3

1.9K 38 0
                                    

"OH! I MISSED you too, honey, I will see you again later..."

"Ate Lev, bago na naman ba 'yong girl na idini-date ni Kuya?" pabulong na tanong ni Purple sa kanya, nasa theatre room sila noon sa bahay ng mga De Buena habang nanunood ng thriller movie at magkatabi silang dalawa ng nakababatang kapatid ni Red sa upuan, habang ang lalaki ay nasa dulong bahagi-na noon din ay abala sa pakikipag-usap sa bagong babaeng idini-date nito. Parang three days ago ay kausap pa nito 'yong babaeng pupuntahan nito sa condo, ngayon ay mukhang iba na naman.

Sabado. Wala siyang pasok sa opisina kaya kaninang umaga hanggang hapon ay tumulong siya sa salon ng popshie niya pagkatapos ay dumaan siya sa mga De Buena para maghatid nang ginawa nilang puto at kutsinta, na paborito ng lahat maliban kay Red dahil ayaw nito nang malalagkit. At dahil off din ng magkapatid mula sa trabaho ay naisipan nilang mag-movie marathon, pangalawang movie na nila ang nakasalang ngayon. Ngunit buong duration ng pangalawang movie at may kausap lang si Red sa phone nito, ngali-ngaling agawin niya ang phone nito at itapon sa labas ng bahay.

"Pakiramdam ko din bagong babae na naman niya 'yan," naiiling na bulong din niya kay Purple saka siya bumaling sa lalaking abala pa rin sa kausap.

"Ate, paano ka na at ang feelings mo sa manhid kong kapatid?" malungkot na sabi nito.

Mabilis naman niya itong binalingan saka napabuga ng hangin. "Alam mo Purple, minsan gusto ko na ring magtapat nang totoong nararamdaman ko sa kanya, e, kaso iniisip ko kasi 'yong magiging consequence e, natatakot akong baka malaki ang pagbabago sa amin."

"Pero hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan, at kahit ano'ng mangyari ay nasa likod mo pa rin ako, Lev all the way ako!" nakangiting sabi nito.

"Salamat, Purple," tipid siyang napangiti, ramdam niya ang pagsuporta nito sa kanya kaya nadagdagan na naman nang kaunti ang lakas ng loob niya. Hindi lang isang beses kaya niyang naisip na magtapat ng damdamin para sa kaibigan, kaya lang wala siyang gano'ng sapat ng lakas na loob para gawin 'yon. "Sa tingin mo, ano'ng magiging reaksyon ng kapatid mo kapag ginawa ko 'yon?" tanong niya.

Napahawak naman ito sa baba nito. "Siguro masho-shock siya nang bongga, pero okay lang 'yon ate, kaysa naman hindi mo sinubukan, 'di ba? At habang buhay kang mabubuhay sa mga 'what ifs' sa isip mo."

Tumango-tango naman siya sa dalaga. "Tama ka dyan!" matatag na sabi niya. "Mas may 'K' naman ako sa iba sa mga nakaka-date ng manhid mong kapatid." Aniya.

"Ay trowts ateng, kaya i-pak ganern na 'yan!" natatawang sabi ni Purple, na tinangunguan pa niya. "Kailan mo balak gawin 'yang love confession mo ate? At nang makapag-prepare ako ng romantic ambiance." Nakangiting sabi nito.

"Bukas, hindi, sa susunod na bukas, eh, kung next week na lang o next-"

"Hep-hep!" mabilis na sansala sa kanya ni Purple. "Ate, huwag ka nang panghinaan ng loob, this is now or never!" pinisil nito ang braso niyang nakapatong sa armrest.

"Paano kung..."

"Magtiwala ka lang sa kagandahan mo, you are beautiful inside and out." Nakangiting pagpapalakas ng loob nito sa kanya.

Huminga siya nang malalim at bumuga ng hangin. "Yes, maganda ako, maganda ako sa mga mata ni popshie ko at sa mga mata mo, kaya ko 'to!" aniya.

"Fighting!" magkasabay na sabi nila, at napalakas yata dahil mabilis na bumaling sa kanila si Red at kapagdaka'y nilapitan na silang dalawa dahil tapos na itong kausap ang halos isang oras nitong callmate.

"Ano'ng problema n'yong dalawa?" nagtatakang tanong nito.

"'Yong kakilala kasi naming manhid na unggoy, kuya." Natatawang sabi ni Purple.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon