5

1.9K 43 0
                                    

PATULOY pa rin si Lev sa panliligaw kay Reev Exigo, hindi niya ito susukuan unless may ipakilala ito sa kanya at sa pamilya nito na babaeng seseryosohin nito. Pero hinihiling niyang sana ay hindi mangyari dahil tiyak hindi 'yon maha-handle ng puso niya.

Halos limang araw na siyang nanliligaw sa binata, gladly ay hindi na gano'n kailang si Red tulad nang mga unang araw nang panliligaw niya dito. Friends na uli sila pero may dagdag lang siyang super duper extra sweetness.

Bukod sa pagbibigay niya ng mga sweets, spider stuffed toys, limited editions na caps ay hinaharana din niya ito at pinagluluto. Tuwang-tuwa nga sa kanya ang pamilya nito, alam din niyang deep inside ay natutuwa din si Red sa kanya dahil kilala niya ang pasimpleng mga ngiti nito na pero sa loob-loob ay tuwang-tuwa, ngunit sinabihan siya nitong tumigil na daw siya sa pagbibigay nang kung anu-ano dahil baka maubos ang ipon niya.

Ngayon nga ay kasama niya si Red sa bahay nila dahil inihatid siya nito dahil galing siya kanina sa bahay nito para manligaw at nanunood sila ng basketball nang mga sandaling 'yon para maghintay sa pagdating popshie niya.

Hindi niya maiwasang malungkot minsan dahil pakiramdam niya hindi siya nagle-level up dito at kapag tinatanong niya ito kung nasaan na siya sa puso nito ay lagi nitong isinasagot na katulad siya ni Purple sa buhay nito—na ibig sabihin ay pamilya pa rin ang turing nito sa kanya, pero umaasa pa rin siya na isang araw ay higit na isang kaibigan o pamilya na rin ang turing nito sa kanya.

"CR lang ako." mayamaya ay paalam nito, na tinanguan niya. Nagulat na lang siya nang pagkasara na pagkasara nito ng CR ay napasigaw ito kaya mabilis siyang tumayo para puntahan ito at sakto naman itong lumabas kaya nagkabungguan sila at dahil mas matangkad ito at mas malakas ay muntik na siyang tumilapon, mabuti na lang at mabilis siya nitong nahawakan sa kanyang likuran.

Kumabog ang puso niya nang magtagpo ang kanilang mga mata, at kung hindi pa siya tinulungan umayos ng tayo ni Red ay baka lumagapak na siya sa semento dahil sa panghihina ng kanyang katawan, kahit nga nang mga sandaling 'yon ay pakiramdam niya baka bigla siyang tumumba—ang weird ng drain effect ni Red sa kanya!

Binitiwan siya agad nito at saka nag-iwas ng tingin, parang nakita niya ang biglang pamumula ng mukha nito. Na-concious din kaya ito sa mahigit ten seconds na titigan nila? Gusto niyang mapangiti. Nagkakaroon na ba siya ng kakaibang epekto sa lalaking ito?

"A-Ano bang nangyari sa 'yo sa CR?" tanong niya.

Mahina itong tumikhim at dahan-dahang bumaling sa kanya. "M-May ipis kasi sa CR n'yo." Mahinang bulong nito na umabot sa tainga niya.

Hindi tuloy niya napigilang matawa. "Eh, mas malaki naman 'yon sa 'yo, e."

"Nagsalita ang matapang, ikaw nga takot sa maliliit na gagamba, e." natatawa ding sabi nito.

"Nakakadiri kaya ang mga gagamba!"

"Mas nakakadiri ang mga ipis, 'no!"

"Asus! Baka naman bumibigay ka na, ha." Natatawang biro niya. "Ipaamoy nga kita kay popshie mamaya, baka may maamoy siya sa 'yo—" naputol ang sasabihin niya nang mabilis siyang hinapit sa baywang ni Red, nagkalapit tuloy ang kanilang mga katawan, kumabog ng mabilis ang puso niya lalo na nang magtagpo ang kanilang mga mata at napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa kanyang mga labi.

"P-Pula..." kinakabahang wika niya. Nabiro naman na niya ito dati tungkol sa pagiging duwag nito sa mga insektong may magagaspang na paa, ngunit ngayon lang ito nag-react nang gano'n.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon