1

3.3K 56 1
                                        


NAPANGITI at muling kinilig si Lev habang nakatitig sa natutulog na kaibigang si Reev Exigo. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang hintuturo para ipadaan sa makakapal na kilay, sa mahahabang pilik-mata, napakatangos na ilong, hugis-puso at mapupulang labi ng binata, para sa kanya ay mas guwapo pa ang lalaking ito kaysa sa kahawig nitong Hollywood actor na si Theo James at sa simpleng pagtitig sa lalaking ito ay daig pa niya ang nakipag-karera sa kabayo dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

Oo, adik na adik siya kaguwapuhan ng kaibigan niya and yes, Lev Allyson Dela Cruz is secretly in love with Reev Exigo De Buena for the longest time. They've been friends for a decade now, nagsimula 'yon no'ng naging magka-klase sila ng Business Management sa parehong University na pinasukan nila.

College days pa lang ay napakalakas na nang hatak ng kaguwapuhan nito sa mga kababaihan at kabadingan, isa ito sa pinakasikat na estudyante sa school nila; bukod kasi sa miyembro ito ng basketball team at naging two time MVP ay isa din itong campus heartthrob at maraming mga babaeng laging naghahabol dito na parang isang artista.

At lubos siyang pinagpala dahil walang kahirap-hirap na napalapit siya sa lalaki. Actually, hindi niya dati ito gusto dahil bukod sa marami na masyadong nagkakagusto dito at ayaw niya ng maraming kaagaw ay papalit-palit din ng kasintahan ang lalaki. Palibhasa ay 'single since birth' siya, kaya gusto niya ng ideal relationship; 'yong siya lang ang babae sa buhay ng lalaking mamahalin niya. May mga nanligaw naman sa kanya during high school and college days, kaso kapag dumadalaw na sa bahay nila at nalalaman ang tungkol sa popshie niya, kinabukasan ay hindi na babalik ang mga ito, pero kiber naman, hindi rin naman niya bet ang mga 'yon!

Isa nga sa mga naging girlfriend ni Reev Exigo no'ng third year college sila ay ang pinakasikat na Barbie doll ng school nila; si Annika, sobrang ganda nito at matalino pa, lahat no'n ay inggit na inggit sa relasyon ng dalawa, ngunit after less than a year ay nagkahiwalay din ang dalawa, masyado daw kasing selosa ang babae at maraming hindi pagkakaintindihan, maraming nanghinayang sa relasyon ng dalawa pero kaysa matali sa hindi masayang relasyon, tinapos na lamang ng mga ito ang lahat.

Ngunit hindi siya isa sa mga nanghinayang, lukaret na siya, oo, pero natuwa siya nang malamang naghiwalay na nga ang dalawa, paano ba naman kasi ay in love na siya sa lalaki. At habang nagdadamdam ito no'n ay naroon naman siya para damayan ito, halos mahigit isang linggo din itong nalungkot hanggang sa unti-unti ding bumalik ang kakulitan nito.

Kung paano siya na-in love kay Reev Exigo De Buena o Red for short? Ganito ang kuwento... First year college pa lang sila ni Red ay lagi na silang pinagta-tandem palibhasa ay parehong 'D' ang simula ng mga apelido nila, lagi din silang magkatabi sa upuan dahil naka-alphabatical ang seat plan nila. Kaya nga maraming mga kababaihan ang inggit na inggit sa kanya. Ngunit deadma naman siya noon dahil nga hindi niya ito type!

Isang araw, nagkaroon sila ng long quiz at naiwan niya ang notebook niya sa bahay nila, hindi niya 'yon nailagay sa bag niya dahil nagpalit siya ng bag, akala niya ay katapusan na ng kanyang mundo pero biglang i-sh-in-are ng binata ang notebook nito sa kanya. Hindi lang 'yon, dahil rin sa kakulangan sa budget niya no'n ay hindi siya nakakabili ng mga libro niya, kaya pinautangan siya nito ngunit hindi naman siya sinisingil. Dumating din 'yong time na nakalimutan niyang dalhin ang libro niya at tiyak mapapagalitan siya ng teacher nila, kaso ibinigay ni Red sa kanya ang libro nito kaya sa huli ay ito ang napagalitan.

Mas naging malapit pa sila nang maging project partners sila; nagpupunta na din ito sa bahay nila para gumawa ng projects and assignments nila together, nakilala na din nito ang 'popshie' niya, at ang maliit nilang tirahan. Nang sumunod din ay siya ang inimbitahan nito sa bahay nito na halos malula siya sa laki at ganda, nakilala din niya ang mga magulang nito, ang abuela at nakababatang kapatid na babae.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon