Now Playing: My Valentine

283 31 13
                                    

Panget ba ko? Kapalit-palit ba ako? Then WHYYYY?

Every Valentine's Day nalang ako hinihiwalayan ng mga jowa ko. Kung hindi valentine, Quatorze (14) ang numero kung kailan ako iniiwan. Ganun ba ako kasarap iwan na sa sobrang sarap kong iwan eh nagplano lahat ng mga magiging jowa kong 14 ako hiwalayan.

-----

"Oh! Chocolates at rose mo" yan ang unang regalo na ibinigay mo sa akin. Akala ko bitter ka parin dahil hindi kita sinagot noon. Alam mo kasi, kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo at ayaw kong magkaroon ng lamat ang pagiging magkaibigan natin kaya mas pinili ko nalang na kaibiganin ka kesa ang mahalin ka. Dahil baka kung subukan natin at hindi mag-work mas lalo pang masira ang ugnayan nating dalawa. Ikaw kasi yung tipo ng tao na tinitreasure.

"Simula ngayon promise ko sayo na bibigyan na kita ng regalo every valentines. Nakakaawa ka naman eh" tadong 'to nang-asar pa. Papromise promise tas hindi naman matutupad. Ganyan naman kayo eh, magpapromise tapos hindi tutuparin... Edi ang ending kami ang nganga. Diba GIRLS!? (Mag-ingay!!!!)

-----

Akala ko pareho ka lang nila pero hindi pala, dahil sa bawat pagdaan ng valentine's day ay binibigyan mo talaga ako ng iba't ibang regalo at sorpresa. Ang swerte ko ano? pero ang ipinagtataka ko... Bakit hindi mo na sinubukang manligaw ulit? Nahuhulog na kasi ako sa'yo eh.

Sa bawat araw ba namang magkasama tayo pinapasaya mo ako.

-----

Hanggang sa ako na ang magtanong sa'yo kung pwede mo ba akong ligawan ulit. Ang haba ng hair eh noh? Dapat ako pala ang manliligaw.

"Ayoko. Ayokong masaktan kita." 'yan ang isinagot mo saakin. Masakit pero kailangan kong tanggapin na wala BESTFRIEND lang ang label nating dalawa.

Ayos na yun. Ang importante masaya ka at masaya rin ako. O diba walang nasasaktan?

Hindi na ako naghanap pa ng ibang lalaki dahil alam kong ikaw ang itinadhana para saakin pero hindi mo alam yun. Kaya naghintay pa ako ng ilan pang taon baka marealize mong pain is part of love.

-----

"Alam mo Warren minsan naiisip kong ikaw ang the one that got away ko" galing sa kawalan nasabi ko yun sa'yo dahil nagsisisi ako kung bakit hindi kita binigyan ng pagkakataon noon na maging parte ng buhay ko.

Ngunit binigyan mo lang ako ng isang ngiti na nagmarka talaga sa isip ko kung anong ibig sabihin nun.

-----

Valentine's Day ngayon pero hindi ka parin nagpapakita sa akin simula kaninang umaga. Napaisip nalang ako na siguro may sorpresa ka nanaman para saakin.

Ilang oras pa ang lumipas at wala pa ring bakas ng ikaw ang nakita ko. Hanggang sa may nagdeliver dito sa bahay.

Isang sulat na pinapapunta mo ako sa condo mo.

I was so excited that time that I can't wait to see your surprise for me. So nagbihis ako ng maganda at nagmake up ako. Baka sa pagkakataong 'to tanungin mo ulit ako ng 'Maaari bang manligaw?'

Agad akong pumunta sa condo unit mo.

Sa harap ng pintuan, huminga ako nang malalim at inayos ang sarili ko. Nagretouch pa nga ako no'n eh.

Binuksan ko na ang unit mo dahil alam ko naman ang password mo at bumungad saakin ang sandamakmak na mga regalo at mga bulaklak.

Naiyak ako sa sobrang tuwa dahil punong puno talaga ito ng mga regalo.

You never failed to make me happy.

Hinanap kita ngunit isang liham ang nahanap ko.

Dear Lea,

Happy Valentines! I'm sorry that I can't make it 'til the end. Ayoko nang ligawan ka dahil ayokong masaktan ka. I just wanted to say na hindi ako ang the one that got away mo dahil ako ang THE ONE THAT WILL NEVER GO AWAY. Kung nasaan man ako lagi mong isipin na lagi kitang binabantayan. It was a brain tumor Lea. I'm sorry for not telling you the truth. 1 year nalang ang itatagal ko sa mundong ito nang malaman kong may brain tumor ako. 1 year is quite long to prepare for the gifts that you wanted every valentine's day. Promise me that you'll never cheat. Kumuha ka lang ng isang regalo kada valentine's. I never break my promises to you. I want you to live your life to the fullest and always remember that I love you.

YOUR VALENTINE,
Warren.

-----

THE END

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon