Now Playing: Huling Gabi

237 32 9
                                    

J A K E

Nagpakalayo-layo at gustong mapag-isa dahil sa panahong 'to. Alam kong wala nang pag-asa.

Hanggang sa huling pagkakataong nakita kita. Sa tabing dagat habang sinisigawan ang walang humpay na alon. At sabay sa mga alon, tumutulo ang walang humpay sa pag-agos ng iyong mga luha galing sa iyong mga mata. Habang hawak ang isang bote ng alak.

Nilapitan kita at tinitigan mo lang ako sa aking mga mata. At sa unang pagkakataon nagawa mo rin akong titigan sa aking mga mata.

"Miss? May problema ba?" Oo, kilala kita pero ako hindi mo kilala.

"Ano ha? Isa ka pa? Paglalaruan mo rin ako!" gusto kong matawa pero naawa ako dahil sinaktan ka niya.

"AYOKO NA! AYOKO NA MABUHAY!" yan ang isinisigaw mo. Aaminin ko rinding rindi na ako, pero pinili kong damayan ka.

"Ano bang problema mo at parang gusto mo nang mawala sa mundo?" gusto kitang tanungin kahit na alam ko na ang sagot. 

"Gusto mong malaman? Ipinagpalit lang naman ako ng taong mahal ko sa kapatid ko. At ginago nila ako ng isang taon. Ang tanga ko diba? Ang tanga tanga ko." Oo tanga ka dahil hanggang ngayon hindi mo parin ako nakikita.

"Ang babaw mo naman. Alam mo ba may mga taong gusto pang ipagpatuloy yung buhay nila kahit alam nilang saglit nalang ang itatagal nila sa mundo." 

-----

Waking up next to you is one of my dream. Yung lagi tayong ganto magkasama at hindi mapaghiwalay na para bang mag-asawa.

Nagising ka at sinampal mo ako.

"Hey? Listen. Wala akong ginawa sa'yo because I respect you and hindi ako masamang tao." yan ang paliwanag ko sa'yo dahil totoo naman na walang nangyari sa ating dalawa. Lasing ka nun at dinala kita sa resort na pinagcheck-in ko.

Pagtapos no'n niyaya kita mag coffee at pumayag ka.

"By the way thank you. Pero can I have your name?" nakakatuwa diba? dahil pati pangalan ko hindi mo alam.

"I'm Jake... and you're Shane right?" 

"Pano mo nalaman?" 

"Ah nasabi mo kagabi nung lasing ka at nagwawala habang kinakausap yung dagat" at pagsabi ko nun sabay tayong tumawa. 

Ngunit napawi rin ang mga ngiti sa iyong mga labi nang makita mo kung sino yung dalawang magkasamang pumasok sa coffee shop nang magkahawak kamay.

"Halikan mo ko" yan ang bulong mo... pero gaya ng sabi ko, may respeto ako sa'yo kaya hindi ko ginawa ngunit habang papalapit sila ikaw na ang naunang nagnakaw ng halik sa mga labi ko.

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon