Kahit sabihin pa nilang marami pang iba, aanhin ko ang IBA kung di rin lang IKAW...
---
Naaalala mo pa ba? Kung paano tayo nagsimula, kung pano naging tayo ang ikaw at ako?
"Anne, did you know what's the best thing happened in my life?"
Hindi ko alam kung bakit mo ako tinatanong niyan sa harap ng maraming tao, wala akong ibang ginawa kundi ngumiti nalang at tumingin sa'yo ng diretso.
"Well, yun ay yung nakita kita at nakilala. But that's only the best thing, gusto mo bang malaman kung ano best feeling?"
At dun, tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko tanging ikaw at ako lang ang naririto ngayon.
"Yun ay kung makukuha ko ang matamis mong oo sa tanong na... Pwede na bang maging tayo?"
Ngumiti ako at hindi na nagdalawang isip pa na sagutin ka ng 'Oo'.
Almost 2 years mo na rin akong nililigawan, and nakilala na kita sa 2 years nating magkasama.
Nakakatawa ano? Parang dati bestfriends lang tayo, bestfriend lang ang turing mo saakin. Samantalang ako, mahal na kita noon pa.
Hanggang sa maiwan ka ng pinakaunang taong minahal mo at narealize mo na ako ang palaging nasa tabi mo, kaya ayun niligawan mo ako.
Nung una ayaw ko, kasi ayaw kong maging rebound mo. Ayokong mahalin mo ako dahil naaawa ka sa sarili mo. Ayaw kong maging panakip butas lang ako sa buhay mo.
"You know what? Hindi na ko makapaghintay na matupad yung pangarap nating dalawa." habang pinagmamasdan natin ang mga ilaw ng sasakyan mula sa taas ng bundok na 'to, yan ang tanging nasabi mo sakin.
"Hindi na rin ako makapaghintay na makita ang asawa kong piloto!" tumingin ako sa'yo at ngumiti.
"Pag naging pilito ako, dadalhin kita sa iba't ibang bansa, pangako ko yan sa'yo" kasabay ng mga linyang binitawan mo ang pagyakap mo saakin.
Umasa ako, umaasa akong tayo na nga hanggang sa huli.
Hanggang sa nalaman ko nalang na iniwan mo na ako, at hindi na muling nagpakita.
Nakakatawa ano? 5 years na, iniwan mo na ako... pero ako nandito parin nananatiling matutupad ang mga pangako mo sakin.
Nakakapit parin ako sa pag-asang babalikan mo ako, at ipagpapatuloy natin ang pagmamahalang hindi pa tapos, o pagmamahalang ayaw kong tapusin.
Sabi nila 5 years na nagpapakatanga parin ako sa'yo. Wala eh tanga ako.
Handa akong magpakatanga basta para sa'yo.
Ikaw ba? Handa ka rin bang magpakatanga para sa isang katulad ko?
---
Natupad ko na ang pangarap ko nang mag-isa pero hindi parin ako kuntento sa kung anong meron ako, dahil pakiramdam kong may kulang pa.
Siguro yung kasagutan sa tanong ko na 'Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi ka nagpaalam?'
Hirap magpakatanga.
Paano ba naman kasi, sinama mo ako sa pangarap mo pero sa huli tutuparin mo pala yon nang wala ako.
Akala ko gusto mong magpiloto para ilipad ako sa iba't ibang bansa.
Ayon pala gusto mo maging piloto dahil mahilig kang mangiwan sa ere.
Huwag kang mag-alala dahil hanggang ngayon nakakapit parin ako.
Tatanda na ata akong dalaga dahil sa pangako mo.
---
Makalipas ang ilang taon, sa wakas nakita na rin kita.
Natupad mo nga ang pangarap mo.
Nakikita ko sa mga mata mong masaya ka na, kasama ang pamilya mo.
Kasama ang babaeng una mong minahal.
Ang una't huling babae para sa'yo.
Aalis na sana ako dahil ayokong maging sagabal sa kasiyahan mo. Ngunit nakita mo ako.
"Kamusta?" hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong mo.
"Okay lang naman ako, okay lang ako na nakikita kang masaya"
"Anne, patawarin mo ako. Hindi ko kayang saktan ka kaya hindi na ko nagpaalam. Hindi ko na rin kayang lokohin ka at ang sarili ko"
"Liam dapat una palang sinabi mo, kasi puta ang tanga ko. Kasi hanggang ngayon ikaw parin ang nasa puso ko. Ginawa mo kong tanga. Salamat dahil sa'yo natuto ako"
---
THE END
