Chapter 8

5 2 0
                                    

Chapter 8

Jealous

Mag aalas-siete nang ihatid ako ni Kerwin sa bahay.

Nakangiti kong inabot sa kanya ang pink na helmet.

"Thank you for the day, Kerwin." Ngiti ko.

Umiling siya, "No, ako dapat ang magpasalamat. Thank you for making me happy today, Monique. Sana may next time pa." Napayuko siya at kinamot niya ang kanyang batok.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Dahan-dahan akong tumango.

"S-Sure." Sagot ko.

"Alam niyo ba kung sino ang representative sa kabilang section sa darating na Mr. and Miss Acquaintance?" Tanong ni Maris nung mag lunes nang nasa canteen kami.

Nilalaro ko ang straw sa orange juice ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Guada sa kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin.

"Sino naman?"

"Si Patrcia Jimenez at Brigz Ian Chu." Sagot niya.

"Hmm.. Mas maganda naman si Monique doon keysa kay Patricia." Nakisali na rin sa amin si Jona, kaibigan rin ni Guada na naging kaibigan ko na din dahil madalas ang pagsama ko sa kanila tuwing break time.

Okay naman ang mga naging bagong kaklase ko. Lalu na si Guada. Suportado siya sa pagiging Crush ko kay Kerwin.

Hindi ako umimik sa naging topic nila. Lalu na nung natamaan kung pumasok si Kerwin sa canteen kasama si Rob at iba pa niyang kaibigan na mga varsity players rin. Natanaw ko ring nakasunod ang grupo ni Shane, nakita ko kung paano niya hinawi ang kanyang buhok.

"Ang gwapo talaga ni Rob, ano?" Ani Jona.

Nag-iwas ako ng tingin sa salitang gwapo, dahil ang tanging naiisip ko lang na gwapo ay si Kerwin lang.

"Monique, nangliligaw ba si Kerwin kay Shane?" Tanong ni Maris na nagpalugmok sa akin.

"Uh-"

"Parang hindi naman." Sagot agad ni Guada.

Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin.

"Si Shane naman ang sunod ng sunod kay Kerwin e." Umirap pa si Jona sa banda nina Shane.

Hindi na ako umimik. Hindi ko alam kung ano ang estado ng relasyon nina Kerwin at Shane. Kung higit man sa kaibigan 'yun ay siguro ay masasaktan ako. Pero wala akong karapatan masaktan, kaibigan ko lang din naman si Kerwin at pinsan ko si Shane.

Nawala na sa realidad ang isipan ko nang may biglang naglagay ng sterilized milk sa harap ko. Halos mapatalon ako sa gulat.

Natahimik bigla ang nagtatawanang Jona at Maris. Si Guada naman ay hayan palihim na kinukurot ang tagiliran ko.

Inangat ko ang ulo ko sa taong naglagay ng sterilized milk sa table namin.

Ngumiti siya at nalusaw na naman ang puso ko, nagwawala ang mga mananap sa sikmura ko.

Ano ba ang meron sa'yo, Kerwin at bigla na lang ako nagkaganito?

"May practice tayo sa hall at pinapatawag na tayo." Ngisi niya sabay kindat.

Tumango ako at tumayo na para makapunta na kami sa naturang hall. Halos masamid pa ako dahil sa ginawa niya. Ngitian ka ba naman at kindatan, sinong hindi mababaliw?

"Galingan mo ah, ako mag che-cheer sa'yo Monique." Pahabol pa ni Guada.

Inirapan ko nalang siya at natamaan kong nakangisi pa rin si Kerwin. Tiningnan ko siya ng mabuti. Mula sa buhok niyang magulo pero bagay pa rin sa kanya pababa sa matangos niyang ilong.. At sa malarosas niyang labi. Maraming babae TALAGA ang mahuhulog sa isang 'to.. At isa na ako dun!

You're Not Sorry (GOFS #2)Where stories live. Discover now