shane!" Pigil ko sa kanya.

Huminto siya at kumunot ang kanyang noo.

"What? May tao." Iritadong sagot niya sa akin.

"A-Ako na."

Tumango siya at bumalik sa sofa para manuod ng TV.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at inayos muna ang dress ko bago tinahak ang gate namin. Ako na rin mismo ang nagbukas para lumabas na.

Halos mamilipit ako sa kilig nang makita siyang nakasandal sa kanyang Rouser Motorcycle. Nakamaong siya at puting V-neck na pinatungan ng bomber jacket. Bagay sa kanya ang suot niyang para sa kanyang motorbike.

Nakita ko kung paano umangat ang kanyang labi at ngumiti. Kumalabog naman ang puso ko.

"You look pretty." Komento niya na hindi ko matanggap.

Hindi bagay ang suot kong baby pink dress sa motorcycle niya. I bit my lower lips, gusto kong maiyak kasi nakakahiya. Naghanda ako para dito pero hindi pa rin ako bagay o sapat para sa kanya.

"Uh.. T-Teka lang Kerwin. M-May nakalimutan a-ako." Sabi ko at tumango naman siya at ngumiti sa akin.

Agad akong tumalikod at tinakbo ang hagdan papuntang kwarto ko.

"Oh, Monique? May nakalimutan ka?" Tanong ni Ate Freya.

Umiling ako at linagpasan lang siya.

"Monique?" Tawag niya ulit sa akin pero hindi ko iyon pinansin.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong nanghalungkat sa closet ko.

Hinablot ko ang sleeveless croptop ko, denim jacket at ripped jeans. Mabilis akong nagbihis.

Pumasok naman si Ate Freya sa kwarto ko at naabutan niya akong tinatali na ang sintas ng Vans ko.

"Ba't ka nagpalit?" Gulat niyang tanong.

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now