2

2.2K 46 0
                                    

NAPATIGIL sa pagpasok si Lev sa nakabukas na kuwarto ni Red nang marinig niyang may kausap sa phone ang binata. Pagkatapos nilang kumain ay tumulong siya sa dalawang katulong para magligpit ng mga kinainan kahit pa ayaw ng mga magulang ng binata, at pagkatapos ay sumunod siya sa kuwarto ng kaibigan para makapagpaalam nang uuwi, may tumawag kasi dito after dinner at hanggang ngayon ay kausap pa rin nito.

Narinig niyang tinawag ni Red na Aris ang kausap, sa pagkakatanda niya ay kasamahan nito 'yon sa company ng daddy nito, at naging kaklase nito ng master's no'ng nasa States ito. Bihira kasi siya magawi sa De Buena Summit Holdings, kaya hindi siya gano'n ka-pamilyar sa mga empleyado doon, nakilala lang niya si Aris dahil naikukuwento ito ni Red.

"So, isang sikat na International model ang boyfriend ngayon ni Sheena? Teka, bakit mo nga ba sinasabi sa akin 'to, 'tol?" tanong ni Red sa kaibigan nito, tukoy ang less than a year Fil-Am ex-girlfriend nito no'n sa States. Sa pagkakatanda niya ay nagkahiwalay daw ang dalawa dahil nagkagusto ang babae sa isang lalaki at sa unang pagkakataon ay babae ang nakipaghiwalay dito para ipagpalit ang kaibigan niya sa ibang lalaki. Natamaan ang ego nito kaya dinamdam nito 'yon ng isang buwan. "What? Higitan ko 'yong boyfriend niya?" natawa si Red. "Gusto mo bang mag-girlfriend ako ng bilyonarya?" napailing-iling si Red sa kausap nito. "Eh, ano naman kung inaantabayanan ng ibang mga kaibigan natin ang love life ko? Hintayin n'yo na lang akong ma-in love uli."

Hindi nakagalaw si Lev sa kinatatayuan niya habang pinapakinggan ang usapan ng dalawa, alam niyang masama ang mag-eavesdrop, ngunit hindi niya maiwasan, sobrang curious na din siya kung bakit hindi pa uli nagkaka-girlfriend ng seryoso ang kaibigan niya though madalas nitong sinasabi sa kanya na masyado itong abala sa trabaho para makapaghanap ng babaeng mamahalin ng seryoso-na nahiling niyang sana ay siya na.

Nang mapansin ni Red ang kanyang presensya sa harapan ng kanyang kuwarto, ngumiti ito sa kanya at saglit pa ay nagpaalam na ito sa kausap nito bago siya hinarap.

"Uwi na ako, Pula!" aniya. She often calls him 'Pula', na tagalog ng pangalan nitong Red, ayaw na ayaw nitong tinatawag niya itong 'Pula' noon, hanggang sa nasanay din ito.

"Hatid ka kita, Chocnut." Sagot naman nito.

Napailing siya at lihim na napangiti. Kung sa iba ay nagtutunog sweet 'yon dahil parang endearment 'yon, ngunit ang totoong meaning n'yon ay pinagandang tawag sa 'poknat', dahil no'ng bata siya ay nahulog siya sa inakyat niyang puno at nagkasugat siya sa ulo na kinailangang tahiin, hanggang sa nag-iwan 'yon ng poknat sa ulo niya, mabuti na lang at natatabunan na 'yon ngayon ng makapal niyang buhok.

Tumango naman siya at ngumiti sa kaibigan. Lumabas na ito ng kuwarto nito saka sila sabay na bumaba sa hagdanan. Nagpaalam na siya sa pamilya nito saka sila sabay na naglakad papunta sa brand new Acura NSX red car nito, dinispatsa na nito ang BMW nito at pinalitan nang maganda at astig na bagong sasakyan mula sa ipon nito, gusto nga nitong ibigay sa kanya ang BMW nito para hindi na daw siya mag-communte, kaso hindi rin naman sila marunong mag-drive ng popshie niya.

Nakalabas na sila sa malaking gate ng mga De Buena nang makita niya ang pamilyar na itim na sasakyang tumigil sa katapat ng malaking bahay-alam niyang kay Bren Guzman 'yon, ang guwapong kapitbahay nina Red at katrabaho niya ito sa GM Group of Companies, ito bilang General Manager, mas matanda ito sa kanya ng isang taon ngunit mas prefer nitong tawagin itong Bren kapag wala sila sa kompanya.

Una niyang nakita ang lalaki nang dumalaw siya sa mga De Buena, ngunit nakilala niya ito sa kompanya dahil doon din ito nagta-trabaho, apo ito ng may-ari ng kompanya. Actually, galing ito ng States at doon unang nag-trabaho ngunit umuwi din ng bansa para tumulong sa kompanya ng pamilya.

Nang makita niyang lumabas sa sasakyan si Bren ay mabilis din niyang binuksan ang bintana ng sasakyan ni Red. "Bren!" nakangiting bati niya.

Mabilis namang lumingon sa kanya ang lalaki, no'ng una ay kinikilala siya dahil hindi siya maaninag nito hanggang napangiti din ito. "Ally!" nakangiting sabi nito saka ito kumaway sa kanya.

Love UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon