KINABUKASAN ay sobrang sakit ng ulo ni Lev dahil sa hangover, mabuti na lang at day off niya kaya hindi niya kailangang puwersahin ang sariling pumasok sa opisina. Naabutan niya ang popshie niya sa kusina habang may kausap na kung sino, nanlaki ang mga mata niya nang makita niya si Red na noon ay nakangiti at fresh na fresh na nakatitig sa kanya. Bumati ito sa kanya at mabilis siyang ipinaghila nang mauupuan.
Bigla yata siyang na-concious sa hitsura niya dahil bukod sa gulo-gulo ang buhok niya, pati ang kasuutan niya—night gown na mukhang pinalitan siya ng popshie niya kagabi. Dagdag pa na amoy alak pa siya at hindi pa nakakapag-sepilyo at naglilinis ng mukha.
Ngayon ka pa talaga na-concious sa sampung taon n'yong magkakilala at nakikita na sa ganyang ayos ang isa't isa? Tanong ng isipan niya. Pasimple niyang inayos ang sarili at ang suot na damit, saka siya agad na nagtungo sa lababo para linisin ang sarili bago naupo sa tabi ng binata.
Inabutan siya nito ng tubig na may honey para ma-sober ang pakiramdam niya. Nakahanda na rin no'n ang chocolate pancake, egg, ham, hotdog sa mesa na takeout mula sa isang fastfood resto, mukhang galing ang mga pagkain sa binata na maagang nagpunta sa bahay nila. Hindi na nga pala niya ito namalayang umalis sa kuwarto niya kagabi dahil nakatulog na siya.
"Maagang nagpunta dito si Red para dalhan tayo ng agahan." Nakangiting imporma ng popshie niya, saka siya nito inabutan ng chocolate drink.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa rin ba?" mayamaya at tanong ni Red.
"Okay na ako, medyo masakit lang 'yong ulo ko." Aniya.
"Nagdala din ako ng gamot para sa hangover," inilabas nito mula sa bulsa nito ang Ibuporfen saka inabot sa kanya.
Hindi niya napigilang kiligin, nang mapatingin siya sa popshie niya ay mapanukso itong ngumiti sa kanya. Lasing na lasing na siya kagabi, hindi tuloy niya alam kung 'yong mga narinig niya kagabi mula sa binata ay galing sa panaginip o totoo. Basta ang natatandaan niya sa mahaba nitong sinabi niya ay wala na daw ito at ang girlfriend nito, at kaya ayaw nito kay Bren dahil nasaktan ng lalaki ang ego nito dahil sa isang babae.
"After our breakfast, I want to bring you somewhere." Nakangiting sabi ni Red.
"S-Saan naman? Teka, may mga sinabi ka ba sa akin kagabi?" hindi niya napigilang itanong.
Ngumiti ito sa kanya at tumango. "Pero uulitin ko na lang uli mamaya dahil alam kung lasing na lasing ka kagabi at baka hindi mo napakinggan."
Napakamot siya sa ulo at tumango na lang, bago na sila nagsimulang kumain. Takam na takam talaga siya sa chocolate pancake na alam ni Red na paborito niya. Naninibago siya sa pagiging extra sweet and gentleman ngayon ni Red, pati nga ang popshie niya ay nagtataka sa nakikitang extra na pagbabago sa kaibigan niya, hindi tuloy niya maiwasang kiligin ngunit may kaunting pagkailang.
Nang matapos silang kumain nang agahan ay ito na rin ang nagpresintang magligpit ng mga kinainan nila dahil inutusan na siya nitong maligo at magbihis ng damit panlabas dahil niyayaya siya nitong lumabas, nakapagpaalam na nga ito sa popshie niya, mukhang nakiayon pa ang ulo niya dahil nawala ang pananakit n'yon pagkatapos niyang uminom ng gamot.
Tinubuan siya nang excitement at kilig. Kaya naman hindi niya naiwasang mapakanta habang naliligo. May nararamdaman siyang kakaiba sa mga ikinikilos ng lalaki, ngunit ayaw niyang bigyan ng pangalan dahil baka umasa siya sa wala, at 'di pa niya alam ang dahilan kung bakit nag-break ito at si Sharie o baka may chance pang magkabalikan ang mga ito.

BINABASA MO ANG
Love Unexpectedly
ChickLitLev Allyson is secretly in love with Reev Exigo for the longest time. At dahil hindi na makayanan ng puso niya ang lihim na damdamin para sa kaibigan, isang gabi ay niyaya niya itong mag-inuman sila para magkaroon siya ng lakas ng loob para maipagta...