HINDI RIN natiis ni Lev ang kahilingan ng kanyang popshie, kaya sa huli ay nakipagkita rin siya sa mama niya, siguro ay na-good mood din siya sa text na ipinadala ni Red sa kanya kaya napasang-ayon din siya. Naisip din niyang chance na rin niya 'yon para makausap nang mabuti ang mama niya, halos mahigit dalawang dekada din silang hindi nagkita dahil ang huling naging balita niya sa ina ay pagkatapos nitong magtrabaho sa Hongkong ay ay lumipat ito sa parte ng Europa at doon na rin nakapag-asawa na ito ng isang French at may dalawang anak. Gayunpaman, wala silang naging komunikasyon dito.
Kahit iniwan sila ng mama niya at malaki ang tampo niya dito, hindi pa rin niya magawang mainis nang sobra sa ina, siguro kahit papaano ay nagpapasalamat siya dahil isinilang siya sa mundo at binigyan ng buhay. Nakasama pa niya ang popshie niya, nakilala pa niya ang mga De Buena at mga kaibigan niya.
Sa isang exclusive resto sila nakipag-meet ng popshie niya sa mama niya, nagulat siya nang agad tumayo ang babaeng nakilala niyang mama niya para lapitan silang mag-ama saka sila mahigpit na niyakap.
As expected, she was very sorry dahil sa pag-iwan nito sa kanila at walang araw daw na hindi sila inisip ng popshie niya at ang naging kalagayan nila, lalo na siya. Gustuhin man daw nitong makita siya ay hindi magawa dahil sa bukod sa nag-aaral na no'n ang step siblings niya ay mahal ang pagbili ng plane ticket at mahirap magpa-approve ng visa.
Inaamin ng mama niya minahal daw nito ang popshie niya ngunit nasaktan ito sa nangyari sa relasyon ng dalawa, humingi rin ito nang kapatawaran sa pagiging close-minded nito at sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa popshie.
Nang lumipat ang mama niya sa France sa tulong ng isang kakilala, doon nito nakilala ang napangasawa nito, kasalukuyan IW sa isang hospital sa France ang mama niya at ang napangasawa ay isang ambulance driver, masayang nagsasama ang dalawa kasama ang dalawang mga anak.
Hindi pa rin niya maalis ang tampo sa ina kahit nagkaayos na ito at ang popshie niya, ngunit nang umiyak ito at masayang-masaya dahil lumaki daw siyang mabuting bata saka siya niyakap ay may kung anong mainit na bagay ang yumakap sa puso niya. Hindi nga niya namalayan na nakaganti na rin pala siya ng yakap sa ina.
Naalala nga niyang sabi ni Red sa kanya dati na hindi daw natitiis ng pamilya ang bawat isa, na ang pag-iwan ng mama niya sa kanila ng popshie ay may kaakibat na layunin at naniniwala siya doon. Nagkausap sila nang mas maayos ng mama niya at nilinaw ang mga katanungang noon ay sa isip lang niya naitatanong.
Pagkatapos silang mag-usap-usap at kumain ay nagyaya uli ang mama niya na mag-dinner sa bahay nito dahil ipapakilala daw sila ng popshie niya sa bagong pamilya nito na tinanggap naman nila agad. Ang mama na din niya ang nagbayad ng mga kinain nila saka nito ibinigay sa kanila ang mga pasalubong nilang mga chocolates, pabango at mga accessories.
Nang makarating sila sa bahay nila ay tila gumaan ang pakiramdam niya. Medyo na-stress din siya ma-meet ang mama niya, pero mabait at maalagang babae ang mama niya, at naramdaman nga niya 'yon kanina nang ito ang nagsalin ng pagkain niya. Na-miss din niyang magkaroon ng totoong mama, though napunan naman kahat ng popshie niya ang kakulangan ng kanyang ina.
Wonder popshie ang popshie niya; maaaring maging papa at mama at the same time, ito rin ang nagturo sa kanya na maging palaban sa buhay, nagturo sa kanya ng mga gawaing bahay lalo na ang pagluluto at nagmahal sa kanya nang walang katulad. She was very blessed for having a popshie.
Muli siyang natigilan nang maalala niya ang mukha ng mama niya, napakaamo nga n'yon, kamuka nito ang batikang artista na si Jean Garcia, siyempre pa ay guwapo ang popshie niya na mala-Kier Legazpi, kaya lang mas pinili nito ang buhay kung saan ito mas malaya at mas masaya.
BINABASA MO ANG
Love Unexpectedly
ChickLitLev Allyson is secretly in love with Reev Exigo for the longest time. At dahil hindi na makayanan ng puso niya ang lihim na damdamin para sa kaibigan, isang gabi ay niyaya niya itong mag-inuman sila para magkaroon siya ng lakas ng loob para maipagta...