Bestfriend...
Bestfriend lang ako para sayo. Bestfriend lang ang turing mo sa isang katulad ko. Hindi naman kita masisisi dahil yun lang naman talaga ang meron tayo, dahil hanggang dun nalang talaga ang pagtingin mo para sa akin.
"Uy Bry! Turuan mo naman ako dito sa math" kada lalapit ka saakin, yan ang una mong sinasabi. Oo matalino ako sa math at ikaw naman sa science. Kaya sa tuwing magpapaturo ka ay nagpapaturo na rin ako.
Ngunit sa tuwing tinuturuan mo ako wala parin akong naiintindihan dahil nakatuon lamang ang atensyon ko sa iyo. Sa mapupungay mong mga mata, matangos mong ilong, ang 'yong labi na tila ba'y nagmumungang rosas at ang kaisa-isa mong dimple na lumulubog sa tuwing ngumingiti ka.
"Uy bry! Naintindihan mo ba?"
"Ah- Oo. Teka nagugutom ka na ba?" tanong ko kay Julia.
"Medyo. Bakit? Libre mo ko?" ngumiti ka at nang akit nanaman ang dimple mo.
"Lagi naman eh! Tara" hinawakan ko ang 'yong kamay na sobrang lambot sa pakiramdam.
Palagi tayong ganito. Magkahawak kamay... ngunit bestfriend ang turingan. Kailan kaya magiging tayo? Kailan kaya ako magkaka lakas ng loob para sabihin sa 'yong mahal kita... Para ipagsigawan sa mundong MAHAL KITA!
-----
Sabay tayong naglalakad pauwi dahil magkatabi lang naman ang bahay natin. Ikaw ang kasama kong tumitingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang mga bituing nagniningning tulad ng iyong mga mata sa tuwing makikita mo silang nagliliwanag.
Hanggang sa nakita kong lumabas galing sa aming bahay ang aking kapatid at napatigil ka't ngumiti na para bang kinikilig.
Sabay sabing "Bry gusto ko si Ryan"
Tumigil ang mundo ko nun, dahil akala ko may pag asang maging tayo. Dahil akala ko gusto mo rin ako... ngunit kapatid ko pala ang inaabangan mo.
"Di kayo bagay nun" yan nalang ang nasabi ko.
"Tss. Gwapo kaya niya tas maganda ako... Bagay talaga kami char"
Oo maganda ka, pero 'yang ganda mo... bagay para sa isang katulad ko.
-----
Lumipas ang ilang araw hindi ka na sumasabay sa akin dahil palagi ka na raw umaalis nang maaga. Akala ko ba tamad kang gumising nang maaga? I know you, you're not a morning person kaya nga sinasabayan kita kahit malate ako. Pero parang iba na ata ang sitwasyon ngayon. Ako nagpapalate para makasabay ka ngunit ikaw gumigising na ng maaga para makasabay si kuya.
Ang sakit diba? Sa tuwing umaga akala ko ako yung hinihintay mo ngunit nakita kong umalis ka kasama ang kapatid ko. Nakalimutan na ba ako? Nakalimutan mo na ba ang bestfriend mo?
-----
"Bry!" tinawag mo ako nang nakangiti.
Nag-aaral ako mag-isa sa science dahil hindi mo na ako natuturuan. Ngunit nang tawagin mo ako. Itinabi ko lahat ng libro sa harapan ko at itinuon lahat ng pansin ko sa'yo dahil minsan nalang kita makasama.
