Now Playing: Secret Love Song

251 29 17
                                    

Naalala ko pa noong ipagtanggol mo ako sa mga estudyanteng nambully sa akin noon.

Para kang si Batman na sumaklolo agad sa akin.

Hindi ka natakot na saluhin lahat ng suntok na ibinibigay nila sa akin at lumaban ka para sa akin.

Sa panahon ngayon, kaya mo pa ba akong ipaglaban sa maraming tao?

-----

"Hoy! Itigil niyo yan!" napatingin ako sayo at nakakatawa mang isipin ngunit napangiti ako nang dumating ka.

"Ano bang pake mo Kyle? Jowa mo ba 'to?" nagtawanan ang mga tao sa paligid. Hindi ka naka imik agad pero lumapit ka sa akin at tinulungan mo akong makatayo. Pinagpag mo ang damit ko at pinunasan ang dugo sa labi ko.

"Tantanan niyo siya!" hinawakan mo ako sa kamay at lumayo tayo sa mga taong mapanghusga.

Sobrang tuwa ko nang maaninag ang mukha mong sobrang gwapo.

"Ayos ka lang ba?" tinanong mo ako kung ayos lang ba ako sasagutin sana kita ng hindi dahil medyo masakit pa ang katawan ko ngunit sinagot kita ng "Oo ayos lang ako... Salamat" dahil presensya mo lang ay ayos na ako.

-----

Naging magkaibigan tayo. Nalaman kong sobrang galing mo pala talagang mag gitara at kumanta. Lagi kayong sumasideline ng banda mo at sa tuwing may gig kayo, lagi kitang sinasamahan dahil yun ang palagi mong hiling.

Sino ba ako para hindi pagbigyan ang isang tulad mo? Sino ba ako para tanggihan ang taong gusto ko.

Kada maririnig ko ang mga tinig mo nararamdaman kong para sa akin ang mga kantang isinusulat mo.

-----

Ilang buwan ang lumipas nang malaman kong nagkabalikan na kayo ng girlfriend mo. Nag assume lang pala akong gusto mo rin ako. Nakakatuwa diba? Alam ko naman at tanggap kong hindi mo ako kayang gustuhin.

"Sorry may date kasi kami ng girlfriend ko" sa tuwing tatanggihan mo ako sa bawat pag aya ko sayong 'tara labas tayo' nasasaktan ako dahil ipinagdadamot mo na ang oras mo.

Wala akong karapatang angkinin ka dahil hindi kita pag mamay-ari pero bakit mo ipinaramdam saakin na importante ako? Pinaasa mo lang pala ako.

Papaalalahanan sana kitang ako ang nasa tabi mo sa tuwing maaalala mong iniwan ka ng girlfriend mo kaso wag nalang siguro. Masaya ka na eh, guguluhin pa ba kita?

-----

Isang taon ang lumipas at nagkita ulit tayo.

"Uy kumusta ka na?" yan ang bungad mo sa akin at gusto kitang sagutin ng 'Ito ayos lang... gusto pa rin kita' pero hindi ko kayang aminin sayong gusto kita.

"Ayos lang. Ikaw kumusta na?"

"Ayos lang rin medyo umaangat na. Nga pala, tama ka... Manloloko talaga si Leigh" nalaman kong niloko ka nanaman niya. Buti naman at hindi ka na nagpaloko pa.

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon