Now Playing: Migraine

186 21 0
                                    

It started with a truth or dare...

Nagpapractice tayo para sa speech choir and for some reason, ang unang practice ay naging play time.

"Rey or Jireh?" yan ang tanong saakin ng nasa tabi ko. Ang rule kasi, dapat kayong dalawa lang ng katabi mo ang makakaalam kung ano ang tanong at isisigaw mo naman ang sagot.

"JIREH!" pinagisipan ko pa nang maigi kung pangalan mo ang isisigaw dahil nung time na yun nalilink ako kay Rey dahil matagal na kaming magkaibigan. Ayoko nang maasar sakanya dahil ayokong mahulog. Sa asaran kasi talaga ako nahuhulog eh.

"Whoo! PAPA JIREH!" sigaw ng mga kasali sa truth or dare.

Naalala ko nun na napatigil kayo sa pagbabasketball dahil nga sinigaw yung pangalan mo.

At dun na nagsimula ang kwento.

-----

For the second time, 

Nagkayayaan ulit kaming magtotropa. Truth or dare ulit pero mas lumevel up na yung tanong nila.

"Sinong pinakanatitipuhan mo sa classroom?" napaisip ako at sinagot ko kaagad ang pangalan ng kaklase nating nerd na si 'Leo' pero sabi nila except daw kay Leo dahil alam nilang hindi ito totoo.

So napaisip ako kung sino ba talaga?

Aaminin ko Rey is really good looking and I know na they're waiting me to answer Rey but I answered them with your name. Cause I'm attracted to you already.

"Jireh" for the second time around, it's you.

-----

Dahil nga malalakas mang-asar ang mga kaklase natin, lagi na nila tayong inaasar.

Pero gaya ng sabi ko... sa pang-aasar ako nahuhulog.

At first kini-claim ko sa sarili ko na I'm not attracted to you kasi wala lang naman akong choice kaya ikaw ang naisasagot ko but habang tumatagal mas lumalalim yung pang-aasar nila and pilit kong sinasabi na wala talaga akong nararamdaman sa'yo.

Hanggang sa maging magkatabi tayo at nung una ayokong tumabi sa'yo dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaso dumating na yung teacher kaya ayon napaupo ako sa tabi mo nang di oras.

Naramdaman ko na nag-init yung pisngi ko nun sabayan pa ng sira na aircon kaya mas lalong uminit ang tensyon sa pagitan nating dalawa.

-----

Nagulat ako ng magnotif saakin na nilike mo yung tweet ko sa twitter na "Ang sakit ng ulo ko :'(" 

Nagtaka talaga ako nun dahil chineck ko talaga kung nakafollow ba ako sa'yo o ikaw saakin pero hindi. So nag-assume agad ako na iniistalk mo ako.

pero ako na ang nangstalk at tiningnan ko yung liked tweets mo at nakita ko na ako yung pinaka recent at yung bago pa nun ay about sa basketball at tweets galing sa mga sikat na tao. So kinilig nanaman ako, kasi tweet ko lang yung nilike mo na kakilala mo personally.

Hindi parin kita finollow nun at ganun ka rin. Hindi natin finofollow ang isa't isa.

-----

Hanggang sa pati tayo nag-asaran na rin. Naalala ko pa nun na sa tuwing aasarin kita kinikiliti mo ako at sinusuntok naman kita sa tuwing gagawin mo yun.

Tapos kukuhanan natin ang isa't isa ng mga stolen shots. 

Isesend natin ito sa isa't isa hanggang sa mabanas tayo sa isa't isa.

Kaso nagulat ako nang magsend ka ng pictures mo.

Alam mo ba na sinave ko kaagad yun? Haha nakakatuwang isipin.

Hanggang sa dumating na sa point na nagchange nickname na.

-----

Nung dumating tong araw na naconfirm ko na sa sarili kong gusto kita sinabi ko kaagad yun sa bestfriend ko. 

Kaso yung bestfriend ko may sinabi saakin.

"Siguro ikaw na ipapalit niya kay Angel. Di yun makamove on dun eh." biglang nawala ang mga ngiti ko nang marinig yun.

"Hahaha ayokong umasa." Kunwari aware akong kilala ko si Angel pero hindi talaga.

Hanggang sa magpakwento na ako sa kaibigan ko.

Sabi niya si Angel daw yung matagal mo nang nililigawan pero hanggang ngayon hindi ka parin sinasagot.

Sinabi ko sa sarili kong ititigil ko na kasi may hinihintay ka na pala.

-----

3rd grading at nakatabi nanaman kita.

So kahit pilitin kong huwag tuluyang mahulog sa'yo ay hindi ko kaya dahil paano ko nga naman iiwasan yung taong palagi kong nakakasama at nakakausap diba?

Mas naging malalim ang pagkakaibigan natin pati na rin yung nararamdaman ko para sa'yo.

-----

Isang araw nagdesisyon yung nga officers na maglinis so tumulong nalang ako.

Mabilis lang naman natapos yung paglilinis at sabi nila ipasok na raw yung mga kanya-kanyang upuan.

So papunta na ko sa labas nun kaso nagulat ako nang makita ko yung upuan ko na parang lumayo sa pwesto kung saan ko pinaglagyan.

Nakita kitang papalapit sa upuan ko at akmang ipapasok mo ito pero naunahan kita. Ngumiti ka lang saakin pero nag-isip na agad ako nang kung ano-ano tungkol dun.

Hanggang sa napaisip ako kung bakit ba ako tuluyan na nahuhulog sa'yo.

Siguro sa pang-aasar mo?

Sa kakulitan mo?

Sa mga chat mo na malimit lang pero may matinding meaning para saakin?

Sa paglike mo ng tweets ko.

Sa pagmessage saakin dahil na bobored ka.

Sa pagpaparamdam saakin na minsan na akong naging importante sa'yo.

Sa motibong binibigay mo... na may pag-asa ako, tayo.

-----

Hanggang sa dumating yung araw ng mga puso.

Excited pa akong pumasok dahil inakala kong may ibibigay ka saakin.

Pagpasok ko mga tili at hiyawan ang bumungad saakin at nakita kita, nagtatago sa pinto.

May dalang bouquet ng mga rosas at chocolates.

Hindi ko na hinintay na matapos pa yung hiyawan nila at dumaan na ako ng walang pasintabi.

Hindi ko kasi kayang makita nang harap-harapan mong ibibigay ito sa ibang babae.

Bigla ko nalang naalala.

Bakit ako umasa? Hindi nga pala tayo.

Hanggang dito nalang ako...

-----

THE END

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon