4

1.9K 46 1
                                    

"CHOCNUT, ano'ng ginagawa mo dito? Wala naman tayong usapan na magkikita ngayong hapon, ah, o may k-drama marathon kayo ni Purple?" tanong ni Red sa kanya, nang magulat ito sa pagkakakita sa kanyang pumasok sa loob ng bahay ng mga De Buena.

Nagdala na siya ng extra clothes niya kanina pagpunta ng work dahil didiretso siya sa bahay ng mga De Buena, nakapagpaalam na din siya sa popshie niya na may pupuntahan siya after work.

"Hindi kami magki-K-drama marathon ni Purple, dahil tayo ang may pupuntahan." Nakangiting sabi niya, saka niya ito nilapitan sa sofa.

"Tayo?" nagtatakang tanong nito.

Tumango naman siya dito. "Ililibre kita!"

"That's a good idea, chocnut, pero alam mo namang may date ako ngayong gabi." Anito. "Pero valid pa naman 'yang imbitasyon mo sa susunod na araw, 'di ba?"

"Hindi na, this day lang ang validity nang panlilibre ko." Aniya.

"Oh, c'mon chocnut, may lakad ako ngayong gabi, puwede bang sa susunod na araw na lang tayo?" pagsusumamo nito, ngunit nanatili siyang walang katibag-tibag sa kanyang desisyon. Nagpa-cute na ito at lahat-lahat, he even hug and kiss her head pero wa-epek! Dahil seryoso na talaga siyang makapagtapat dito ngayong gabi!

"So, mas pipiliin mo 'yong date mong 'yon kaysa sa best friend mo?" tanong niya sa lalaki.

"Of course not!" mabilis namang sabi nito. "Pero nakapag-promise na ako kay Kaitlyn." Anito.

"Baka 'di mo alam, uso namang mapako ang mga promises, puwede namang sa susunod na araw na lang kayong lumabas." Aniya.

"Pero chocnut..." nakasimangot na sabi nito.

"Okay, kung 'yan ang desisyon mo," aniya, saka na siya tumayo sa kinauupuan at mabilis na tumakod sa kaibigan, ramdam niyang malapit na itong bumigay kaya kaunting pa-effect pa. Nagsimula na siyang mag-countdown ng hanggang sampu, ngunit hindi pa man siya nakakapagsimulang magbilang nang mabilis nitong nahawakan ang braso niya, pakiramdam pa nga niya ay may maliliit na kuryenteng nanulay sa mga ugat niya dahil sa malakas pa ring epekto nito sa kanya. Napangiti siya ng lihim. Success!

"Oo na, tayo na ang lalabas at tatawagan ko na lang si Kaitlyn na sa ibang araw na lang kami." Anito.

Mabilis naman siyang bumaling sa kaibigan. "Napipilitan ka yata, e." aniya, pero alam naman niyang malakas lang siya sa kaibigan-kung sana ay mahal din siya nito-more than friends ay mas masaya!

Umiling ito. "Hindi, ah, siyempre mas love kita kaysa sa sinupamang mga babaeng idini-date ko." Nakangiting sabi nito, saka siya nito mabilis na niyakap.

Tuluyan na siyang napangiti. "I know right." Nakangiting sabi niya.

"Hintayin mo ako, magpapalit lang ako saglit." Nakangiting paalam nito saka ginulo ang kanyang buhok. Muli siyang napangiti saka umupong muli sa sofa. Naabutan siya ni Purple doon nang masayang-masaya.

"So, what makes you happy?" nakangiting tanong nito na umupo s atabi niya.

"I think, gagawin ko na ang love confession ko tonight! Niyaya ko siyang kumain sa labas para makapagtapat na nang damdamin para sa kanya. Tama ka e, this is now or never!"

Tumango ito at nag-thumbs up sa kanya. "'Yan, tama 'yan ate, at lagi mong iisipin na nandito lang kami para sumuporta sa 'yo! Kayang-kaya mo 'yan!"

"Salamat, Purple." Nakangiting yumakap siya sa dalaga.

Mabilis naman itong gumanti ng yakap sa kanya. "You're welcome, ate Lev!"

"WHAT DID you say, Lev Allyson?" pagpapaulit ni Red sa kanya nang buong puso niyang pagsasabi ng 'I am in love with you' sa kaibigan. He even called her in her real name. Pagkatapos nilang mag-dinner ay mukhang kulang pa ng ilang porsyento ang lakas ng loob niya kaya niyaya niya ang kaibigan sa isang bar para mag-inuman at para madagdagan ang tapang niya, at totoo nga ang sinasabi ng lahat na nakakadagdag ng tapang ang alak.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon