Now Playing: I Won't Give Up

206 26 14
                                    

Long Distance Relationship (LDR)

Yan ang estado ng pagmamahalan natin noon.

Sa Pilipinas ako nakatira at ikaw naman sa Canada.

Oo mahirap yung sitwasyon nating dalawa pero kinaya ko dahil mahal kita.

-----

Naalala ko pa yung una nating pagkikita. Sa kasal ng tita ko, imbitado ka dahil bestfriend ni Tita ang mama mo. Nakita kitang nasa sulok at nag-iisa. Gusto sana kitang lapitan kaso mukhang masungit ka. Well, hindi naman ako nagkamali dahil masungit ka nga.

Hindi na ako nagtangkang lumapit sa'yo dahil baka sungitan mo lang ako at matulala ako sa ganda mo.

-----

Ilang linggo rin ang lumipas nang malaman kong bumalik ka na sa Canada.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi kita matanggal sa isipan ko.

Tinanong ko ang pangalan mo sa tita ko at inadd agad kita sa facebook. Inaaccept mo na ako dahil siguro maraming mutual friends... pero sana yung feelings mo mutual rin ng sa akin.

Ilang gabi kong pinag-isipan kung ichachat ba kita hanggang sa naka ipon na ko ng lakas na loob para ichat ka.

"Hi" yan ang unang message ko sa'yo at sineen mo lang ako. Saklap diba? Pero hindi ako sumuko.

Araw-Araw akong nagmemessage sayo pero inbox lang. Hindi ako tumigil dahil alam kong may pag asa ako dahil kung wala malamang matagal mo na akong blinock sa facebook mo pati na rin sa buhay mo.

-----

Hanggang sa nagreply ka ngunit para magpalike ng project mo.

Oo masakit pero kailangan kong tanggapin.

Isang araw ulit nagmessage ka na kung pwede sanang magmention at magtag ako ng friends ko. Ginawa ko naman, syempre dagdag points rin 'yun.

Pero matapos nun ay hindi mo na 'ko pinansin ulit.

Nagmessage ako sa'yo ng "Sana palagi ka nalang nagpapalike noh? Para lagi mo akong kachat" hindi ko alam kung nakonsensya ka dun pero dumaan ang ilang araw palagi na tayo nag chachat.

Ang saya ko lang na nirereplyan mo na ko.

-----

Hanggang sa mahulog na talaga ang loob ko sa'yo at tinanong kita kung pwede bang manligaw at pumayag ka naman. I put so much efforts for your sweetest 'yes'.

Magkachat at magkavideo call tayo araw-araw. Hindi matatapos ang isang araw hangga't hindi ko naririnig ang boses mo.

Aaminin ko, hindi maganda yung boses mo pero hindi ako magsasawang pakinggan ito.

In some random topics bigla mong sinabi saaking "Kantahan mo naman ako ng I Won't Give Up" paktay. Wala rin akong talent sa pagkanta.

"Sige sa susunod. Pag-aaralan ko" yan lang ang mga salitang nabitawan ko sa'yo pero pangako, aaralin ko talaga yan para sa'yo.

-----

Isang araw tinanong na kita kung kailan mo ako sasagutin at nakuha ko naman na ang matamis mong 'oo'.

Sobrang saya ko nung araw na sinagot mo ako.

Kaya kong tiisin yung LDR na yan. "Malayo man tayo sa isa't isa, nagmamahalan naman tayong dalawa". Iyan ang palagi kong sinasabi sa'yo.

-----

Hanggang sa naging busy na ako nang magkaroon ako ng trabaho at minsan nalang tayo makapag video call dahil pagkatapos ng trabaho ko ay pahinga na agad ako. Aaminin kong nagkulang ako sa'yo nung mga panahong iyon, pero nagtatrabaho ako para makapunta sa Canada at makita ka.

Unang sweldo ko bumili ako ng gitara at I Won't Give Up ang unang pinag-aralan ko dahil yun ang gusto mo.

Pinag-aralan ko talaga siya. Pati boses ni Jason Mraz sinubukan kong gayahin para mapasaya ka.

Pero isang araw bigla mo nalang sinabing 'Ayaw mo na'.

Gusto kitang tanungin kung bakit pero nagdeactivate ka na.

Nabaliw ako kakaisip kung bakit biglang ganun.

-----

Sana bigyan mo naman ako ng dahilan kung bakit mo ako iniwan. Ang hirap kasing tanggapin dahil hindi ko alam kung san ako nagkulang.

Ngayon, alam ko na kung paano tugtugun at kantahin yung I Won't Give Up. Ayos na lahat diba yun ang ipinangako ko sayo?... Yung taong makikinig nalang ang kulang...

I won't give up waiting for your replies. Hihintayin kita Angel.

-----

THE END

-----

[A/N I dedicate this chapter to my friend who's very makulit😂 Favorite song kasi niya yung I Won't Give Up. Sorry kung naging sad ending hahaha. KrystalPrudente I hart u!]

THE PLAYLIST: A Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon