Now Playing: Sundo

178 20 35
                                    

"Beshy! Ang gwapo!" yan ang lagi kong sinasabi sa bestfriend ko sa tuwing makakakita ako ng gwapo. Knowing me, gagawin ko talaga ang lahat mapansin lang ako ng mga crushes ko. Oo crushes, kasi hindi lang iisa ang crush ko- 300+ sila. Kung hindi pagkuha ng stolen shots ay mismong pangalan niya ang itatanong ko. Nakakahiya 'no? Yan rin ang sinasabi saakin ng bestfriend ko pero ano bang magagawa niya? Ganto ako eh.

-----

"Hala Ja! Nawawala wallet ko!" akala niyo kinakabahan ako dahil nandun ang pera ko? Well nagkakamali kayo... dahil ang ikinakakaba ko ay baka may ibang makakita ng topless pictures ng mga crushes ko na nasa wallet ko.

"Hahaha paano na yan? Edi magpapadevelop ka nanaman ng mga pictures ng crushes mo?" o di ba? Yan rin ang concern ng bestfriend ko... dahil alam niya na mas importante yun kesa sa pera ko.

-----

Lunes nanaman!!! May flag ceremony nanaman... Pero for sure hindi ko nanaman 'to maabutan. Bilang lang ata yung flag ceremony na naattendan ko sa buong school year na 'to.

Siya nga pala. Nung friday nawala yung wallet ko, at hindi ko na talaga siya nahanap. Kaya nagpadevelop nalang ulit ako ng mga litrato nila. Kahit na nakakahiya man na puro topless pictures and pinadedevelop ko.

-----

"Uy Ja! Cr lang ako ah. Mauna ka na sa room" kahit na gusto kong hintayin niya ako ay hindi na ako humirit pa dahil alam kong mainipin siya. Hindi naman talaga ako mag ccr eh, sisilip lang talaga ako sa mga crush ko sa higher level hihi at alam kong hindi ako susuportahan ni Ja.

-----

Tumatakbo ako ngayon dahil nahuli ako ng crush ko na nakasilay sakanya. Nakakahiya tuloy. Ay, hindi ko pala alam yung word na yun.

Hanggang sa may nakabangga ako at sa moment na yun nagkatitigan lang kami. Omyghaaaadd!!! Isa siya sa mga crushes ko huhu.

"Miss wallet mo ba 'to?" namula ang pisngi ko nang makita ang wallet ko at galing pa talaga kay Justin. Huhu may isa siyang picture dun na nasama. Siguro hindi naman niya kinalkal yun 'no? Sana hindi.

Kinuha ko ito agad at tumakbo na palayo sakanya at narinig kong may sinigaw siya.

"Ang gwapo ko sa picture ko sa'yo!"

-----

Natrauma na ako sa nangyari kaya hindi na ako masyadong naglalalabas ng classroom at hindi na rin ako sumisilay kay Justin. Sa iba nalang. Hindi ko kasi alam kung anong magagawa ko pag nagkasalubong nanaman kami.

-----

Valentine's day na bukas!!!

"-ten, eleven, twelve! Sa wakas!" tapos ko nang balutin yung regalo ko sa mga crushes ko sa school para bukas. Grabe 'no? Di kaya magselos sila kasi hindi ako loyal? Sana nga may magselos.

-----

VALENTINE'S DAY

"3 more to go." dumaan ako sa di masyadong dinadaanan na hagdan para hindi nila ako makitang nagbibigay ng regalo, anonymously.

Hanggang sa nakita ko si Justin kasama yung isa sa mga kaklase ko. Tinutugtugan niya ito gamit ang gitara niya at ang nakakapang akit na boses niya. Aaminin ko na nasaktan ako kahit na marami silang crushes ko. Sa lahat kasi ng crush ko, sakanya yung parang todo ko.

Iniwan ko nalang sa tabi ang regalo na dapat ay ibibigay ko sakanya.

"Happy Valentine's Day Justin" bulong ko sa kawalan. Dahil yung taong sasabihan ko... may iba nang kasama at sinabihan ng happy valentine's.

-----

"Huy Ella! Bakit ka umiiyak?" tinanong ako ni Ja pero ayokong sabihin dahil baka asarin lang niya ako.

"Wala lang. Sa lahat kasi ng crushes na binigyan ko wala man lang ni isang nagbigay ng regalo saakin" yan nalang ang nirason ko.

"Weh? Totoo ba?" Uh-Oh malakas nga pala makaramdam 'tong si Ja. Hindi ko kayang ilihim sakanya.

"Nakita ko kasi si Justin. Tinutugtugan niya si Gelica kanina sa hagdan."

"Ow... Balita ko rin mu dati sila Justin at Gelica eh. Hayaan mo na marami ka pa namang reserba"

-----

Ilang araw na rin ang lumipas at sinusubukan ko na ring kalimutan si Justin. Kahit na mahirap kakayanin ko kasi masakit.

"Uy Ella tawag ka ni Justin sa labas" halos lahat ng kaklase ko ay kinikilig dahil lahat sila supportive saakin.

"Go girl!"

Lumabas na ako at nakita ko siyang hawak yung regalo na iniwan ko sa hagdan.

"Pwede ba tayo mag-usap?" hinanda ko na ang sarili ko dahil baka ibabalik mo na sakin yung regalo ko dahil nga hindi ka na pwede.

Pumunta tayo sa 3rd Floor na kung saan onti lang ang dumadaan.

"Sa'yo ba galing 'to?" yan ang una mong tanong saakin at tumango lang ako sa'yo bilang sagot. Kukunin ko na sana dahil akala ko ibabalik mo na.

"Bakit hindi mo binigay ng personal? Edi sana nakapagpasalamat ako diba?"

"Nakita ko kasing nagmomoment kayo ni Gelica so hindi ko na kayo inistorbo" ngumiti ako ng bahagya para ipamukha sa'yong kunwari hindi ako nasasaktan.

"Nagmomoment? Nagpapaturo lang siya mag gitara pero gusto ko sanang sabihin na hindi ko siya gusto... dahil ikaw ang gusto ko" speechless mamsh! Hindi ako nakasagot as in nakanganga lang ako sakanya.

"Gusto sana kitang ligawan kaso parang marami akong kalaban. Nakita ko rin kasi yung ibang pictures ng kaklase ko sa wallet mo" namula ako sa kahihiyan dun ah. Wait lang mamsh hindi nagsisink in sa utak ko sinasabi mo.

"Asahan mong simula ngayon, pag-ibig ko'y sa'yo..........lang."

-----

THE END

[Inspired by True Story]

[A/N This chapter is dedicated to duldulaomariella3. Please wag ka na magrequest ng 'Hayaan Mo Sila', 'Bboom Bboom' at 'Fake Love' HAHAHAHA. Yan na yung Sundo mo jk.]

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon