MULING bumalik ang tiwala ni Lev sa kanyang sarili sa dalawang araw niyang pamamahinga sa panliligaw sa lalaki. Hangga't kaya pa ng puso niya ay hindi siya susuko kay Red, hindi pa naman ito kasal sa babaeng 'yon at hindi pa ito nakatali, alam niyang may chance pa siya basta ituloy-tuloy lang niya ang pagiging loyalista at dedicated dito.
May nagaganap na fund raising basketball league sa covered court sa Village, lahat ng mga mayayamang taga-village ay kasali at malaki ang pustahan, mapupunta ang pera sa institusyon ng napili nang mananalo. Nandoon siya para suportahan si Red, mayroon nga siyang banner para iparamdam dito ang suporta niya, tulad nang kapag may laro ito mapa-school o kung saan pa man.
Sadly, nasa kalabang team si Bren, kaya hindi niya ito maichi-cheer, gayunpaman ay g-in-oodluck na niya ito kanina. Ngayon nga ay kasalukuyan niyang ichini-cheer si Red dahil napakahusay nito, gano'n din si Bren, pero Red siya all the way!
"Go Pula! Fight lang nang fight!" sigaw niya. Nagtawanan naman ang mga taga-village na nanunood sa kanila. Kahit si Red ay napangiti sa ginagawa niyang pagchi-cheer.
Kung inaakala ng lalaking ito na susukuan niya ito dahil sa pagpapakilala ng girlfriend nito, nagkakamali ito. Hindi siya ipinanganak sa henerasyon ito para sumuko, unless wasak na wasak na talaga ang puso niya at hirap na siyang buuin uli at kailangan niya nang matagalan pagpapahilum.
"Ang galing talagang mag-cheer ng girlfriend mo, Red! Siya yata ang lucky charm mo." natatawang tukso ng mga kasamahan ng lalaki sa team.
Natawa naman si Red at napailing. "Best friend ko lang si Lev," sagot ni Red sa mga kasamahan, hindi tuloy niya napigilang mapabusangot, okay na sana'yong tumawa ito, e, masyado namang defensive ang lalaking ito.
Pero kiber, tuloy pa rin siya energetic niyang pagchi-cheer, tawang-tawa pa nga ang lola ni Red na kasama noon si Purple para manood, sabado kaya off ng karamihan. Halos lumabas na ang litid niya sa kakasigaw. Hanggang sa mag-half time break at mabilis naagaw ng kanyang atensyon ang humintong sasakyan na agaw-eksena talaga.
Napalingon din ang lahat sa nagmamay-ari nang magarang sasakyan hanggang sa makalabas ang may-ari—si Sharie, na noon ay nakasuot ng black dress na nagpalabas lalo sa ganda at puti ng kutis nito. Siya mang babae ay napapahanga sa taglay nitong kagandahan.
Mabilis kumaway ang babae kay Red nang makita ito, kaya mabilis siyang bumaling kay Red, nakangiting naglakad ang babae palapit sa binata at nagulat na lang siya nang mabilis humalik ang babae sa mga labi ng lalaki. Parang tumigil ang kanyang paghinga ng sampung segundo dahil sa nasaksihan.
Kahit na ang ibang mga taong naroon ay hindi nakapag-react bago inulan ng tukso ang dalawa. Kanina lang ay siya ang itinutukso sa lalaki, dumating lang ang magandang babaeng 'yon na-inichapuwera na siya.
Bukod sa na-instant durog ang puso niya, para ding nilagyan pa 'yon ng kalamansi dahil ramdam niyang ang sobrang kirot at pighati. Nang bumaling siya sa kinaroroonan nina Purple at lola Lotlot ay napabusangot din ang mga ito. Muling kumirot ang puso niya nang yakapin pa ng babae si Red at gumanti naman ang huli. Sa lagay na 'yon, may pag-asa pa ba siya? Hinawakan niya ang tapat ng puso niya, kumikirot kasi 'yon, sobra.
Kung wala lang sigurong mga tao ay mag-iiyak na siya doon. Nagulat siya nang biglang humarang si Bren sa harapan niya, natakpan tuloy ang dalawang sweet-sweet-an pares sa harapan niya.
"Bren!"
Ngumiti ito sa kanya saka siya inabutan ng malamig na soft drinks in can. "Pampawi sa init." Nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Love Unexpectedly
ChickLitLev Allyson is secretly in love with Reev Exigo for the longest time. At dahil hindi na makayanan ng puso niya ang lihim na damdamin para sa kaibigan, isang gabi ay niyaya niya itong mag-inuman sila para magkaroon siya ng lakas ng loob para maipagta...
