10

4K 96 4
                                        


SOBRANG excited na si Red na muling makita ang pinakamamahal niyang Chocnut after a week nang pagkakawalay sa dalaga. Gabi-gabi naman silang magka-chat sa FB at magka-skype, kaya lang hindi pa rin 'yon sapat para ma-relieve ang pagka-miss niya dito, palibhasa ay ngayon lang ito nawalay sa kanya ng matagal na panahon. Oo, matagal na panahon na para sa kanya ang one week, actually, para sa kanya ang isang oras ay katumbas ng isang buwan, kaya ang isang linggo ay para ng isang taon.

Sa unang araw na wala ito ay hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya para malibang siya at saglit na makalimutan ang pagka-miss niya sa dalaga, kaso epic fail, kaya tuwang-tuwa siya nang makatanggap siya ng message mula dito tungkol sa first day adventure nito. Napa-create nga siya ng skype account para makita ang mukha ng dalaga dahil gustong-gusto na niya itong makita. Kung siguro hindi lang nakasulat sa bucket list nito na mag-travel ng mag-isa, for sure nakasunod na siya agad dito.

Parang siyang lowbatt nang isang buong linggo at saka lang nacha-charge-an kapag kausap si Lev. Kung ganito pala ang feeling nang ma-in love na halos mabaliw-baliw siya ay hindi siya nagsisisi dahil gustong-gusto niya ang pakiramdam. He's really crazily in love with Lev, thank God, dahil hindi pa huli ang lahat at excited na siyang makita ito dahil malakas ang pakiramdam niyang sasagutin na siya nito—ayon sa sinabi nitong may surpresa ito para sa kanya!

Kaya nga hindi na niya malaman kung ano ang mararamdaman niya; excitement, na makita ito, kaba, dahil sasagutin na siya nito at magiging official boyfriend and girlfriend na sila ng pinakamamahal niyang babae, sobrang saya, na baka mayakap niya agad ito sa labis na pagka-miss, baka nga iuwi na niya ito at ayaw na niyang muling mawalay pa ito sa kanya.

Ang balita ni Lev sa kanya ay first flight ang kinuha nito kaya baka before lunch time na ito makarating ng 'Pinas. Kasama uli niya ang Popshie nito at ni Purple para sumalubong sa dalaga. Nakahanda na nga ang one hundred roses bouquet niya mula sa flowershop ng kapatid at mommy niya para kay Lev. Hindi na maalis-alis ang ngiti sa kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay high school student siya na ngayon lang nagka-crush. Malapit na niya itong maging girlfriend and soon ay maging fiancée, handa na ang heirloom ring na ibinigay ng lola Lotlot niya sa kanya para sa magiging asawa niya.

Tinalon niya ang kanyang kama at masayang nagpagulong-gulong. Sana dalawin na siya ng antok para bukas ay fresh ang hitsura niya kapag nakita siya ni Lev at mas lalo itong ma-in love sa kanya. Haaay, Chocnut ko, gustong-gusto na kitang mayakap at mahalikan. Excited na akong maging girlfriend ka at mapakasalan sa simbahan! Nangangarap na sabi niya sa sarili.

MULING SINIPAT ni Red ang oras sa kanyang wrist watch, mahigit dalawang oras na lang ay lalapag na ang eroplano na kinasasakyan ni Lev. Maaga siyang nagising at nanggising, at pasado alas nuwebe ay nasa NAIA na sila nina Popshie at Purple para hintayin si Lev. Natatawa pa nga ang dalawang kasama niya sa kanya dahil hindi daw halata ang pagiging excited niya dahil sa aga nila sa Airport.

"Sorry na, miss na miss ko na, e." nakangiti lang na sagot niya.

"Kanina pala nang paalis tayo sa bahay, nasagi ko 'yong maliit na salamin na binigay sa akin ni ate Lev noon, ang sabi ni Lola Lotlot ikuwento ko din daw sa iba para ma-sumbra ang malas dahil may masamang pangitain daw na hatid 'yon." kuwento ni Purple.

"Maalala ko lang din, nabasag ko din kagabi 'yong favorite mug ni Lev na madalas niyang ginagamit sa bahay, ngayon ko lang nasabi." Ani Red.

"Naku, kuya, ang sabi ni lola kapag baso daw ang nabasag dapat ay parisan mo, ibig sabihin dapat nambasag ka pa ng isa para ma-sumbra 'yong malas na hatid." Ani Purple.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon