Now Playing: Photograph

577 31 29
                                    

Naalala mo pa ba? Malamang hindi na... 

Ilang araw, linggo, buwan at taon na akong naghihintay at nagdarasal na sana bumalik na ang mga ala-ala mo. Mali, na sana maalala mo na ako. Dahil sa lahat ng bagay na meron ka, ako lang ang  hindi mo maalala.

Palagi akong bumabalik sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala. Baka sakaling 'pagg nakita mo 'ko doon ay maalala mo na kung paano tayo nagsimula.

---

Naaksidente ka sa kotse mo noong hinatid mo ako sa bahay namin para lang matiyak na ligtas ako, ngunit hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil hindi ko man lang naisip ang kaligtasan mo.

Car accident. Yan ang nangyare sa'yo, ang sumira sa buhay mo... At buhay ko.

Sabi ng doctor dissociative amnesia raw ang nangyari kung saan may mga pangyayari, bagay o tao kang hindi maaalala... at sa lahat ng mayroon ka ako ang nakalimutan mo.

---

Hanggang sa dumating na ang isang araw na hinihintay ko... ang habulin mo ako, ngunit hindi para sabihing naalala mo na ako kun'di para ibalik ang camera ko.

"Omg! Thank you... Wait let's have some lunch treat kita" sa una tinanggihan mo ako, pero grab the chance na kaya pinilit kita.

Kumain tayo sa restaurant kung saan nagtapat ka ng tunay mong nararamdaman sa akin.....noon. Umasa ako na sa pagpasok natin do'n maalala mo na ako... pero hindi pa rin talaga.

"Hey, I'm sorry if I went through your photos. I only did that because I want to find the owner of the camera." nang sabihin mo 'yan nagkaroon nanaman ako ng pag-asa. 

Akala ko naalala mo na ako pero "Ang galing mong kumuha ng litrato" 'yan lang ang tangi mong nasabi sa akin. 

"Based on your photos, your life is quite interesting kasi you used to travel around the world specially in Paris. I've always wanted to go to Paris" sana naalala mo yung panahong magkasama nating nililibot ang dream place natin. Yun ang pangarap natin diba? Ang makapunta sa Paris... nang magkasama.

"You know what? Maybe someday pumunta ka dun with someone special... Do you have someone special in your life?" hinihintay ko ang sagot mo dahil umaasa akong sasagutin mo na ako ang someone special sa buhay mo.

"No, No one special in my life" at dun pumatak na talaga ang luha ko. Pinangako mo kasi saakin noon na ako lang ang special someone mo... wala ka ngang iba, pero hindi mo naman ako maalala.

Binigay ko sayo yung memory card kung saan nakalagay lahat ng pictures natin na baka magpaalala sa'yo lahat ng memories nating dalawa at iniwan na kita. Dahil hindi ko na kayang matiis na hindi mo na talaga ako maalala.

---

At sa huling pagkakataon, pumunta ako sa dating tagpuan... Sa huling pagkakataon inalala ko na lahat ng masasaya nating ala-alang magkasama, dahil handa na rin akong kalimutan ka gaya ng pagkalimot mo sa pagmamahalan nating dalawa.

Idedelete ko na... ang mga larawan nating dalawa na puno ng masasayang ala-ala para tuluyan na kitang makalimutan at hindi na ako patuloy na nasasaktan.

Hanggang sa hawakan mo ang kamay ko para pigilan akong limutin ka.

"Hindi man maalala ng isip ko kung sino ka sa buhay ko, alam ng puso ko kung gaano kita kamahal. Kaya muli tayong gagawa ng magagandang ala-ala kasama 'tong camera mo"

---

THE END

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon