6

2K 43 0
                                    

MAAGANG nagising si Lev nang umagang 'yon para magpunta sa bahay ng mga De Buena para tumulong sa paghahanda sa ika-80th birthday ni Lola Lotlot sa mansion ng mga De Buena. Off niya nang araw na 'yon at nagdala na rin siya ng extra clothes kung sakaling pagpawisan siya. Nagpa-catering service ang pamilya, ngunit gusto pa rin niyang tumulong sa pag-aayos sa loob ng bahay para sa mga bisitang darating, gano'n naman kasi siya noon pa lang, nasanay na siyang tumulong mag-ayos kapag may birthday ang miyembro ng pamilya.

Lunch party magaganap ang birthday ni lola, sad lang dahil hindi makakadalo ang popshie niya dahil kinuha ito para mag-ayos din sa isang inaugural party, pero nagpahatid ito ng birthday cake para kay lola.

Nang makarating siya sa bahay ng mga De Buena ay niyaya siyang mag-agahan ng pamilya, kaya kahit kumain na siya sa bahay nila ay kumain uli siya dahil paborito niya ang chocolate pancake, ngunit wala noon si Red dahil umuwi daw ito sa condo nito kagabi at baka sa lunchtime na daw ito magpunta dahil may sinundo daw itong importantent tao, siguro ay isa sa mga kaibigan nitong inimbita rin sa party.

Saglit pa ay dumating na rin ang mga tito, tita at mga pinsan ni Red na galing sa Bicol, dalawang beses na niyang nakilala ang mga ito at masasabi niyang napaka-approachable ng mga ito, pati na rin ang mga kamag-anak nito sa father side.

Tumulong siya sa mga katulong para magkabit ng mga malalaking kurtina kasama na rin si Purple, habang ang ibang kamag-anak naman ay tumulong sa paglilinis ng garden at swimming pool, nang matapos siya sa pagkakabit ng kurtina ay tumulong din siya sa pagpagpag ng mga sofa saka niya sinahaman niya ang mga pinsan ni Red na nag-uusap sa basketball court.

"Ate Lev, nasaan na 'yong best friend mo?" tanong ni Kara, isa sa mga pinsan nito sa mother side.

"May pinuntahan daw, e," sagot niya.

"Alam n'yo ba guys, nagtapat na ng feelings si ate Lev kay kuya!" mayamaya ay imporma ni Purple kaya nagkatilian ang lahat, nahiya tuloy siyang nagtakip ng mukha.

"Sabi ko na nga ba e, may something sa mga titig mo kay kuya Red." Natatawang sabi ni Vincent.

"Dati magka-one on one lang kayo sa basketball court na 'to, ngayon... OMG! Isa akong fan ng love team n'yo." Ani Kara.

"Bagay na bagay kayo, ate!" sabi naman ng iba pang apat na pinsan ni Red sa mother at father side.

"Salamat sa suporta guys," natatawang sabi na lang niya. Saka niya mabilis na tinampal sa braso si Purple na noon ay tatawa-tawa lang.

Pagkatapos nilang mag-usap ay nag meryenda muna sila, bago siya nagpaalam sa lahat para magpalit muna ng damit, isang red mini-dress ang ipinalit niya saka siya naglagay nang manipis na lipstick at blush on, gusto kasi niyang maging cute at attractive sa mga mata ni Red, nang makita nga siya ng pamilya ni Red sa suot niya, lalo na sina Purple at lola Lotlot ay tuwang-tuwa ang mga ito, ang ganda-ganda daw kasi niya.

Unti-unti na ring dumadating noon ang mga inimbitahang bisita, ang iba sa mga 'yon ay mga kapit-bahay ng mga ito sa malaking Village, ibinigay na rin niya ang regalo niya kay lola dahil baka makalimutan pa niya, na labis nitong ipinagpasalamat.

Habang hinihintay si Red ay kakuwentuhan at kakulitan muna niya ang mga pinsan ni Red kasama si Purple, saka nila pinuntahan si Lola Lotlot na napakaganda sa suot na kimono nito, kaya sobrang puri ng lahat ang kagandahan ng matanda, na namana ni tita Veron at naipamana kina Red at Purple, iba pa ang kagandahan sa parte ng mga De Buena, kaya nga naman nang mag-combine ay mala-artistahin ang resulta, at malakas pa ang matanda sa edad na eighty.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon