Now Playing: I love you, goodbye

362 27 19
                                    

"You'll never know the value of a person until it says goodbye to you"

-----

Ang tagal ko nang hinintay 'to... Ang makita at maka-usap kang muli. 

Siguro kaya na kitang harapin, sa tingin ko ganun ka rin.

Sa pagpasok mo sa pinto ng coffee shop tumigil ang mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko gaya nung una kitang nakita.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa sunflower bouquet na dala mo, naalala mo pa pala na 'yun ang paborito ko.

Para saakin HOPE ang nararamdaman ko sa tuwing makakakita ako ng sunflower, hindi ba yun ang sinabi ko sa'yo?

Kaya siguro napa-isip ako kung may pag-asa pa nga ba tayong dalawa? Yun nga ba ang ipinahihiwatig mo? 

Lumapit ka sakin at binati mo ako. 

Napansin ko rin ang relo na suot mo, di ba pang couple yan? Naalala ko, binilhan kita noon ng relo at couple tayo pero pinamigay ko nalang dahil ayoko nang maalala pa kita.

"Hi Anne. How are you?" hindi ko alam ang isasagot ko dahil ang sabi ng puso ko sabihin ko ang totoong nararamdaman ko na  bumalik lahat ng ala-ala nating dalawa nung nakita kitang muli. Sabi naman ng utak ko 'huwag ka nang magpalokong muli'.

"I'm doing good... How 'bout you?" pinilit kong ngumiti sa harap mo.

-----

We're together for about 7 years and akala ko ikaw na ang forever ko, pero nagkamali ako.

Kailangan kong pumunta sa Dubai dahil dun ako na assign ng company ko and hinihintay kitang papiliin mo ako kung career o ikaw dahil ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Dahil ang career madaling hanapin yan pero ikaw? minsan ka lang dumating sa buhay ko and I will forever treasure you no matter what. Kaso hindi mo ako pinapili and you just let me leave you.

Habang nasa Dubai ako lagi tayong naka video call after kong magtrabaho. Kahit pagod na akong magtrabaho hindi ko hahayaang matapos ang araw na hindi man lang kita nakakausap at nakikita.

Gabi-gabi umiiyak ako dahil miss na miss ko na ang pamilya ko pati na rin ikaw.

-----

Hanggang sa naging cold ka na saakin at minsan ka nalang tumawag. Niregaluhan kita ng phone at pinadalhan pa kita ng cake kahit na nasa Dubai ako.

Gumagawa parin ako ng mga efforts para naman sa ganun ay baka magkaroon ka ulit ng gana saakin ngunit nabalitaan ko nalang na kaya pala hindi ka na masyadong nakakatawag dahil may iba ka nang tinatawagan... Mali, dahil nagkabalikan na kayo ng babaeng dati nang nanloko sa'yo.

Nung nabalitaan ko yun. hindi mo ba alam na nagkasakit ako at hindi ko ininda ang sakit na yun dahil mas masakit yung ipagpalit mo ako... gamit mo pa ang regalong ibinigay ko sa'yo.

-----

Ngayon lang ako umuwi dahil sa tingin ko, kaya ko nang harapin ang lalaking nanloko sa akin noon.

"Anne I just wanted to say sorry for what I've done. Alam kong masakit yun sa part mo, tell me what can I do to heal those pains I cost."

"You know what? I'm still hoping it's you and me in the end like what we promised each other... but I cannot beg you to stay if you want to leave and be with someone else." sana hindi mo nalang ako tinanong dahil hanggang ngayon ay yung "TAYO" parin ang hiling ko sa'yo.

"I'm sorry that's—... Anne, I'm getting married" paano mo nagawa yun? Ang bilis naman masyado... nagmomove on palang ako. Ikaw ikakasal na? 

"Ayoko nang pahabain pa... Jeff I love you but I think that would be the last time you would hear that words from me and this is the right time to say goodbye."

I love you, goodbye.

-----

THE END
[Inspired by True Story]

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon